WorksheetsMAJOHA? Sino Ba Kami?
Total questions: 21
Worksheet time: 7mins
Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.
(a)
Kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", siya ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
(a)
Siya ay isang Pilipinong rebulosyunaryong pinuno na nakippagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo upang patalsikin ang pamamahalang Kastila sa hilagaing Pilipinas at magtatag ng isang malayang estadong Ilokano.
(a)
Siya ay isang rebolusyonaryong Pilipino na kilala rin bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang katandaan nang sumiklab ang Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya bilang "Ina ng Balintawak" dahil sa kanyang ambag sa rebolusyon.
(a)
Siya ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng militar noong digmaan.
(a)
Kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", siya ay isang Pilipinong teoriko na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1900 na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
(a)
Siya ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niya ay ipinagpatuloy niya ang ipinaglalaban nito.
(a)
Siya ang tinaguriang Ina ng Watawat ng Pilipinas kung saan isa siya sa tatlong babaeng nagtahi ng unang watawat ng ating bansa sa Hong Kong.
(a)
Siya ay isang Pilipinong heneral sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Binansagan bilang "Boy General", nakilala siya sa kanyang kabayanihan sa Labanan sa Tirad Pass laban sa mga sundalong Amerikanong tumutugis kay Emilio Aguinaldo.
(a)
Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala bilang Utak ng Katipunan. Isinulat niya ang "Kartilya ng Katipunan" na naglalaman ng mga aral at turo ng samahan.
(a)
Ito ay isang daglat – o pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan – para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
(a)
Siya ay ang unang babae mula sa Panay na nakipaglaban sa mga Espanyol noong Himagsikang Pilipino. Kilala siya sa bansag na "Visayan Joan of Arc".
(a)
Siya ay kinikilala bilang "Ina ng Biak-na-Bato" at isa sa ilang babaeng Katipunera. Matapang siyang nakipaglaban sa 12 madugong labanan sa himagsikan sa Bulacan. Kilala rin siya bilang "Ina ng Philippine Red Cross".
(a)
Siya ay miyembro ng Katipunan na siyang naglalakbay mula Cavite patungong Maynila upang bumili ng tanso, lead at saltpeter na ginamit sa paggawa ng amunisyon. Siya rin ang tagapaghatid ng mga lihim na mensahe ukol sa mga gagawing pag-atake sa mga Espanyol.
(a)
Siya ang naglapat ng musika sa Pambansang Awit ng Pilipinas at itinalaga ni Aguinaldo bilang direktor ng National Band of the Philippine Republic.
(a)
Siya ay ang nanguna sa pinakamahabang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa Bohol dahil sa pagtanggi ng isang paring Heswita na mabigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid.
(a)
Siya ay isang sundalo at manunula na sumulat ng isang makabayang tula na pinamagatang "Filipinas" na kalaunan ay siyang naging lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas.
(a)
Siya ay isang Pilipinong heneral na nagsilbing Chief of Staff ng Philippine Revolutionary Army mula 1897 hanggang 1899. Kilala rin siya bilang "Ama ng Hukbong Sandatahang Pilipino".
(a)
Siya ay isang Pilipinong heneral na naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901.
(a)
Siya ay isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa Himagsikang Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ihayag ang digmaan laban sa Estados Unidos noong 1902, ipinagpatuloy ni Sakay ang paglaban at ang sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.
(a)
Kinikilala bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas, siya ay ang may-akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mga nobelang naglalarawan sa malupit na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
(a)
