Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8_Q3 Periodical Test

Total questions: 50

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

1. Siya ay kinilala bilang “Ang Tagapagpalaya” dahil sa kanyang pagpupunyagi na makalaya ang mga bansa sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.

a)

A. GeorgeWashington

b)

B. Haring Charles I

c)

C. Napoleon Bonaparte

d)

D. Simon Bolivar

2.

2. Siya ang sumulat ng dokumento ng Deklarasyon ng Kalayaan para sa Estados Unidos.

a)

A. George Washington

b)

B. Miguel Hidalgo

c)

C. Simon Bolivar

d)

D. Thomas Jefferson

3.

3. Pinagtibay ng dokumentong ito ang prinsipyo na ang hari ay isa lamang opisyal na mamumuno sa kagustuhan at kaalaman ng mga bumubuo ng Parlamento ng bansa.

a)

A. Akto ng Parlamentaryo

b)

B. Bill of Rights

c)

C. Kodigo ni Napoleon

d)

D. Magna Carta

4.

4. Ang bansang Amerika ay tinulungan ng bansang _______________ sa kanyang pakikipaglaban para sa kanyang kalayaan laban sa kamay ng Britanya.

a)

A. Alemanya

b)

B. Italya

c)

C. Espanya

d)

D. Pransiya

5.

5. Ito ang naging uri bitay na iginawad sa Pransiya bilang kaparusahan sa mga itinuturing na kaaway ng mga naghahari sa lipunan sa kanilang panahon.

a)

A. electric chair

b)

B. gas chamber

c)

C. guillotine

d)

D. hanging

6.

6. Isa ito sa mga unang dokumento ng Inglatera na nagbigay-proteksyon sa pangunahing karapatan ng tao sa di-makatarungang pagpapakulong at pagkamkam ng ari-arian.

a)

A. Act of Habeas Corpus

b)

B. Intolerable Acts

c)

C. Magna Carta

d)

D. Saligang Batas ng 1789

7.

7. Ito ay ang pagsama-sama ng mga kolonya upang ipakilala ang kanilang paglaban sa mga mapaniil na batas at polisiya ng pamahalaang kolonya laban sa Britanya

a)

A. Aktong Parlamento

b)

B. Kongresong Kontinental

c)

C. Reign of Terror

d)

D. Unang Republika

8.

8. Ito ay ang makasaysayang pagtatapon ng mga produktong tsaa mula sa barko ng Britanya na nakadaong sa pantalan ng Boston bilang pagpapahayag ng mahigpit na pagtutol ng mga Amerikano sa mapaniil na pagbubuwis sa kanilang kolonyang bansa.

a)

A. Boston Tea Party

b)

B. Stamp Act

c)

C. Reign of Terror

d)

D. Digmaang Kastila-Amerikano

9.

9. Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng salitang renaissance?

a)

A. Muling pagsibol ng kaalamang Griyego-Romano

b)

B. Muling pagsikat ng kasanayan ng Italya-Romano

c)

C. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano

d)

D. Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa agham at relihiyon sa Europe

10.

10. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa pagtataguyod ng Renaissance?

a)

A. Naitaguyod ang mga maharlikang angkan sa sining at kultura.

b)

B. Naitaguyod ang pag-aaral ng mga taong mahihirap na may interes sa pag-aaral.

c)

C. Naitaguyod na maging masigla ang mga kultura at sining ng sinaunang Griyego at Romano.

d)

D. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Giyego at Romano.

11.

11. Sa pagtatapos ng Middle Ages, sa paanong paraan nakaapekto ang Renaissance sa kapangyarihan ng mga pinuno?

a)

A. Nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari, samantalang ang kapangyarihan naman ng simbahan ay sinimulang tuligsain.

b)

B. Mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng simbahan at mga namumuno dito tulad ng Papa upang diktahan ang mga hari at reyna.

c)

C. Nanatiling pantay ang karapatan at kapangyarihan ng hari at ng simbahan pagdating sa pangangalaga ng kabuhayan at ekonomiya.

d)

D. Naging masigla ang kaisipang pilosopiya at relihiyon dahil sa pagtutulungan ng mga hari at papa sa kanilang kaharian at nasasakupan.

