WorksheetsAralin Panlipunan
Total questions: 47
Worksheet time: 24mins
May mga alituntunin sa paaralan ukol sa kaligtasan.
tama
mali
Bawal sa paaralan ang paglalaro ng mga mapanganib na bagay.
tama
mali
Ang mga alituntunin sa paaralan ay para lamang sa mga mag-aaral.
tama
mali
Maaring magsuot ng damit pambahay sa pagdalo sa "online class".
tama
mali
Ang "school ID" dapat ring isuot ng mga mag-aaral kung dumadalo sa kanilang "online class".
tama
mali
Maaaring mong patayin o iturn-off ang camera upang hindi malaman ng iyong guro na hindi ka nakapag-ayos ng iyong sarili bago pumasok sa online class.
tama
mali
May mga alituntunin rin sa paaralan ukol sa kalinisan at kaayusan.
tama
mali
Sa aling basurahan maaring ilagay ang mga papel na hindi na masusulatan at di na magagamit pa?
nabubulok
di nabubulok
Ano ang dapat mong gawin kung nais mong pumunta sa CR o sa palikuran?
Magpaalam sa guro.
Tumakas.
Maghintay ng uwian.
Alin ang alituntunin ukol sa kaligtasan?
Dapat magsuot ng tamang uniporme.
Bawal magkalat ng basura sa paligid.
Bawal lumabas ang walang sundo.
Ano ang tawag sa kasuotan na sinusuot sa paaralan.
uniporme
jogging pants
crop top
dress
Mayroon ding kasuotan para sa
asignaturang edukasyong
pangkatawan o P.E.
Tama
Mali
May takdang oras ng pagpasok sa paaralan. Kailangang makarating tayo nang mas maaga kaysa takdang oras upang makapaghanda bago magsimula ang klase.
Tama
Mali
Hind tayo dapat tumulong namapanatili ang kalinisan at kaayusan sa paaralan. Maaari tayong magkalat. Maaari rin nating huwag itapon ang mga
basura sa basurahan.
Tama
Mali
Huwag tayong magsulat sa
mga dingding ng paaralan.
Huwag din tayong manira ng
mga gamit sa paaralan tulad
ng mga silya, pisara, at
pananim.
Tama
Mali
Tayo ay nagbabasa at nag-
aaral nang tahimik sa silid-
aklatan. Huwag tayong mag-
ingay dito. Huwag din tayong
mag-ingay sa mga pasilyo ng
paaralan upang hindi
maistorbo ang mga nag-aaral.
Tama
Mali
May mga lugar sa paaralan na
kailangan nating pumila.
Kailangan nating pumila
tuwing bibili sa kantina.
Kung minsan ay nagkakaroon
din ng pila sa palikuran.
Tama
Mali
Kailangan nating pumila
nang maayos para
maiwasan ang
kaguluhan at upang mas
mapabilis ang
Tama
Mali
Piliin ang happy face kung tama ang nasa larawan o sad face kung mali.
Piliin ang happy face kung tama ang nasa larawan o sad face kung mali.
Marami tayong maaaring gawin sa tahanan para makatulong. Isa na dito ay maaari tayong maglinis ng bahay o magdilig ng halaman.
Tama
Mali
Pabayaan na lang ang magulang ang maghugas ng pinggan at mag-alaga sa ating nakababatang kapatid.
Tama
Mali
Siya ang karaniwang nag-aalaga sa atin at sa buong mag-anak. Minsan sila ay naghahanapbuhay din upang makadagdag sa badyet ng pamilya.
Nanay
Tatay
Lolo
Lola
Siya ang karaniwang naghahanapbuhay upang matustusan ang ating mga pangangailangan. Tinutulungan din niya si Nanay sa mga gawaing bahay. May mga pagkakataon na siya ang nagluluto ng pagkain. Maaaring naglilinis din siya ng bahay, naglalaba, o naghuhugas ng pinggan.
Nanay
Tatay
Lola
Lolo
Ang ______ ay binubuo ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang partikular na teritoryo.
Ang ating bansa ay binubuo ng maraming ______.
Ito ay binubuo ng iba't ibang lugar na tumutugon sa ating mga pangangailangang panlipunan.
(a)
Saang lugar sa pamayanan tayo maaaring bumili ng makakain?
Saang lugar sa pamayanan maaari tayong maglaro at maglibang?
Dito tayo maaaring humingi ng tulong kapag may sunog?
Ito ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.
Saang lugar tayo makakabili ng gamot?
Ito ang lugar na ating pupuntahan kapag tayo ay may sakit
Saan lugar sa pamayanan tayo maaaring matuto?
Dito sa lugar na ito tayo nakikinig sa salita at aral ng Diyos.
Dito naninirahan ang bawat pamilya sa pamayanan
Ito ang lugar na maaari nating puntahan upang magmasyal at makabili ng mga bagay na ating kailangan
Ihiwalay ang mga nabubulok na basura sa hindi nabubulok na basura.
Tama
Mali
Tama
Mali
Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ay makakatulong sa kapaligiran.
MALI
SIGURO
TAMA
Ang pagkakaingin o pagsunog ng mga kagubatan ay mabuti para sa kalikasan.
MALI
SIGURO
TAMA
Ang pagsusunog ng basura ay nakakapagdulot ng polusyon sa hangin.
MALI
SIGURO
TAMA
Alin sa mga sumusunod na gawain ang makakatulong sa pangangalaga sa kapaligiran?
Pasusunog ng mga basura.
Segragation o paghihiwalay ng basura.
Patatapon ng basura sa ilog,
Alin ang nararapat mong gawin upang makatulong sa pag-aalaga sa kalikasan?
Pagtitipid ng kuryente at tubig.
Pagtatapon ng basura kahit saan.
Pagsisiga o pagsusunog ng basura sa bahay.
Alin ang HINDI dapat gawin upang mapangalagaan ang kalikasan?
Magsegragate o maghiwa-hiwalay ng basura
Magtanim ng halaman at puno
Sunugin ang mga basura para walang kalat
Anong produkto makukuha sa kagubatan?
Perlas
Kahoy
ginto
mais
Ano ang angkop na hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit sa dagat?
Pagsasaka
Pagmimina
pangingisda
pagnenegosyo
Tignan ang larawan. Ano ang masasabi mo?
Pangangalaga sa Kalikasan at pagtapon ng basura sa tamang lalagyan.
Hindi Pangangalaga sa Likas na Yaman
Pagtapon ng basura sa daan.
Kinakalat ang basura sa daan
Ano sa tingin mo ang mangyayari sa mga isda sa ilog kapag ikaw ang magtapon ng basura sa ilog?
magiging masaya ang mga isda
Mamatay ang mga isda
Dadami ang mga isda
Magiging malusog ang mga isda
