NEW
Font size
WorksheetsEsP 8-Katapatan sa Salita at sa Gawa Quiz
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli. Anong uri ng pagsisinungaling ito?
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying).
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying).
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying).
Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying).
Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying).
Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying).
Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa upang protektahan ang isang tao nang sa gayon ay hindi mapahamak o maparusahan.
agsisinungaling para protektahan ang
ibang tao (Prosocial Lying)
Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya, o maparusahan. (Self-enhancement lying)
Pagisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasama ng ibang tao. (Selfish Lying)
Pagsisinungaling na sinasadya ang intensyon na sumira o makapanakit ng kapwa. (Antisocial Lying)
Alin ang HINDI dahilan ng pagsasabi ng totoo?
Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon ng mga taong nagsisinungaling para kaawaan sila.
Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
Alin ang katangian ng taong may katapatan sa gawa.
Tumatanggap ng suhol o pera
Nanloloko at nanlilinlang ng ibang tao
Hindi kukuha ng bagay na hindi sa kanya
Magaling lamang sa pangako ngunit hindi sa gawa