12.

12. Ano ang tawag sa kilusang intelekrtuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay?

a)

A. Historyadismo

b)

B. Humanismo

c)

C. Iskolarismo

d)

D. Pilosopismo

13.

13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang tinagurian ng Great Britain na "pinakamaningning na hiyas" ng imperyo?

a)

A. India

b)

B. China

c)

C. Indonesia

d)

D. Pilipinas

14.

14. Ano ang layunin na nakapaloob sa “White Man's Burden” na isinulat ni Rudyard Kipling?

a)

A. Palawakin ang mga lupain na nasasakupan ng mga Ingles.

b)

B. Pag-isahin ang iba't ibang lahi sa mundo.

c)

C. Paunlarin ang rebolusyong industriyal.

d)

D. Turuan at tulungang paunlarin ng mga kanluraning bansa ang kanilang nasasakupan.

15.

15. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa mga lupang nasakop?

a)

A. Pag-unlad ng kalakalan

b)

B. Pagkakaroon ng mga bagong kaalaman

c)

C. Pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman

d)

D. Pagbabago sa mga sistemang transportasyon at komunikasyon..

16.

16. Sino ang misyonerong Ingles na naging daan upang makilala ng mga tagakanluran ang Gitnang Afric

a)

A. Rudyard Kipling

b)

B. Vasco de Gama

c)

C. David Livingstone

d)

D. Ferdinand Magellan

17.

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi sanhi ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?

a)

A. kapitalismo

b)

B. Merkantilismo

c)

C. White man’s Burden

d)

D. Rebolusyong Industriyal

18.

18. Natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na nakilala sa katawagan na

a)

A. Pescadores

b)

B. Hudson Bay

c)

C. New Netherland

d)

D. Cape of Good Hope

19.

19. Gumuhit at nagpanukala ng linya ng demarkasyon na naghahati sa daigdig sa Hilaga at Timog.

a)

A. Prinsipe Henry

b)

B. Papa Alexander VI

c)

C. Louis IV

d)

D. Hernando Cortes

20.

20. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo

a)

A. Espanya at Portugal

b)

B. Pransiya at Inglatera

c)

C. Olandiya at Inglatera

d)

D. Pransiya at Alemanya

21.

21. Ano ang pangunahing naidulot ng pagkakaimbento ng movable type printing press?

a)

A. Mabilis na pagdami ng mga kopya ng aklat at sulatin

b)

B. Paglaganap ng mga ideya na umusbong sa panahon ng Renaissance

c)

C. Pagdami ng mga natutong bumasa

d)

D. Pag-unlad ng sining at kultura

22.

22. Ang Intellectual Revolution ay tumutukoy sa ______________________.

a)

A. Pag-usbong ng siyensiya

b)

B. Paglakas ng Humanismo

c)

C. Pagtuligsa sa simbahan

d)

D. Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal

23.

23. . Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naging epekto ng Renaissance?

a)

A. Nagpaunlad ng pilosopiya, literature at edukasyon

b)

B. Nagbigay daan sa Repormasyon

c)

C. Nakatulong sa pagtuklas ng heograpiya at ekplorasyong maritama

d)

D. Nagpabagsak sa Relihiyong Kristiyanismo

24.

24. Sa panahon ng imperyalismo ng mga Kanluranin, nawala at unti-unting nasira ang ______ng mga Asyano at Aprikano.

a)

A. wika

b)

B. kultura

c)

C. pagkain

d)

D. edukasyon

25.

25. Hinangad ng mga kanluranin na masakop ang Asya at Aprika dahil sa ____

a)

A.Maunlad na ekonomiya

b)

B.Malaking populasyon

c)

C.Saganang likas yaman

d)

D.Maunlad na teknolohiya magagamit sa digmaan

26.

