WorksheetsPangabay na pamaraan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Piliin at punan nang angkop na kaantasan ng pang-abay na pamaraan ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Si Tina ay __________ kumilos kaysa kay Rina kahit sila ay kambal.
a. mahinhin
b. mas mahinhin
c. pinakamahinhin
d. ubod nang hinhin
2.___________ nagwalis ang mga bata sa labas ng bahay bago dumating ang mga bisita.
a. mabilis
b. mas mabilis
c. pinakamabilis
d. hari ng bilis
3. Si Mario ay _______ na sumagot sa tanong ng ina.
a. matamlay
b. mas matamlay
c. pinakamatamlay
d. ubod nang tamlay
4. Si Gng. Lina Cruz ang _______ magsalita sa lahat ng mga guro namin.
a. marahan
b. mas marahan
c. matulin
d. pinakamarahan
5. Tumakbo nang _______ang alaga niyang aso.
a. palayo
b. mas palayo
c. pinakamalayo
d. ubod ng layo
Panuto: Tukuyin ang antas ng pang-abay na pamaraan na nakasalungguhit .Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
6. Sinigawan niya ako nang ubod lakas.
a.lantay na antas
b. pahambing
c. pasukdol na antas
d. pang-abay
7. Bigla siyang bumangon mula sa kama.
a. lantay na antas
b.pahambing na antas
c. pasukdol na antas
d. pangngalan
8. Ang bunso niyang anak ay mas magaling kaysa sa panganay .
a. lantay na antas
b. pahambing na antas
c. pasukdon na antas
d. pandiwa
9. Nakatulalang napatingin ang bata sa amang ngayon niya lamang nakita.
a. panghalip
b.pahambing na antas
c. pasukdol na antas
d. lantay na antas
10. Ang mga ina ay napakaingat sa pag-aalaga ng mga sanggol.
a. pandiwa
b. pahambing na antas
c. pasukdol na antas
d. lantay na antas
