wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit 1 - A1 at A2

Total questions: 31

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang komunikasyon o communication ay hango sa salitang _________ na communicates na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi.”

a)

Griyego

b)

Espanyol

c)

Latin

d)

Ehipto

2.

Ang komunikasyon ay kadalasang nagaganap sa pagitan ng dalawa: ang _________ at tagatanggap.

a)

mananalita

b)

manunulat  

c)

mambabasa

d)

tagapakinig

3.

Ang komunikasyong _________ ay paggamit ng wika o salita sa komunikasyon.

a)

wika

b)

berbal  

c)

di-berbal

d)

lingguwal

4.

Ang mga sumusunod ay mga makrong kasanayan sa komunikasyon maliban sa isa:

a)

Panonood

b)

Pagsulat

c)

Pagbasa

d)

Pag-iisip

e)

Pagsasalita

5.

Sa komunikasyong ito ay walang salitang ginagamit.

a)

wika

b)

berbal  

c)

di-berbal

d)

lingguwal

6.

 Ang pagkaway ng kamay sa isang kakilala ay halimbawa ng aling di-berbal na komunikasyon?

a)

Galaw/Kilos 

b)

Simbolo

c)

Tindig

d)

Kumpas

7.

Ito ay kontekstong umiiral sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng publiko bilang tagatanggap ng mensahe.

a)

Panggrupo

b)

pangmasa/

pampubliko

c)

Interkultural

d)

Pangkasarian

8.

Ito ay kontekstong umiiral sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng dalawa o iilang tao.

a)

Panggrupo

b)

pangmasa/

pampubliko

c)

Interkultural

d)

interpersonal

9.

Umiiral ito sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng pangkat ng mga tao.

a)

Panggrupo

b)

pangmasa/

pampubliko

c)

Interkultural

d)

interpersonal

10.

Sa kontekstong interkultural, naagkakaroon ng palitan ng ________ sa pagitan ng mga partisipante ng komunikasyon.

a)

Kultura

b)

wika

c)

kaugalian

d)

salita

11.

Sitwasyon:

 Dahil nagkakaproblema sa kanyang asawa ang bagong-kasal na si Ahmed, humingi siya ng payo sa kanyang ama na si Ali, particular sa usapin tungkol sa paraan ng pagtrato sa asawang naglilihi.

Anong konteksto ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Panggrupo

b)

Pangmasa/

pampubliko  

c)

Interkultural  

d)

Pangkasarian

12.

Sitwasyon:

Bilang isang social worker na nakadestino sa mga liblib na lugar sa Mindanao, sanay si Iman na kahalubilo ang mga taga-tribo. Dahil dito, madalas siyang isama ng mga turistang taga-lungsod o di kaya ay mga dayuhan. Sa araw na ito ay naatasan siyang samahan ang mga dayuhang miyembro ng isang NGO. Ipinapaliwanag ni Iman sa mga pinuno ng tribong Mamanwa ang proyekto ng naturang NGO.

Anong konteksto ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Panggrupo

b)

Pangmasa/

pampubliko  

c)

Interkultural  

d)

Pangkasarian

13.

Sitwasyon:

Nagpadala ng memo ang Creative Director na si Deren sa mga miyembro ng kanyang departamento ukol sa gaganaping outdoor brainstorming para sa bago nilang campaign project.

Anong konteksto ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Panggrupo

b)

Pangmasa/

pampubliko  

c)

Interkultural  

d)

Pang-organisasyon

14.

Sitwasyon:

Matindi ang pag-aalala ni Hannie sa nakababatang kapatid na dalagang si Amna dahil madalas niyang mahuli na nakatitig sa kawalan at panay ang buntonghininga. Bumagsak din ang dating maayos na pangangatawan nito. Nang komunsulta sila ay nalaman nilang may breast cancer pala ito. Kinausap niya ito nang masinsinan.

Anong konteksto ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Panggrupo

b)

Pangmasa/

pampubliko  

c)

Interkultural  

d)

Pangkasarian

15.