26. Sa kanyang aklat na Leviathan, inilarawan niya ang lipunang walang pinuno at posibleng maging direksyon nito na magulong lipunan.

a)

A. Voltaire

b)

B. Jean Jacques Rousseau

c)

C. John Locke

d)

D. Thomas Hobbes

27.

27. Binigyang-diin niya ang mga kasunduan sa pagitan ng tao at pinuno para sa pagbuo ng maayos na lipunan sa kanyang lathalain na Two Treatises of Government.

a)

A. Baron de Montesquieu

b)

B. Jean Jacques Rousseau

c)

C. John Locke

d)

D. Thomas Hobbes

28.

28. Sa kanyang On the Spirit of the Laws, ipinaliwanag niya ang ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan: Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura.

a)

A. Thomas Hobbes

b)

B. Baron de Montesquieu

c)

C. John Locke

d)

D. Jean Jacques Rousseau

29.

29. Sumulat siya ng mga lathalain laban sa Simbahan at Royal Court ng France at dahil dito ay pinasikat niya ang kalayaan sa pananalita.

a)

A. Jean Jacques Rousseau

b)

B. Voltaire

c)

C. John Locke

d)

D. Thomas Hobbes

30.

30.Ang pilosopiyang politikal niya na nararapat na masunod ang kagustuhan ng nakakarami sa isang demokrasya ay nakapaloob sa kanyang aklat na Social Contract.

a)

A. Jean Jacques Rousseau

b)

B.Thomas Hobbes

c)

C. Baron De Montesquieu

d)

D. Voltaire

31.

TAMA o MALI

31. Ang mga kolonyang bansa ay ginawang bagsakan ng mga surplus o labis na produkto ng mga taga Europa.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

32. Ang mga hilaw na materyales ay nagmumula sa mga yamang likas na naging dahilan ng pananakop.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

33. Pinagtanim ng mga kanluranin ang mga taga Asya at Africa para sa mga produktong pangkalakal.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

34. Ang mga Amerikano ang may pinakamalawak na imperyo sa kasaysayan ng una at ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon

a)

TAMA

b)

MALI

35.

35. Tuwiran ang pamamahala sa mga protektado o protectorate na bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

36. Ang bansa na maraming nasasakupan ang higit na nagtataglay ng kapangyarihan at karangalan sa ikalawang yugto ng imperyalismo

a)

TAMA

b)

MALI

37.

37. May kaugnayan ang topograpiya ng Africa kung kayat hindi ito masyadong pansin noon ng mga taga Europa

a)

TAMA

b)

MALI

38.

38. Ang pangangalakal ng mga alipin ay nagmula sa Asya.

a)

TAMA

b)

MALI

39.

39. Sa bawat pananakop ay may mabuti at di mabuting epekto.

a)

TAMA

b)

MALI

40.

40. Nakatulong ang mga Europeo na nanakop sa pag-unlad ng kultura ng kolonyang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

41.

Tukuyin kung ano aspekto ng pamumuhay nakaapekto ang kolonyalismo at imperyalismo sa mga nasakop na bansa.

41. Pagkatuto ng wikang Ingles

a)

pampulitika

b)

pang -ekonomiya

c)

pangkultura

42.

42. Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

43.

43. Spheres of Influence

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

44.

44. Ang mga kolonyang bansa ang pinagmulan ng mga hilaw na materyales.

a)

pampulitka

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

45.

45. Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

46.

46. Ang mga kaugalian ay nahaluan ng kaisipang kanluranin.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

47.

47. Pagtatayo ng mga pabrika.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

48.

48. Pagkakaroon ng mga pinuno na galing sa mga mananakop na bansa.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

49.

49. Pagkakaayos ng mga tulay, daan at kalsada.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura

50.

50. Pagtatayo ng mga simbahan.

a)

pampulitika

b)

pang-ekonomiya

c)

pangkultura