wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KOMFIL

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubhasa sa wika, dalubguro, manunulat at mga mag-aaral bilang tugon sa pagbabalak na pagpatay ng wikang Filipino.

a)

PSLLF    

b)

Tanggol Wika

c)

Surian ng Wikang Pambansa

d)

Wikang Pambansa

2.

“Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng identidad ng isang bayan, at ang wikang ito ay kapagka ginagamit sa edukasyon ay makatutulong ng malaki sa pagpapalalim sa mga ideya ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kasaysayan… Sino ang nagsasaad nito?

a)

Lope K. Santos

b)

Ramon Gulliermo

c)

Bienvenido Lumbera

d)

Jose Luna

3.

Ang akronim na NCCA ay nangahulugang _____________. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagpapakahulugan para rito?

a)

National Commission on Culture and the Arts

b)

National Communication of Culture and Arts

c)

National Community for Culture and Arts

d)

National Communication of Culture and the Arts

4.

Anong Saligang batas ang nagsasaad ng; Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya?

a)

Saligang Batas Art. XIV, Sek. 6

b)

Batas Komonwelt Blg. 184

c)

Saligang Batas Art. XIV, Sek. 3

d)

Saligang Batas Art. XVI, Sek. 4

5.

Sinong pangulo ang lumagda patungkol sa batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino?

a)

Pangulong Benigno Aquino III

b)

Pangulong Rodrigo Duterte

c)

Pangulong Gloria Macapagal Arroyo

d)

Pangulong Cory Aquino

6.

Anong konstitusyon ang nagsasaad na, “…Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”?

a)

Konstitusyong 1897, Art. XIV, Sek 6

b)

Konstitusyong Batas Komonwelt Blg. 184

c)

Konstitusyong 1987, Art. XIV, Sek. 6

d)

Konstitusyon ng 1987, Art. XVI, Sek. 6

7.

Ano ang kahulugan ng PSLLF na akronim?

a)

Pambansang Kapisanan at Labanan ng Linggwistika Filipino

b)

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino

c)

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Kultura ng Filipino

d)

Pambansang Surian at Labanan ng Linggwistikang Filipino

 

8.

Anong saligang batas ang nagsasaad na ang wikang Ingles at Kastila ay siyang mananatiling opisyal na wika?

a)

Saligang Batas 1935, Art. XVI, Sek. 4

b)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

c)

Saligang Batas 1973, Art. XV, Blg. 2Saligang Batas 1935, Art. XIV, Sek. 3

d)

Saligang Batas 1973, Art. XV, Blg. 2

9.

Anong taon napairal na ang Tagalog ay naging Pilipino?

a)

Agosto 30, 1959

b)

Agosto 28, 1959

c)

Agosto 29, 1959

d)

Agosto 31, 1959

10.

Ito ang tawag ng samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat at mananaliksik.

a)

NCCA

b)

NLCC

c)

PSLLF

d)

PLLSF

11.

Anong kautusang ang nagsasaad na sinimulan nang ituro sa pampubliko at pribado ang wikang pambansa?

a)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

b)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

c)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

d)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 180

12.

Anong batas ang nagsasaad o ipinahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa simula Hulyo 5, 1946?

a)

Saligang Batas 1987

b)

Batas Komonwelt Blg. 184

c)

Batas Komonwelt Blg. 570

d)

Saligang Batas 1897

13.

Kailan iprinoklama ni pangulong Manuel Luis Quezon na ang wikang Tagalog ang batayan ng wikang pambansa?

a)

Agosto 31, 1937

b)

Disyembre 30, 1937

c)

Agosto 30, 1937

d)

Disyembre 31, 1937

14.

Sa taong ito inimungkahi ni ________ na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga wikang umiiral sa Pilipinas.

a)

1944, Bienvenido Lumbera

b)

1934, Lope K. Santos

c)

1937, Manuel Quezon

d)

1987, Corazon C. Aquino

15.

Dito makikita ang distribusyon ng mga impormasyon o datos ayon sa lawak o saklaw ng pananaliksik.

a)

Abstrak

b)

Sintesis

c)

Lagom

d)

Suliranin

16.

Tinatagpas/Inihihiwalay-hiwalay isa-isa ang buong ideya sa mga bahagi. Tinitingnan ang mga bahagi at ang relasyon nito sa isa’t isa, pagkatapos ay inoorganisa ang mga bahagi.

a)

Aplikasyon

b)

Analisis

c)

Komprehensiyon

d)

Ebalwasyon

17.

Nalipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto dahil sa Proklama Blg. 12 ng Pangulong Ramon Magsaysay noong __________.

a)

30 Disyembre 1960

b)

26 Marso 1954

c)

30 Agosto 1937

d)

30 September 1937

18.

Tinitingnang mabuti ang kabuuan at dinadaysek ang mga integral na bahagi o component ng isang kabuuan upang makalikha ng mga panibagong ideya.

a)

Aplikasyon

b)

Analisis

c)

Ebalwasyon

d)

Sintesis

19.

Ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na.

a)

Abstrak

b)

Sintesis

c)

Lagom

d)

Suliranin

20.

Ito ay ang pagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa pag-aaral.

a)

Lagom

b)

Abstrak

c)

Sintesis

d)

Suliranin

21.