Tama o Mali: Bilang isang tagapagsalita ay hindi na mahalagang kilalanin ang mga tagapakinig.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Tama o Mali: Upang mapaghandaan ang nalalapit na final pitching competition na sasalihan nina Indi, nagpapapulong siya kasama ang mga dalagang Business students sa aklatan ng unibersidad. Ang kontekstong umiiral ay pangkasarian.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Sitwasyon:

 Dahil nagkakaproblema sa kanyang asawa ang bagong-kasal na si Ahmed, humingi siya ng payo sa kanyang ama na si Ali, particular sa usapin tungkol sa paraan ng pagtrato sa asawang naglilihi.

Anong konteksto ng komunikasyon ang nagaganap sa sitwasyong ito?

a)

Panggrupo

b)

Pangmasa/

pampubliko  

c)

Interkultural  

d)

Pangkasarian

18.

 Ang pagkaway ng kamay sa isang kakilala ay halimbawa ng aling di-berbal na komunikasyon?

a)

Galaw/Kilos 

b)

Simbolo

c)

Tindig

d)

Kumpas

19.

Tama o Mali: Dapat lamang na magsalita para sa iba sa lahat ng pagkakataon upang makatipid sa oras.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Tama o Mali: Ang proseso ng globalisasyon ay may mabuti at masamang epekto sa kultura.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Tama o Mali: Ang pagsingit o interruption at pakikipag-usap sa iba (side conversations) ay hindi etikal na gawi kapag may kausap.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ito ay isang proseso ng paglawak ng pagkakaugnay ng mga bansa o unti-unting paglaho ng mga pagkakaiba sa kultura.

a)

Globalisasyon

b)

Teknolohiya

c)

Komunikasyon

d)

Industriyalismo

23.

Maituturing na mahalagang factor o dahilan ng globalisasyon ang pag-usbong ng modernong _________.

a)

Globalisasyon

b)

Teknolohiya

c)

Komunikasyon

d)

Industriyalismo

24.

Isang senyales ng globalisasyon ang pagdami ng mga OFW na nagpapataas ng GNP ng Pilipinas. Ito ay isang halimbawa ng epekto ng globalisasyon sa aspeto ng _________.

a)

Globalisasyon

b)

Teknolohiya

c)

Komunikasyon

d)

Ekonomiya

25.

Sa pag-usbong ng teknolohiya, mas malilimitahan ang komunikasyon at mas mananaig ang "_________" o ang buhay sa social media.

a)

Globalisasyon

b)

Teknolohiya

c)

Virtual Reality

d)

Illusion of Choice

26.

Isa sa apat na natatanging katangian ng globalisasyon ay ang paglawak ng ating mga panlipunang relasyon o _________.

a)

popular culture

b)

virtual reality

c)

stretched social relations

d)

Illusion of Choice

27.

Sa ___________ naman, mapapansin ang pagtaas ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga kaugalian, pananalita, pananamit, at pagkain ng mga dayuhan, lalo nan g mga Koreano, Hapon, at Amerikano. Dulot ito ng paglaganap ng mga dayuhang palabas, pelikula at musika.

a)

popular na kultura/

popular culture

b)

virtual reality

c)

stretched social relations

d)

illusion of choice

28.

Kasama sa mga natatanging katangian ng globalisasyon ang pag-iral ng mga _________ katulad ng International Monetary Fund (IMF) at ng World Bank (WB).

a)

popular na kultura/

popular culture

b)

virtual reality

c)

stretched social relations

d)

pandaigdigang institusyon/

international institutions

29.

Makikita ang epekto ng globalisasyon sa larangan ng _________ sa anyo ng madali at malawakang interaksyon at integrasyon ng mga pinuno mula sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.

a)

popular na kultura/

popular culture

b)

pulitika

c)

ekonomiya

d)

komunikasyon

30.

Nararapat na igalang ang personal na hangganan o ___________  ng iba kapag nasa isang komunikasyon.

a)

popular na kultura/

popular culture

b)

virtual reality

c)

personal boundaries

d)

komunikasyon

31.

Makikita ang epekto ng globalisasyon sa larangan ng _________ sa anyo ng madali at malawakang interaksyon at integrasyon ng mga pinuno mula sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.

a)

popular na kultura/

popular culture

b)

pulitika

c)

ekonomiya

d)

komunikasyon