NEW
Font size
WorksheetsPormasyon ng salita at contextual na clue
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
Ano ang salitang ugat sa salitang "maglumakaran".
Luma
lakad
lumaka
Kapag nilagyan ng panlaping laguhan ang salitang "sigaw" ay magiging ________
ipinagsumigawan
isigaw
nagsigawan
Kapag ang salitang "luha" ay gagawing inuulit na ganap ay magiging ________
luluha
luluha-luha
luhang-luha
Kapag bibigyan ng katambal ang salitang "bisig" na ang magiging kahulugan ay
pagsasama-sama, magiging ___________
malaking bisig
kapit-bisig
sama-bisig
Kapag lalagyan ng panlaping kabilaan ang salitang "tawad" ay magiging ___________.
pinatawad
Patawarin
nagtawad
Kapag lalagyan ng katambal ang salitang "yaman" upang makabuo ng bagong salitang tumutukoy sa isang taong tagapangalaga ng kayamanan ay magiging ___________.
likas yaman
biglang yaman
ingat-yaman
Ano ang salitang ugat ng salitang "magsuyuan" ?
mag,an
kabilaan
suyo
Anong uri ng maylapi nabibilang ang salitang "matalino"?
unlapi
hulapi
gitlapi
Anong uri ng maylapi nabibilang ang salitang "lumuhod"?
unlapi
hulapi
gitlapi
Anong uri ng maylapi nabibilang ang salitang "sulatin"?
unlapi
hulapi
gitlapi
Anong pormasyon ng salita nabibilang ang salitang "bulaklak"?
inuulit
maylapi
salitang-ugat
Anong uri ng pag-uulit nabibilang ang salitang "DAAN-DAANG"?
inuulit ganap
inuulit na parsiyal
inuulit na ganap at parsiyal
Anong uri ng pag-uulit nabibilang ang salitang "lilipad"?
inuulit ganap
inuulit na parsiyal
inuulit na ganap at parsiyal
Anong uri ng pag-uulit nabibilang ang salitang "maglalakad-lakad"?
inuulit ganap
inuulit na parsiyal
inuulit na ganap at parsiyal
Alam kong hamon lang ito ng buhay. Ano ang ibig sabihin ng salitang hamon basi sa paggamit ng pangungusap?
pagsubok
uri ng pagkain
Ang aking ina ay uuwi bukas. Ano ang ibig sabihin ng salitang bukas basi sa paggamit ng pangungusap?
maaaring makíta o mapasok ang loob
araw kasunod ng kasalukuyang araw
Hala! Naiwan kong nakabukas ang pinto. Ano ang ibig sabihin ng salitang-ugat na bukas basi sa paggamit ng pangungusap?
maaaring makíta o mapasok ang loob
araw kasunod ng kasalukuyang araw
Ang ulam ko kanina ay hamon. Ano ang ibig sabihin ng salitang hamon basi sa paggamit ng pangungusap?
pagsubok
uri ng pagkain
Kahit na nahihirapan siya ay patuloy pa rin siyang lumalaban. Ano ang ibig sabihin ng salitang-ugat na hirap basi sa paggamit ng pangungusap?
bigat ng gawain
dalita
Sila ay naghihirap sa buhay dahil sa dami ng kamalasan na dumating. Ano ang ibig sabihin ng salitang hirap basi sa paggamit ng pangungusap?
bigat ng gawain
dalita
