WorksheetsFil 7 Quiz #1 4th Quarter
Total questions: 15
Worksheet time: 10mins
Akdang may walong pantig sa bawat taludtod na nagtataglay ng paksang kababalaghan, pananampalataya at mala alamat na paglalahad kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural.
Awit
Korido
Pasyon
Senakulo
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng akdang Korido maliban sa.
Ang Dama Ines
Florante at Laura
Ibong Adarna
Prinsipe Florinio
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi katangian ng isang korido?
May 12 na pantig sa loob ng isang taludtod
Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihan
Ang himig nito ay mabilis
Karaniwang paksa ay tungkol sa pananampalataya at kababalaghan
Ang akdang Ibong Adarna ay nagsimulang lumaganap sa bansa noong panahon ng mga ____________.
Amerikano
Espanyol
Hapon
Tsino
Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito:
“Maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino”.
Dahil ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay hinango lamang sa mga kuwentong-bayan ng mga bansa sa Europa
Dahil sa pag-aakalang hindi makatotohanan ang mga nilalaman nito
Dahil iilan lamang ang umaangkop sa kultura at kalinangan ng mga Pilipino ang nilalaman nito
Dahil sinasabing taga- Europa ang may-akda ng koridong ito
Ang tanging lunas sa sakit ng hari ng Berbanya.
Awit ng Ibong Adarna
Halamang-gamot sa Bundok Tabor
Orasyon ng mga albularyong manggagamot
Gamot mula sa mga medikong paham
Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
Piedras Blanca
Piedras Platas
Pedrias Platia
Piedro de Oro
Bakit ayaw payagan ni Haring Fernando na maglakbay si Don Juan patungong Bundok Tabor?
Dahil ayaw niyang mahirapan at mapagod ang kanyang bunsong anak na prinsipe
Dahil ayaw ng inang reynang mawalay kay Don Juan.
Dahil nangangamba ang hari na magkatotoo ang kanyang masamang panaginip
Dahil natatakot ang hari na mag-isa habang siya ay may malubhang sakit
Piliin ang pahayag na bubuo sa diwa ng pangungusap sa ibaba.
“Humingi ng basbas o bendisyon si Don Juan sa kanyang mga magulang upang _____________________________________________________.
hindi siya maligaw
hindi makaramdam ng lungkot at pag-aalala ang kanyang mga magulang
mailigtas siya sa anumang kapahamakan at kasamaan habang sa kanyang paglalakbay
magkaroon siya ng pambihirang kapangyarihan
Ang pangunahing sandata ni Don Juan sa kanyang paglalakbay patungong Bundok Tabor.
Ang mga ipinabaong armas ng kanyang mga kawal
Ang kanyang pananampalataya sa Diyos
Ang mga mabubuting pangaral ng amang hari
Ang mga magagandang alaala sa kaharian
Ang sakit ng matandang nakasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
hika
kanser
ketong o leprosi
tuberkulosis
Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibong Adarna?
naglalaho
nagiging isang bato
nakakatulog
nahihimatay
Ilan beses umaawit at nagpapalit ng kulay at balahibo ang ibong Adarna bago ito makatulog?
lima
anim
pito
walo
Sino sa magigiting na prinsipe ang nagtagumpay na nakahuli ng mahiwagang Ibong Adarna?
Don Diego
Don Fernando
Don Juan
Don Pedro
Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang Ibon Adarna?
binitag
binugbog
itinali
nilunod
