Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 10-Achievement Test-Araling Panlipunan

Total questions: 48

Worksheet time: 39mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tumutukoy sa mga paksa, kaisipan o suliranin na napapanahon dahil maaaring ito ay palaging napag-uusapan, nababalita, natatalakay o nagaganap?

a)

balita

b)

news and current affairs

c)

kontemporaryong isyu

d)

kasalukuyang nagaganap

2.

Ano ang tumutukoy sa mga pahayag o pansariling argumento, pananaw o pangangatwiran ng isang tao na suportado ng mga katunayan (facts)?

a)

balita

b)

satira

c)

opinyon

d)

kuwento

3.

Ano ang tawag sa mga plano o hakbang na naglalayong mapaghanda ang mga tao upang sila ay makaangkop sa mga pagbabagong hatid ng isang kalamidad?

a)

mitigation

b)

pag-aangkop

c)

DRRM

d)

DRAM

4.

Ang ang epekto ng mas mainit na karagatan sa pagkakaroon ng mga bagyo?

a)

Hihina ang mga bagyo.

b)

Lalakas ang mga bagyo.

c)

Dadalas ang mga bagyo.

d)

Mababawasan ang mga bagyo.

5.

Ano ang tawag sa kalagayan ng tao kung saan naghahanap siya ng trabaho o hanapbuhay subalit wala siyang mapasukan o makuhang trabaho o hanapbuhay.

a)

unemployed

b)

overemployed

c)

underemployed

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

6.

Ano ang tawag sa kalagayan ng tao kung saan naghahanap siya ng karagdagang kita dahil mababa ang kaniyang sahod o maikli ang oras ng pagtatrabaho sa kaniyang pinapasokang trabaho o hanapbuhay?

a)

unemployed

b)

overemployed

c)

underemployed

7.

 

Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

a)

Paggawa

b)

Migrasyon

c)

Ekonomiya

d)

Globalisasyon

8.

Nasasaklaw nito ang pagbabago ng klima ang pagpaplano at pagtugon sa epekto nito.

a)

Aspektong Pampulitika

b)

Aspektong Panlipunan

c)

Aspektong Pang – Ekonomiya

9.

Ayon sa UNESCO, ang ang sumusunod ay halimbawa na ang isang tao ay mahirap. Maliban sa isa, ano ito?

a)

Wala siyang sapat na kita o sahod.

b)

Hindi niya napauunlad ang kaniyang mga kakayahan.

c)

Hindi niya natatamasa ang kaniyang mga Karapatan

d)

Kaya niyang tustusan ang kaniyang mangangailangan sa gamot

10.

Ano ang tawag sa katangian ng globalisasyon kung saan binabawasan ang mga gawaing lokal at pinapalitan ang mga gawaing pandaigdigan?

a)

integrasyon

b)

delokalisasyon

c)

internasyonalisasyon

d)

business process outsourcing

11.

Ayon kay Prop.Roland Simbulan ng Unibersidad ng Pilipinas, nagsimula ang dinastiyang pulitikal sa Pilipinas noong ______________.

a)

pananakop ng mga Amerikano

b)

pananakop ng mga Espanyol

c)

pananakop ng mga Hapones

12.

Ang mga halimbawa ng mga karapatang ito ay ang karapatang magpulong o magtatag ng mga asosasyon, unyon, at mga kapisanang may layuning hindi labag sa batas at karapatang bumuto.

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Pulitikal

c)

Karapatang Panlipunan

d)

Wala sa nabanggit

13.

Isa itong katangian ng karapatang pantao na ngangahulugang ang lahat ng karapatan ay pantay-pantay at hindi maaaring makaangat sa isa't isa ang bawat karapatang pantao.

a)

panlahat

b)

magkakaugnay

c)

magkakasalalay

d)

hindi mapaghihiwa-hiwalay

14.

Ito ay uri ng karapatang pantao na kaugnay ng paggamit ng mga likas-yaman at pagpapaunlad sa sariling kasanayan o kakahayan.

a)

karapatang sibil

b)

karapatang pulitikal

c)

karapatang pangkabuhayan

d)

wala sa mga nabanggit

15.

Bakit panlahat ang mga karapatang pantao?

a)

Ito ay iginawad ng batas.

b)

Ito ay likas na nakakamtan ng tao.

c)

Ito ay nakapagpapayapa sa pamaynan.

d)

Wala sa nabanggit.

16.

Ano ang konseptong tinutukoy ng mga katangian at kaugaliang idinidikta ng lipunan kultura sa isang babae o lalaki?

a)

seks

b)

LGBT

c)

kasarian

d)

seksuwalidad

17.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng maliit na krimen o petty crime, maliban sa isa.

a)

snatching

b)

pagnanakaw

c)

vandalism

d)

robbery

18.