Ang sistemang ito ng edukasyon ay tumutukoy sa hiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles sa pagtuturo.

a)

MTB-MLE

b)

Multilingwalismo

c)

Bilingwalismo

d)

K to 12

22.

Siya ang may-akda ng Batas Komonwelt Blg. 184. Sa pamamagitan ng batas na ito ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin na pag-aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay ang isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.

a)

Norberto Romualdez

b)

Prospero Nograles

c)

Ponciano Pineda

d)

Sergio Osmeña

23.

Anong Department Order ang nagtakda na ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts and character education?

a)

Department Order No. 25, Series of 1974

b)

Department Order Blg.14-26 Serye ng 2014

c)

CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013

d)

Kautusang Pangkagawaran Bilang 53, serye 1987

24.

Anong uri ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ang ginagamitan ng wika na maaaring nasa anyong pasalita o pasulat?

a)

Komunikasyong Berbal

b)

Umpukan

c)

Komunikasyong Di-Berbal

d)

Tsismisan

25.

Ito ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomenon.

a)

Hanguang Elektroniko

b)

Primaryang Batis

c)

Sekundaryang Batis

d)

Sekundaryang Batis

26.

Sino ang lumagda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 upang mas lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno?

a)

Manuel L. Quezon

b)

Fidel V. Ramos

c)

Corazon C. Aquino

d)

Ramon Magsaysay

27.

Anong gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ang nakabubuo ng maliit na grupo at maaaring gamiting bilang metodolohiya ng pananaliksik?

a)

Umpukan

b)

Tsismisan

c)

Komunikasyong Berbal

d)

Komunikasyong Di-Berbal

28.

Ito ay tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe.

a)

Olfactorics

b)

Pictics

c)

Oculesics

d)

Colorics

29.

Anong uri nang Kuwalitatibong Disenyo ang nagkakaroon ng isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon?

a)

Surbey

b)

Interbyu

c)

Panayam

d)

Pangkatang Talakayan

30.

Ito ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kopyutasyon.

a)

Kwantitatibong Disenyo

b)

Kuwalitatibong Disenyo

c)

Pag-uugnay ng Impormasyon

d)

Pagsusuri ng impormasyon

31.

Anong batas ang nagtangkang alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, para diumano’y mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo?

a)

Department Order No. 25, Series of 1974

b)

CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013

c)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

d)

Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987

32.

Kailan nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera?

a)

Abril 15, 2015

b)

Hulyo 4, 2014

c)

Abril 21, 2015

d)

Hunyo 16, 2014

33.

Alin sa dating kurso sa Filipino ang pinalitan ng Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL)?

a)

Masining na Pagpapahayag

b)

Philippine Literature of the Region

c)

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

d)

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

34.

Sa kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad ang pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika upang makasabay sa globalisasyon, ayon sa mga tagapagtanggol ng wikang Pambansa.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang Ingles ay kalaban natin upang makamit ang intelektwalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Anumang wika ay potensyal upang matamo ang intelektwalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ang Pambansang Linggwa Franka ay ang wikang sinasalita o ginagamit nang higit na nakararaming tao sa daigdig.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Kahit nilinaw sa nasabing kautusan na inaaaring ituro ang ibang mga asignatura sa Filipino at Ingles, bakit hindi pa rin sinang-ayunan ng mga iskolar, guro at mga nagmamahal sa wikang Filipino ang CHED? Alin sa mga sumusunod na pamimilian ang hindi pangunahing dahlia ng grupo?

a)

Ang Filipino ay midyurn sa pagtuturo o komunikasyon

b)

Ang Filipino ay isang disiplinang nagluluwal ng mga kaalaniang maka-Pilipino at makabayan na kailangan Sa panahong itong buhay na buhay ang globalisasyon.

c)

Mawawalan ng trabaho ang mahigit 10 libong guro

39.

Anong uri ng korapsyon ang nagkakaroon ng pananakot, paninira o iba pang pagbabanta upang mapwersag makipagtulungan ang isang tao?

a)

pandaraya

b)

kickbacks

c)

plunder

d)

pangingikil

40.

Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.

a)

Hawig

b)

Presi

c)

Sintesis

d)

Sinopsis

41.

Komunikasyon na kailangan sa ugnayan ng magkasintahan upang mapanatili ang kanilang matamis na pagsasamahan.

a)

interpersonal na komunikasyon

b)

bukas na komunikasyon

c)

komunikasyong pangmadla

d)

intrapersonal na komunikasyon

42.

Balakid sa komunikasyon na nanggaling sa isipan ng tagatanggap ng mensahe.

a)

intrapersonal na komunikasyon

b)

interpersonal komunikasyon

c)

internal na balakid

d)

eksternal na balakid

43.

Ang unang proseso na dapat mangyari sa komunikasyon.

a)

pagsasalita

b)

pag-unawa

c)

pag-iisip

d)

pagsulat

44.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaepektibong daluyan ng komunikasyon?

a)

telepono

b)

ibang tao

c)

media

d)

sarili

45.

Ang malakas na lagabag ng pinto ay isang ______.

a)

ingay internal

b)

ingay eksternal

c)

mensahe

d)

daluyan