Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Review

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tumutukoy sa pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang maliit na bansa?

a)

katolisismo

b)

kolonyalismo

c)

merkantilismo

d)

konsyumerismo

2.

Ano ang tumutukoy sa ekspedisyon ng mga Katoliko upang bawiin ang "Banal na Lupain"?

a)

calzeta

b)

banda musika

c)

kalsada

d)

krusada

3.

Sinong Papa ang lumikha ng Kasunduan sa Tordesillas?

a)

Felipe III

b)

Carlos II

c)

Alexander VI

d)

Juana IV

4.

Bakit hinati ni Papa Alexander VI ang daigdig sa dalawang bahagi?

a)

upang pagsaluhan ng Espanya at Portugal

b)

upang hindi lumala ang labanan ng Espanya at Portugal

c)

upang magkaroon ng parte ang Papa sa Roma

d)

upang mauwi sa giyera ang away ng Espanya at Portugal

5.

Bakit itinaas ng mga taga-Venice ang presyo ng kanilang ibinebentang produkto galing sa Silangan?

a)

sapagkat para sa hari lang dapat ang produkto

b)

sapagkat walang gustong bumili ng kanilang binibenta

c)

sapagkat masyadong magaganda ang mga produkto

d)

sapagkat sila ang may monopolyo ng produkto galing Silangan

6.

Bakit kinailangan ng ibang bansa sa Europa na maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan?

a)

upang makapagdala ng mga turista

b)

upang manalo sa unahan sa paglalakbay

c)

upang mawakasan ang monopolyo sa spice

d)

upang mapagbigyan ang kagustuhan ng hari

7.

Ano ang posibleng nangyari kung hindi nagkaroon ng Kasunduan sa Tordesillas?

a)

lumala ang awayan ng Espanya at Portugal

b)

tumigil ang paglalaban ng Espanya at Portugal

c)

nagalit ang Papa sa Roma

d)

umusbong ang kapayapaan sa Europa

8.

Bakit hindi maganda ang kolonisasyon para sa isang mahinang bansa ?

a)

maghihirap ang sumasakop na bansa

b)

pinapayagan nitong magdiwang ang sumasakop na bansa

c)

nakakapagparami ito ng krimen sa bansa

d)

tinatanggal nito ang kalayaan ng isang bansa

9.

Ano ang posibleng dahilan bakit pinapayagan ng mga Turko ang mga taga Venice na makaraan sa kanila papuntang Silangan?

a)

katulad nilang mananakop ang Venice

b)

Muslim din ang mga taga-Venice

c)

nagbabayad sila ng malaking halaga

d)

dati nang nag-away ang mgataga-Venice at mga Turko

10.

Ano ang tumutukoy sa pagbabatay sa ginto at pilak ng yaman ng isang bansa?

a)

Kapitalismo

b)

Merkantilismo

c)

Konsyumerismo

d)

Katolisismo

11.

Ano ang ibig sabihin ng 3G's na dahilan ng kolonyalismong Espanyol?

a)

Goat, Gold, Glory

b)

Gold, Gay, Go

c)

God, Gold, Glory

d)

God, Glory, Gut

12.

Ano ang relihiyong nais ipalaganap at layunin ng kolonyalismong Espanyol?

a)

Katolisismo

b)

Islam

c)

Protestante

d)

Iglesia

13.

Bakit kailangang ipalaganap ng mga Espanyol ang relihiyong Katoliko sa mga masasakop nilang lupain?

a)

sapagkat ang Espanya ay kumikilala sa kapangyarihan ng Papa

b)

sapagkat ang Espanya ay galit sa mga Muslim

c)

sapagkat ang Espanya ay nakikiuso sa usaping relihiyon

d)

sapagkat ang Espanya ay tinitirahan ng maraming pari

14.

Bakit kailangang mawakasan ang monopolyo sa spices ng mga taga-Venice?

a)

upang mawalan ng trabaho ang mga taga-Venice

b)

upang mapababa ang presyo ng spices

c)

upang malugi ang mga taga-Venice

d)

upang hindi na bayaran ang mga Turko

15.

Bakit mahalaga ang ginto at pilak noong panahon ng pag-iral ng kolonisasyon?

a)

ito ang ikakasiya ng hari nila

b)

ito na lang ang natitirang yaman sa mundo noon

c)

sukatan ito ng yaman at kapangyarihan ng isang bansa

d)

sukatan ito ng lawak ng teritoryo ng bansa

16.

Kaninong ekspedisyon mula Espanya ang unang nakarating sa Pilipinas?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Roy Villalobos

c)

Felipe Carlos

d)

Miguel Lopez de Legazpi

17.

Anong imahen ang ibinigay ni Ferdinand Magellan kay Juana matapos nitong mabinyagan?

a)

San Jose

b)

La Naval

c)

Lourdes

d)

Santo Niño

18.

Sino ang datu ng Mactan na tumalo sa puwersa ni Ferdinand Magellan?

a)

Humabon

b)

Lapu-Lapu

c)

Tupaz

d)

Juana

19.

Bakit hindi naging matagumpay ang pagsakop ni Magellan sa Pilipinas?

a)

dahil gusto ni Magellan na siya ang maging hari

b)

dahil ipinahinto ng hari ang pananakop

c)

dahil wala talaga ito sa plano ni Magellan

d)

dahil namatay siya sa labanan sa Mactan

20.

Bakit hindi pumayag na magpasakop si Lapu-Lapu sa mga Espanyol?

a)

nais niyang manatili silang malaya

b)

hindi inuna ni Magellan na puntahan si Lapu-Lapu pagdating sa Pilipinas

c)

walang dalang alay si Magellan

d)

hindi sila magkakulay ng balat

21.

Ano ang rason bakit ipinangalan ni Villalobos sa prinsipe ng Espanya ang Pilipinas?

a)

dahil wala na siyang maisip na pangalan para sa bansa

b)

dahil wala pang bansa ang naipangalan sa isang prinsipe

c)

dahil matalik na kaibigan niya ang prisipe

d)

dahil nais niyang bigyang karangalan ng kaharian ng Espanya

22.

Bakit kaya hindi pinayagan ng hari ng Portugal ang plano ni Magellan sa paglalakbay?

a)

dahil walang pondo ang kaharian para sa nais ni Magellan

b)

dahil walang alam ang hari sa plano ni Magellan

c)

mukha itong imposible dahil naniniwala silang patag ang mundo

d)

hindi mapagkakatiwalaan si Magellan

23.

Ano ang sinisimbulo ng rituwal na sanduguan?

a)

pagkakaibigan

b)

pagkakapamilya

c)

pagkakapuso

d)

pagkakapatiran

24.

Ano ang napatunayan ng paglalakbay ni Magellan gamit ang pakanlurang ruta?

a)

walang sukat ang mundo

b)

bilog ang mundo

c)

patag ang mundo

d)

tagilid ang mundo

25.

Bakit maituturing na isang aksidente ang pagkakatuklas ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)

biglang nagbago ang isip ni Magellan kung saan pupunta habang naglalayag

b)

ang Papa sa Roma dapat ang tumuklas sa Pilipinas

c)

sa Moluccas talaga papunta ang ekspedisyon ni Magellan

d)

nakatulog si Magellan habang naglalakbay