Paano isinusulong ng mga paaralan ang globalisasyon?

a)

Tumatanggap ito ng mga exchange students mula sa maraming bansa.

b)

Isinasali nito ang mga mag-aaral sa mga pandaigdigang patimpalak.

c)

Iniaangkop nito ang kurikulum sa mga kasanayan ay kaalamang itinuturo din sa ibang mga bansa.

19.

Ano ang tawag sa mga Pilipinong nangibang bansa upang maghanapbuhay?

a)

migrante

b)

imigrante

c)

Overseas Filipino Workers

d)

Overseas Contractual Workers

20.

Ano ang tawag sa paglilipat ng mga tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan?

a)

migrasyon

b)

residensiya

c)

paglilipat-pook

d)

Wala sa nabanggit.

21.

Ang lahat ng tao ay may karapatang pantao kahit hindi nila ito kinikilala.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang mga tao ay may karapatang magkaroon ng nasyonalidad.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang Kapuluang Katubigan ay bahagi ng dagat na nagsisimula sa batayang guhit hanggang 12 nautical miles palabas sa dagat.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang pulitika ay isang pamilya na namumuno sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon at naipapasa ang pagkapinuno sa kanilang mga kamag-anak o kapamilya.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Ang algae ay mga panggatanong na hindi agad napapalitan ang suplay sa daigdig, katulad ng petrolyo at karbon.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Dapat tugunan ang mga suliranin sa edukasyon, kahirapan, at pagpapatupad ng batas upang malutas ang suliranin sa krimen.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang cabeza de barangay ay uri ng mamamayang Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol na matatalunton ang pinagmulan ng dinastiyang pulitikal sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Pangmerienda ang tawag sa uri ng suhol na ibinibigay ng mga mamamayan sa mga tagapagpatupad ng batas upang sila ay maproktektahan sa mga ilegal na gawain.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Ang lahat ng tao ay may karapatang pantao kahit hindi nila ito kinikilala.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Ang kasarian ay konseptong tumutukoy sa mga katangian at kaugaliang idinidikta ng lipunan at kultura sa isang babae at lalaki.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Ang paglabag sa karapatang pantao ay isinasagawa ng isang tao o grupo na may motibong personal.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang suliranin sa kakapusan ay isang pagtatalo o di-pagkakasunduan sa kung sino ang may-ari o nararapat na mamahala sa isang lupa o katubiga.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang pagpapadrino ay pagbibigay ng suporta ng mga mamamayan sa isang pulitiko kapalit ng mga bagay na maaring ibigay sa kanila ng naturang kandidato.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Dapat kasikatan o katanyagan ng isang kandidato ang batayan ng pagpili.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang matriyarka ay konsepto na tumutukoy ng pagkakaroon ng mas makapangyarihan ang kababaihan kaysa kalalakiha.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Kahulugan ng "TESDA"

(a)  

37.

Kahulugan ng "NDRRMC"

(a)  

38.

Kahulugan ng "DSWD"

(a)  

39.

Kahulugan ng "IMF"

(a)  

40.

Anong uri ng krimen ang hindi gaanong malubhang krimen ngunit nakapipinsala sa tao tulad ng snatching, pagnanakaw, vandalism, 'di-wastong pagtatapon ng basura, at iba pa?

(a)  

41.

Sinong pilosopong Pranses ang nagsabi ng katagang "Ipinanganak na malaya ang tao, ngunit siya'y alipin saan man pumunta"?

(a)  

42.

Ang ehensiya ng pamahalaan na inatasan na magsuri at mag-monitor sa mga lindol at pagsabog ng mga bulkan.

(a)  

43.

Ito ay ang pagdaragdag ng mga huwad na tao sa listahan ng mga empleyado ng isang ahensiya ng pamahalaan o lokal na pamahalaan.

(a)  

44.

Ito ay ang kawalan ng kalinisan, integridad, at katapatan ng isang taong nanunungkulan.

(a)  

45.

Anong taon nabuo at nilagdaan ang Universal Declaration of Human Rights o UDHR?

(a)  

46.

Ano ang tinutukoy ng tahasang paghasik ng lagim sa mga pamayanan sa loob ng bansa upang maiparating ang hangarin ng isang pangkat para sa pansarili nitong kapakanan?

(a)  

47.

Ang paghingi ng karapatang maging mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kanyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan.

(a)  

48.

Tatlong epekto ng paglabag sa karapatang pantao. (3puntos)

(a)