WorksheetsFilipino 4th Lolng Quiz
Total questions: 105
Worksheet time: 58mins
Ito ay uri ng pangungusap na nagkukwento o naglalahad at nagtatapos sa tuldok.
Pasalaysay
Padamdam
Pautos
Patanong
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pangungusap na pautos?
Kaya nating mag-isip nang mapanuri
Paki tingnan mo kung wala na tayong face mask.
Naku!, ubos na pala.
umalis siya ng walang paalam.
3.Aling pangungusap ang nangangailangan ng kasagutan?
Naku! Maiiwan na tayo ni nanay.
Ang nanay ay mamimili sa palengke.
Ano-ano ang pamimilihin ni nanay?
Maaaraming nangangamba sa Covid 19.
Padamdam
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Talagang -talaga! Lubhang nakakatakot ang COVID19.
Padamdam
Pakiusap
Pasalaysay
Patanong
Lawakan mo ang pagtingin sa kalagayan ng ating bayan.
Padamdam
Pakiusap
Pautos
Patanong
Hoy! Makiisa tayo sa pagtulong sa mga frontliners.
Pautos
Patanong
Pakiusap
Padamdam
Marami bang na Covid sa lugar ninyo?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Bawal lumabas ang mga Senior Citizen.
Pakiusap
Pautos
Patanong
Pasalaysay
Di ba may Curfew Hours na sinusunod?
Padamdam
Pakiusap
Pautos
Patanong
May multa ang lalabag sa Curfew.
Patanong
Pautos
Pakiusap
Pasalaysay
Nakakuha ba ang pamilya mo ng SAP?
Pasalaysay
Pautos
Pakiusap
Patanong
Marami kaming natanggap na ayuda mula sa DSWD.
Pasalaysay
Padamdam
Pakiusap
Patanong
Maraming paraan ang isinasagawa ng Deped para matuloy ang pasukan.
Patanong
Pakiusap
Pasalaysay
Padamdam
Dadaan ba tayo sa palengke?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
Yehey! Dumating na sila.
Padamdam
Pautos
Pasalaysay
Patanong
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ako ay nanguha ng mga kabibe sa dalampasigan.
karaniwan
di-karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang bag na binigay sa akin ay mula sa balat ng buwaya.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang kailangan natin ay pag-ibig.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang pagmamahal sa bayan ay pagmamahal din sa Diyos.
karaniwan
di- karaniwan
Gawing di-karaniwan ang pangungusap sa ibaba.
Magigiting ang mga sundalo sa Mindanao.
Ang mga sundalo sa Mindanao ay magigiting.
Magigiting ang mga sundalo.
Sa Mindanao, magigiting ang mga sundalo.
Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?
Madalas bumabagyo sa Pilipinas tuwing Hulyo.
Sinususpinde ang klase kapag may bagyo.
Barado ang mga kanal.
Ang mga basura ay nagkalat sa mga kalsada.
Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?
Mahal ko ang Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang mainit na lugar.
Maraming magandang pasyalan sa Pilipinas.
Dapat nating libutin ang magagandang lugar sa Pilipinas.
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino.
karaniwan
di- karaniwan
Nakapasa ako sa pagsusulit
Payak
Tambalan
Hugnayan
Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Nagpunta ang pamilya Maligaya sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Maysakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Nilinis ni Teresa ang kuwarto
Payak
Tambalan
Hugnayan
Ang paborito kong kulay at asul at luntian.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Sina Emma at Jennifer ay mababait at masayahin.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Pumasok ako sa kwarto at humiga na lamang sa aking kama.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Nakapunta kami sa maraming lugar ___kami ay nasa Cebu.
habang
dahil
Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ___ namamaga ang kaniyang paa.
habang
dahil
Sikat ang pamilya Lopez ___ lahat ng kanilang mga anak ay nasa honor roll.
habang
dahil
Pumunta muna kami sa silid-aklatan ___naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan.
habang
dahil
Ako ay nagwalilis _____ ang aking kapatid ay naghuhugas ng pinggan.
