wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Tekstong Impormatibo

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay uri ng teksto na walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, paglalakbay, heograpiya at iba pa; layunin nitong magbigay impormasyon.

a)

Tekstong Argumentatibo

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Impormatibo

d)

Tekstong Prosidyural

2.

Ito ay uri ng Tekstong Impormatibo na tumutukoy sa mahahalagang impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan

b)

Pag-uulat Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

3.

Ito ay tumutukoy sa layunin ng may-akda, maliban sa:

a)

Mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa.

b)

Maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag.

c)

Matuto ng maraming bagay.

d)

Hindi nakabase sa sariling opinyon kundi sa katotohanan ng mga datos.

4.

Ito ay uri ng Tekstong Impormatibo na tumutukoy sa paliwanag kung PAANO o BAKIT naganap ang isang bagay o pangyayari.

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan

b)

Pag-uulat Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

5.

Ang mga sumusunod ay katangian ng Tekstong Impormatibo, maliban sa:

a)

Karaniwang makikita sa pahayagan o balita, mga magasin at teksbook.

b)

Hindi sumasalamin sa pagpapabor at pagkokontra.

c)

Hindi nakabase sa sariling opinyon kundi sa katotohanan ng mga datos.

d)

Nakatutulong sa mabibigat na kaisipan at damdamin.

6.

Bakit importante ang tekstong impormatibo?

a)

Upang dumami ang alam natin

b)

Dahil kaylangan ito sa paaralan

c)

Dahil ito ay isang babasahin

d)

Dahil sinabi ng guro

7.

Alin sa mga sagot sa ibaba ang makakatulong sa iyo na alamin ang paksa ng teksto?

a)

Layunin ng Akda

b)

Mga Pangunahin at Suportang Ideya

c)

Talasalitaan

d)

Hulwarang Organisasyon

e)

Kredibilidad ng mga Impormasyong Nakasaad sa Teksto

8.

Alin sa mga sagot sa ibaba ang makakatulong sa iyo na alamin ang mga salita hindi mo naintindihan sa teksto?

a)

Layunin ng Akda

b)

Mga Pangunahin at Suportang Ideya

c)

Talasalitaan

d)

Hulwarang Organisasyon

e)

Kredibilidad ng mga Impormasyong Nakasaad sa Teksto

9.

Sa aling wika nakasulat ang tekstong impormatibo

a)

English

b)

Filipino

c)

Wikang madaling maunawaan

d)

Wikang mahirap maunawaan

10.

Ito ay uri ng tekstong impormatibo na kadalasang naghahati-hati ng isang paksa o ideya sa ibat-ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.

a)

Paglilista ng Klasipikasyon

b)

Pagbibigay Depinisyon

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing