wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4 Pagsusulit

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Tawag sa pagiging instrumento o daan sa paglikha ng mga pagbabago.

a)

agent of change

b)

civic efficacy

c)

civic leader

d)

program organizer

2.

Ito ay mga gawaing nilalahukan ng mga mamamayan na maituturing na kapaki-pakinabang sa pagkakamit ng kaayusan at kaunlaran ng komunidad.

a)

bayanihan

b)

pambansang pagdiriwang

c)

gawaing pansibiko

d)

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

3.

Ito ay kusang loob na pagkilos o pakikiisa ng mga mamamayan sa mga gawain sa komunidad upang makamit ang isang layunin o malutas ang isang suliranin.

a)

pagiging makabayan

b)

pakikilahok

c)

pakikibaka

d)

pangangampanya

4.

Ito ay halimbawa ng ma basurang tulad ng balat ng prutas at gulay, dahon, at papel.

a)

basurang nabubulok

b)

basurang hindi nabubulok

c)

basurang maaaring magamit muli

d)

malalaking basura

5.

Ipinagdiriwang ito upang kilalanin ang kabayanihan at mga pagsasakripisyong ginagawa ng mga guro. Ito ay isinasagawa tuwing ika-5 ng Oktubre.

a)

Araw ng mga Guro

b)

Araw ng mga Tatay

c)

Araw ng mga Nanay

d)

Araw ng mga Puso

6.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko?

a)

Pagtangkilik ng mga imported na produkto

b)

Paglabag sa curfew hour at health protocol

c)

Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad

d)

Pagtatapon ng basura kung saan-saan

7.

Ito ay kahandaan ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng bukas na pusong gampanan ang kanyang tungkulin bilang bahagi ng komunidad.

a)

agent of change

b)

bayanihan

c)

civic efficacy

d)

gawaing pansibiko

8.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang mamamayang nagtataguyod sa kaunlaran ng bansa.

a)

Pagiging tamad at palaasa sa iba

b)

Walang pagpapahalaga sa oras

c)

Mabuti ang pakikitungo sa kapwa

d)

Hindi nakikiisa sa gawain ng pangkat

9.

Ito ay pagiging mahusay, malikhain, at maabilidad upang matugunan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba.

a)

produktibo

b)

tiwala sa sarili

c)

produksiyon

d)

tibay ng kalooban

10.

Ito ang maaaring mangyari sa isang bansang may mamamayang sakitin.

a)

Mahihirapang umunlad ang bansa

b)

Mabilis na uunlad ang bansa

c)

Magiging sikat ang bansa

d)

Mananatiling mag-isa ang bansa

11.

Kabilang sila sa mga taong sinasabing ginagamit ang "lakas ng isip".

a)

Manggagawang Propesyonal

b)

Manggagawang Pisikal

12.

Uri ng manggagawang pisikal na dumaan sa pagsasanay at nakapagtapos ng kursong bokasyonal o teknikal.

a)

Nonskilled workers

b)

Less Skilled Workers

c)

Skilled Workers

d)

Propesyonal

13.

Ang labandera, electrician, drayber, mananahi, mensahero at magsasaka ay kabilang sa mga _________________.

a)

manggagawang propesyonal

b)

manggagawang pisikal

14.

Lakas ng katawan at bisig ang puhunan ng mga __________________.

a)

manggagawang propesyonal

b)

manggagawang pisikal

15.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa sariling kalusugan maliban sa isa.

a)

Labis na pag-iisip at pag-aalala

b)

Pag-iwas sa iba't ibang uri ng bisyo tulad ng alak at sigarilyo

c)

Pagkain ng masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay

d)

Madalas na pag-eehersisyo

16.

Ang mga sumusunod ay nakakatulong upang mapaunlad ang sariling kakayahan at kasanayan maliban sa isa.

a)

Pagbabasa ng iba't ibang makabuluhang libro at babasahin

b)

Pagsali sa mga club sa paaralan tulad ng sport club at art club

c)

Pag-aaral ng mabuti

d)

Pagiging tamad at palaasa sa iba.

17.

Ang mga sumusunod ay nakakatulong upang ikaw ay maging isang produktibong mamamayan maliban sa isa.

a)

Pagpaplano ng mga dapat gawin

b)

Pagkakaroon ng bukas na kaisapan sa iba't ibang ideya

c)

Pagkakaroon ng tamang saloobin sa paggawa

d)

Hindi binibigyang halaga ang oras at panahon

18.

Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang mamamayang upang makatulong sa pag-unlad ng bansa maliban sa isa.

a)

Pangangalaga sa sarili

b)

Pagpapaunlad ng kakayahan at kasanayan

c)

Pagiging produktibo

d)

Pagpapabaya sa pag-aaral

19.

Itinuturing na pinakamahalagang yaman ng bansa.

a)

ginto, pilak, at tanso

b)

mamamayan

c)

yamang-lupa

d)

yamang-tubig

20.

Ang tao ay kakaiba sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil ___________________.

a)

Ang tao ay itinuturing na pinakamalaking likha ng Diyos at may damdaming nasasaktan.

b)

Ang tao ay may kakayahang makalikha ng mga bagay at malinang ang kanyang talento.