habang
dahil
Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doon kahapon.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kung may tagtuyot at bagyo sa mga bansa, maaapektuhan ang ating ekonomiya. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Pagkatuyot ang dahilan kaya hindi mapigil ang sunog sa kagubatan ng Australia.Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas.Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Maaapektuhan ang ekonomiya at lalala ang kalagayan ng bawat pamilyang Pilipino. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Hindi na mapigil ang pagkalat ng sunog pati ang pagdidilim sa paligid ay lumalala na rin.Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Pumunta ka dito at tumulong tayo.Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Kung magtutulungan tayo, malalampasan natin ang pagsubok na ito. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Ang mga kalamidad at pagsubok na kinakaharap ng ating bansa ay nagdulot ng malaking kawalan sa ating lahat na mamamayan. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Alin ang gusto mong gawin magbalot o mamahagi ng mga pagkain? Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Makakaasa kang tutulong kami kaya huwag kanang mag-aalala pa. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
mamaya
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
sa palengke
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
mabilis na tumakbo
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
sa susunod na Linggo
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
maayos na nagsulat
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
sa SM Department Store
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
mamayang alas singko ng hapon
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
kinausap nang mahinahon
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
tumayo nang mabilis
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
umiyak nang malakas
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
samakalawa
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
bukas ng umaga
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
sa palaruan
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
kaninang umaga
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
taimtim na nagdadasal
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
lumangoy nang mabilis
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
gubat
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
sa susunod na taon
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
kahapon, matiyagang nagbabasa, sa London
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
Mabilis na nagtago sa ilalim ng kama si Arnold.
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
Kusang-loob na nagsipagbigay ng tulong ang mga dumalo.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Mahinahong nagpaliwanag ang anak sa kanyang ina.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Sa ilalim ng mesa nagtago si Jan Gerard.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Sa susunod na lingggo darating ang aking tiyuhin.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Madaling-araw na nang umuwi ako sa bahay.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Taimtim na nagdarasal ang aking lola.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Bihira lang akong lumiban sa klase.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Samakalawa ka bumalik at tiyak na narito na siya.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Ang meryenda ay palihim na kinain ni Sean.
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Balak magkita ni Hart Jed at Jelliane sa tapat ng simbahan
pamaraan
pamanahon
panlunan
pang-agam
Ano ang Pang-abay na ginamit sa pangungusap?
Si Althea ay may tanim na bulaklak sa likod ng bahay.
likod ng bahay
bulaklak
tanim
Althea
Ano ang Pang-abay na ginamit sa pangungusap?
Mamaya ipapasa ang ating takdang-aralin.
mamaya
ipapasa
takdang-aralin
ipapasa ang takdang-aralin
Ano ang Pang-abay na ginamit sa pangungusap?
Mabilis na tumakbo ang magnanakaw.
magnanakaw
tumakbo
mabilis
tumakbo ang magnanakaw
Ano ang pang-abay na Panlunan sa pangungusap?
Nagkita sina Darnell at Beverly sa Pavillion Mall.
Darnell at Beverly
nagkita
sa Pavillion Mall
sina
Ang mga magnanakaw ay dahan-dahang tumakas sa bahay na kanilang pinuntahan.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Pang-agam
Piliin ang angkop na Pang-abay.
Ang mga bata ay _________________ na tumakbo upang hindi mahuli sa kanilang klase.
tahimik
malugod
mabagal
mabilis
Linggo-linggo, pinapalitan ni nanay ang punda ng aking mga unan sa loob ng aking silid-tulugan.
Pamaraan
Panlunan
Pamanahon
pang-agam
Pinagmasdan ko nang mabuti kung paano mabilis na binabalatan ni Thea ang hinog na mangga
Panlunan
Pamaraan
Pamanahon
binabalatan
Bakit ka bumibisita sa puntod ng iyong ama tuwing Linggo?
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
bumibisita
Alin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap?
"Kinabukasan, naligo sila nang maaga ng kanyang mga kaibigan sa ilog."
maiksing
sa ilog
kinabukasan
naligo
_____________ sa bagyo ang balita ngayon.
Ayon sa
Tungkol sa
Kina
May mga baterya pa ba tayo ____________ flashlight?
para kay
para sa
para kina
Ang mga kapote ay ______________ Roberto at Liam.
para kay
para sa
para kina
Itabi natin ang cellphone ________ Mark.
ni
sa
nina
____________ tatay, mas mabuting hintayin natin lumipas ang bagyo.
Ni
Ayon sa
Ayon kay
Ulam at kanin ang itinira ko _______________ Nikko.
para sa
para kay
para kina
Siya ang pangatlong anak ___________ tiyo at tiya.
ni
kina
nina
__________ Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ayon kay
Ayon sa
Tungkol kay
Inialay ng mga bayani ang kanilang mga buhay ______________ Pilipinas.
para sa
tungkol sa
tungkol kay
_________________ batas ang pagnanakaw ng gamit ng iba.
Tungkol sa
Ayon sa
Labag sa
Magkakaroon ng libreng bakuna _________ mga sanggol sa ating barangay.
ayon kay
ayon sa
para sa
May balita ka ba ________________ sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin?
tungkol kay
tungkol sa
tungkol kina
Ang mga aklat _________ Anna ay nakakalat sa sahig.
si
ni
sa
____________ batas, bawal magtapon ng kemikal sa ating mga yamang-tubig.
Alinsunod kay
Alinsunod sa
Para kay
Ang hardin na ito ay _____________ Elise at Lisabeth.
ni
kay
kina
