Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Karunungang Bayan QUIZ

Total questions: 25

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan. ang pahayag ay isang halimbawa ng:

a)

Sawikain

b)

Salawikain

c)

Kasabihan

d)

Bulong

2.

Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral

ito ay isang halimbawa ng anong karunungang bayan?

a)

Sawikain

b)

Salawikain

c)

Kasabihan

d)

Bulong

3.

Isang butil ng palay, sakop buong bahay. Bombilya(ilaw) ito ay isang halimbawa ng:

a)

Sawikain

b)

Kasabihan

c)

Bugtong

d)

Bulong

4.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto

Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso. Ano ang mensaheng nakapaloob dito?

a)

Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay may

mabuting kalooban. Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa

simula.

b)

Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko.

c)

Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto

iyon. Baka mapeke ka lang.

d)

Ang ginto at tanso ay parehong makinang.

5.

Ito ay nakaugalian ng sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal na nangangaral at umaakay sa mga kabataan.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

kasabihan

d)

bugtong

6.

Ito ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito'y may nakatagong kahulugan.

a)

Sawikain

b)

Palaisipan

c)

Bulong

d)

Bugtong

7.

Pagmaliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig nito?

a)

Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.

b)

Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan.

c)

Kung maliit ang kumot ay huwag ng paghatian pa ibigay na lamang sa iba

d)

Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at magtipid

8.

Ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin dito.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Bugtong

d)

Sawikain

9.

Isang uri ng palaisipang nasa anyong patula. Isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugang nilulutas bilang isang palaisipan.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

d)

Bugtong

10.

Ang taong matiyaga Matutupad ang ninanasa. Ang pahayag ay halimbawa ng:

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Kasabihan

d)

Sawikain

11.

Ano ang sagot sa bugtong na ito?

'Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.'

a)

daigdig

b)

kuweba

c)

melon

d)

niyog

12.

Ano ang sagot sa bugtong na ito?

'Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin'

a)

sumbrero

b)

bubong

c)

ulap

d)

saranggola

13.

Ano ang sagot sa bugtong na ito?

'Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis'

a)

pagtutulungan

b)

pagsisikap

c)

pagpupursige

d)

makasarili

14.

Ano ang sagot sa Bugtong na ito?

'Hinila ko ang baging, nag-ingay ang alipin'

a)

lubid

b)

kampana

c)

kambing

d)

bentilador

15.

Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap

a)

Unan

b)

Kumot

16.

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

a)

bulong

b)

bugtong

c)

sawikain

d)

salawikain

17.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

a)

kasabihan

b)

palaisipan

c)

sawikain

d)

salawikain

18.

Isang uri ng panitikan na minana pa natin sa ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop.

a)

Karunungan ng Lungsod

b)

Karunungang Bayan

c)

Karunungan ng Lalawigan

d)

Wala sa nabanggit

19.

Ito ay nagsisilbing libangan ng ating mga ninuno na nagtataglay ng maikli at tugmaang pahayag upang ipasagot sa iba.

a)

Dugtong

b)

Sawikain

c)

Bugtong

d)

Kasabihan

20.

Bahay ni Donya Ines, napaliligiran ng butones.

a)

Atis

b)

Bayabas

21.

"Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?" . Ito ay isang halimbawa ng...

a)

Sawikain

b)

Salawikain

c)

Kuwentong-bayan

d)

Idyoma

22.

Ang mga kuwento ni Adam ay " hubad sa katotohan". Ito ay nangangahulugang ang mga kuwento ni Adam ay

a)

walang basehan

b)

hindi totoo

c)

nakakapaniwala

d)

walang kasiguradohan

23.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na karunungang-bayan:

"Walang mahirap na gawa, 'pag dinaanan sa tiyaga."

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

24.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na karunungang-bayan:

"Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan."

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

25.

Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang pahayag na, "Huwag magbilang ng manok, hangga’t hindi napipisa ang itlog".

a)

Bugtong

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain