NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 2 Assessment Test Q3
Total questions: 30
Worksheet time: 30mins
Panuto: . Basahin ang bawat salita o parirala Tukuyin ang kapaligiran kung saan nagmula ang mga produkto. Piliin ang letra ng tamang sagot .
matibay na sapatos, sinturon at bag
. lungsod
kagubatan
kabundukan
Alimango at sariwang isda.
tabing dagat
kapatagan
kabundukan
mga matitibay muwebles.
kapatagan
tabing dagat
kabundukan
mga produktong palay, mais, tubo at mani.
sa nayon
. sa dagat
sa bundok
pagnenegosyo sa sentrong pamilihan.
. bundok
. lungsod
dagat
. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra na tamang sagot.
. Kung ang iyong tahanan ay malapit sa pabrika, anong hanapbuhay ang maaaring pasukan ng iyong ama?
mamasukan bilang empleyado
mamasukan bilang tindera.
mamasukan bilang opisyal ng barangay.
Alin ang wastong pangangalaga ng likas na yaman sa kapaligiran.
magtatanim ako ng mga gulay at hindi ako magtatapon ng basura kahit saan.
maglalaba ako sa ilog
magpipiknik kami sa tabing ilog at iiwanan ang basura.
Ano ang naging suliranin ng kapaligiran noong dumami na ang mga hanapbuhay sa komunidad?
dumami ang basura
kawalan ng hanapbuhay
walang mapagtapunan ng basura ang mga tao.
Ang iyong nanay ay kapos sa badyet, ano ang iyong imumungkahi upang makatulong sa pagpapagaan ng gastusin?
bilhin lamang ang higit na kailangan.
magpapabili ako ng laruan.
hindi nalang ako kikibo.
Sa panahon ng pandemya ngayon, ano ang dapat mong gawin upang makatulong na hindi na dumami ang covid?
hindi ako lalabas ng bahay kung hindi kailangan.
makikipaglaro ako sa labas.
hindi ako susunod sa ipinatutupad na health protocol.
. Basahin ang mga sitwasyon. Iguhit ang TSEK (/ )kung nagsasabi ng pangangalaga sa mga likas na yaman at EKIS (x )kung hindi.
Malinis ang sapa sa baryo dahil hindi ito tinatapunan ng basura at patay na hayop.
Tinataniman ang bakanteng lote.
. Gawing tambakan ng basura ang bakanteng lote.
Gumagamit ng dinamita sa pangingisda si Mang Cardo.
Nagtanim ng sampung puno si Mang Juan dahil pinalitan niya ang pinutol na puno.
Makikilahok ako sa programang pangkapaligiran .
Ibubulsa ko muna ang basura habang wala akong makitang basurahan.
Panonoorin ko lamang ang kapitbahay kong nagtatapon ng basura sa kanal.
Aantayin ko ang pagdating ng trak na nangongolekta ng basura bago ko ilabas ang basura namin .
Hindi ako susunod sa mga batas na ipinatutupad para sa kapaligiran dahil bata pa ako.
Basahin ang bawat tanong, Piliin ang letra na tamang sagot.
Ito ay pamumuno o pagiging lider ng isang organisasyon o anumang uri ng pangkat o grupo.
pamamahala
gobyerno
mamamayan
Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa mga nasasakupan.
pamamahala
Gobyerno o pamahalaan
mamamayan
Siya ang namumuno ng bansa.
Gobernador
Alkalde
Pangulo
Tungkulin niya na paglingkuran at pamunuan ang kaniyang nasasakupan sa lungsod.
Alkalde
pangulo
Barangay Kapitan
Tungkulin niya na maging payapa at maayos ang kaniyang nasasakupan sa barangay.
alkalde
pangulo
barangay kapitan
Isulat kung Tama o Mali ang bawat pahayag.
Ang mabuting pinuno ay naglilingkod ng kusa at hindi naghihintay ng kapalit.
tama
mali
Hindi iniisip ng namumuno ang damdamin ng mga mamamayan sa kaniyang nasasakupan.
tama
mali
Ang makatarungan pinuno ay matuwid at tapat. Siya ay patas at walang pinapanigan.
tama
mali
Kung hindi maayos ang pamumuno, maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao sa komunidad.
tama
mali
Kailangan ang pagtutulungan ng pinuno at mga kasapi nito upang magkaroon ng kaayusan sa komunidad.
tama
mali
