WorksheetsPagtataya Patungkol sa Pagkonsumo
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang hindi kasama sa demonstration effects?
Radio
pahayagan
flyers
social media
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng salik ng hindi inaasahang pangyayari sa pagkonsumo?
Si Aling Betty ay nagtitipid sa paggasta dahil sa kanyang pagkakautang sa kaibigan.
Si Macoy na bumibili ng mga pangangailangan sa bahay para sa isang Linggo dulot ng pandemya.
Si Aling Maribeth na nagpupursiging makaipon upang makabili ng produkto ng kanyang iniidolo.
Si Aldrin na pinagkakasya ang kaunting sinusweldo sa pang-araw-araw na pagkain.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng salik na pagkakautang na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo?
Naglalaan ng kaunting pera si Alena sa kaniyang kinikita sa pananahi upang makapagbayad sa kanyang hiniram na pera sa kanyang kaibigan.
Si Irma na binabalewala ang hiniram na pera sa kanyang katrabaho at patuloy na bumibili ng kanyang damit kahit na marami na sya nito.
Ipinasasantabi ni Aika ang kanyang pagkakautang sa kanyang kaklase upang makabili ng produkto ng kanyang paboritong artista.
Wala sa mga nabanggit na pagpipilian.
Sa paanong paraan nakakaapekto ang social media sa pagkonsumo?
Gamit ang social media maraming tao ang nakakita sa mga advertisement ng mga produkto at marami ditong pagpipilian.
Pinapakita ng social media ang mga buong detalye ng mga produkto na kanilang nakikita.
Nagkakaroon ng pagkakataaon ang mga mamimili na pumili ng mas murang produkto.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa ibaba ang hindi halimbawa ng pamamaraan ng pag-anunsyo?
Bandwagon
Testimonial
pagiimprenta
Brand Recall
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng kita bilang salik na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo?
Si Aldrin na laging bumibili ng cellphone.
Si Joy na mahilig manlibre sa kanyang kaibigan tuwing sila ay lumalabas.
Si Elmer na iniipon ang suweldo upang makabili ng laptop para sa kanyang pag-aaral.
Si Joshua na labis ang pagkahumaling sa Korean group na BTS at mahilig bumili ng mga produktong iniindorso nito
Isa sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo ay ang demonstration effects, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng halimbawa nito?
Si Amy ay bumili sa pamilihan ng shampoo dahil nirekomenda ito ng kanyang kaibigan na sinabing mas mabilis magpahaba ng buhok ang shampoo na kanyang binili.
Si Raphael na basta na lamang bumibili ng mga produkto sa pamilihan.
Si Ellen na bumibili ng Chanel bag dahil sa pangalan nito.
Si James na bumibili ng lapis dahil nakita niya ang kanyang mga kaklase na ito ang gamit.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng salik na pagbabago-bago ng presyo na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo?
Si Matteo ay mas pinipili pa rin ang mga mahal na produkto kaysa sa mga murang produkto dahil sa kalidad nito.
Si Iza na hindi binibili ang sobrang mahal na bag.
Si Ellaine na hinihintay bumaba ang presyo ng gulay sa panahon na ito ay nagtataas ng presyo.
Si Amara na bumibili ng kanyang mga paboritong damit kahit na ano pa ang halaga nito.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa salik na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo ng mga tao?
Kita
Mga di-inaasahang pangyayari
Pagkakautang
edukasyon
Bakit mahalaga na walang pagkakautang sa kahit na sino man sa panahon na tayo ay nagkokonsumo?
Mas napaglalaanan natin ng pera ang mga produktong ating kailangan.
Walang iniisip na ibang bayarin.
Mas tumataas ang kakayahan sa pagkonsumo.
Lahat ng nabanggit
