Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Wika at Relihiyon

Total questions: 27

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bago pa dumating ang mga kastila, sila ang nagsisilbing tagapamagitan ng mga espiritu o diwata at mga tao.

a)

pastor

b)

babaylan

c)

simbahan

2.

Nang dumating ang mga kastila ay nabago ang sinasamba ng mga ninuno nang ipakilala sa kanila ang ___________.

a)

Animismo

b)

Budismo

c)

Katolisismo

3.

Paano ginamit ng mga kastila ang wika sa pagpapayabong ng relihiyon?

a)

pilit na pinayakap ang bagong relihiyon

b)

pinag-aralan at ginamit ng mga kastilang prayle ang mga wikang katutubo

c)

naglimbag ang mga prayle ng mga aklat na nasusulat sa wikang tagalog at kastila at naglalaman ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal at katesismo

4.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng paniniwala ng relihiyong animismo?

a)

paniniwala na ang lahat ng bagay ay may espiritu

b)

paniniwala na mayroong isang Diyos

c)

paniniwala na may pwersang hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran

5.

Ito ang pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas.

a)

Romano Katoliko

b)

Protestanteng Kristyanismo

c)

Islam

6.

Ito ay ipinakilala sa Pilipinas ng mga Amerikanong misyonero pagkatapos ng digmaang Espanyol-Amerikano sa pagitan ng huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo.

a)

Romano Katoliko

b)

Protestanteng Kristyanismo

c)

Islam

7.

Paano kumalat ang relihiyong Islam sa Pilipinas?

a)

sa pagsakop ng mga dayuhan

b)

sa pagpapakita ni Allah sa mga Pilipino

c)

sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa

8.

Ito ay ginagamit sa pangangaral upang palutangin ang damdaming maaaring makapagpabago sa pananaw at desisyon ng mga myembro ng kongregasyon.

a)

ethos

b)

pathos

c)

logos

9.

Dito nakapaloob ang referential at metalingual na paraan ng paggamit ng wika kung saan binibigyan ng lohika ang mensahe upang higit na mapasang-ayon ang kongregasyon sa binibitiwan nilang argumento.

a)

ethos

b)

pathos

c)

logos

10.

Ito ay tumutukoy sa kredibilidad at karakter ng mga relihiyosong lider na nakaiimpluwensya sa kanilang mga myembro upang lubos silang pagkatiwalaan at mas maging kapani-paniwala ang kanilang mga pangaral.

a)

ethos

b)

pathos

c)

logos

11.

Ang pula, berde at puti ay tatak ng relihiyong Iglesia ni Cristo.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

12.

Hindi nyutral ang wika ng relihiyon.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

13.

Isa lamang paggigiit ang wika ng relihiyon, ngunit sinusunod ito ng mga mananampalataya, madalas nang hindi na nag-iisip kung mali o tama.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

14.

Kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin, dapat ikilos at hindi dapat ikilos, maging dapat isipin at hindi dapat isipin, lahat ng iyan ay ipinapahayag ng wika ng relihiyong kumukontrol sa gawi, kilos at isip ng mananampalataya.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

15.

Nag-uutos ang wika ng relihiyon kung hindi man nag-iimpluwensya sa mga mananampalatayang lumagay sa dapat nilang kalagyan sa pakikipag-usap sa Diyos.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

16.

Nagiging behikulo ng pag-asa ng mananampalataya ang wikang kanyang ginagamit.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

17.

Nananalig ang mananampalatayang sa pamamagitan ng pagsasawika ng laman ng kanyang puso, naipararating niya iyon sa Diyos.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

18.

Sa mga katoliko, ang puti at asul ay nagpapaalala sa katauhan ni Birheng Maria, ang pula at puti sa katauhan ni Hesus, at ang berde kay San Jose.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

19.

Sa pagdarasal, ipinapahayag ng mananampalataya ang kanyang idinadalangin sa kanyang Diyos.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

20.

Upang makilahok sa Kristiyanong uri ng pamumuhay, kailangang gamitin at sundin ang kaakibat na wika ng mga Kristiyano na may sariling internal na pamantayang nagtatakda kung ano ang tama at mali sa loob ng eksklusibong diskurso nito.

a)

Wika ng relihiyon bilang ultimate concern

b)

Wika ng relihiyon bilang asersyong 'di kognitibo

c)

Wika ng relihiyon bilang larong pangwika

d)

Wika ng relihiyon bilang simbolo

e)

Wika ng relihiyon bilang kontrol

21.

Ayon kay Matthews, ang pagsisimula ng relihiyon ay may kaugnayan sa K (a)   ng isang lider.

22.

Dahil A (a)   , 'di empirikal ang mga paksain ng relihiyon. Hindi ito mapatutunayan o mapasisinungalingan ng syensya, tulad mismo ng eksistens ng Diyos.

23.

Ang E (a)   na paraan ng paggamit ng wika ay ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita.

24.

Ang C (a)   na paraan ng paggamit ng wika ay ginagamit upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong kinakausap.

25.

Ang P (a)   na paraan ng paggamit ng wika ay ginagamit sa masining na paraan ng pagpapahayag.

26.

Ano ang language of faith o wika ng pananampalataya? Ipaliwanag.

(5 puntos)

4 lines
27.

Ipaliwanag ang sipi mula kay Peregrino,

"Nakabubuo ng isang realidad ang wika, gayundin naman ang relihiyon, ngunit sa pagsasama ng wika at relihiyon, nakabubuo ang relihiyon ng isang wikang may tatak ng relihiyong gumagamit nito"

(5 puntos)

4 lines