Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 7 REVIEW

Total questions: 70

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Anong anyo ng tulang romansa ang Ibong Adarna?

a)

awit

b)

korido

c)

dula

d)

alamat

2.

Ang korido ay may ilang pantig sa bawat taludtod?

a)

6

b)

8

c)

10

d)

12

3.

Ito ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo?

a)

kaugalian

b)

panitikan

c)

tradisyon

d)

kultura

4.

Ano ang kahulugan ng salitang "ocurido" na mula Espanya?

a)

awit

b)

nangyari

c)

tradisyon

d)

kaharian

5.

Ang korido ay binubuo ng ______________ na taludtod sa bawat saknong.

a)

dalawa

b)

apat

c)

anim

d)

walo

6.

Ang KORIDO ay tungkol sa pananampalataya , alamat, at kababalaghan

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ang mga tauhan sa AWIT ay walang taglay na kapangyarihang supernatural ngunit siya ay nahaharap din sa pakikipagsapalaran. Higit na makatotohanan o hang sa tunay na buhay

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang mga tauhan sa KORIDO ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Mabilis ang himig o tinatawag na allegro

a)

TAMA

b)

MALI

10.
Napakaganda ng mga banderitas sa mga daan tuwing Pista ng Senyor Sto. Nino!
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
11.
Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
12.
Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba kaysa buhok ni Sarah.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
13.
Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood namin!
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
14.

Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

15.
Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
16.
Magsintanda ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
17.
Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
18.
Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginang Rosario.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
19.
 Si Juan ay singkupad ng pagong.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
20.
Bukod-tangi ang talento ni Juan Luna.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
21.

pitong balak

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

22.

lumang bahay

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

23.

iba-ibang bagay

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

24.

araw-gabing trabaho

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

25.

palabasang bata

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

26.

dakilang simulain

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

27.

abot-kamay na tagumpay

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

28.

pang-araw-araw na gawain

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

29.

bukod-tanging manggagawa

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

30.

makakalikasang mamamayan

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

31.

Si Maria ay mahilig sa magagandang bulaklak.

Anong kayarian ng pang-uri ang may salungguhit?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

32.

Sariwa ang isdang nabili ni Nanay.

Anong kayarian ng pang-uri ang may salungguhit?

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

33.

Maganda ang rosas na binili ni Romeo para kay Juliet.

Anong kayarian ng pang-uri ang may salungguhit?

a)

Maylapi

b)

Inuulit

c)

Tambalan

d)

Payak

34.

Taos-puso ang pasasalamat ng mga nasalanta ng nakaraang bagyo.

Anong Kayarian ng Pang-uri ang pang-uring nakasalungguhit.

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

35.

Tahimik at masagana ang kanilang pamumuhay sa probinsya.

Alin sa pangungusap ang salitang naglalarawan?

a)

tahimik

b)

masagana

c)

pamumuhay

d)

tahimik at masagana

36.

Anong kaantasan ng pang-uri ang binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi?

a)

Inuulit

b)

Tambalan

c)

Payak

d)

Maylapi

37.

Alin sa mga kayarian ng pang-uri ang binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa?

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

38.

Tuwang-tuwa si Jose sa narinig niyang balita.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

a)

Jose

b)

narinig

c)

tuwang-tuwa

d)

balita

39.

Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito.

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

40.

Masipag mag-aral si Maria kaya matataas ang kanyang marka.

Anong kayarian ng pang-uri ang may salungguhit?

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

41.

Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

a)

Masining

b)

Retorika

c)

Salawikain

d)

Tayutay

42.

1. Dumanak ng dugo nang maglaban ang pangkat nina Florante at Miramolin.

a)

a. Pagtutulad

b)

b. Pagbibigay-katauhan

c)

c. Pagwawangis

d)

d. Pagmamalabis

43.

3. Lumuha ang langit nang pasanin niya ang mundo.

a)

Pagpapalit-saklaw

b)

Pagbibigay-katauhan

c)

Pagtutulad

d)

Pagwawangis

44.

7. "Ang buhay sa mundo ay nakalilito; may malungkot at may masaya." Ano ang kahulugan ng tayutay?

a)

Maraming nalulungkot kapag may masaya.

b)

Ang buhay natin ay hindi lamang masaya o malungkot ngunit magkahalo ang saya at lungkot.

c)

Maraming masaya kahit may nalulungkot.

45.

Ang mga puno ay sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin.

a)

Pagwawangis

b)

Pagtutulad

c)

Personipikasyon

46.

Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

a)

Pangngalan

b)

Pandiwa

c)

Pang-uri

d)

Pang-abay

47.

Anong uri ng panuring ang may salungguhit sa ibaba??

Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.

a)

Panuring ng Pandiwa

b)

Panuring ng Pang-uri

c)

Panuring ng Kapwa Pang-abay

48.

Anong uri ng panuring ang may salungguhit sa ibaba??

Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.

a)

Panuring ng Pandiwa

b)

Panuring ng Pang-uri

c)

Panuring ng Kapuwa Pang-abay

49.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.

a)

sumagot

b)

nang

c)

tsuper

d)

pasigaw

50.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal

a)

dali-dali

b)

kinain

c)

almusal

d)

kanyang

51.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.

a)

mag-anak

b)

tahimik

c)

probinsya

d)

namumuhay

52.

Sadyang napakaganda ng damit ni Weng.

Anong uri ng panuring ang may salungguhit?

a)

Panuring ng Pandiwa

b)

Panuring ng pang-uri

c)

Panuring ng kapwa pang abay

53.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko

a)

kapatid

b)

nag-aaral

c)

ang mga

d)

masipag

54.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.

a)

palihim

b)

liham

c)

binasa

d)

nang

55.

Piliin sa pangungusap ang pang abay na ginamit.

Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao.

a)

Kalayaan

b)

hinahangad

c)

tao

d)

taimtim

56.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Siya ______ ang tatakbo na mayor sa susunod na halalan.

a)

kaya

b)

pala

c)

kasi

d)

lang

57.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Maging payapa ______ ang darating na eleksyon ngayong Mayo.

a)

sana

b)

lamang

c)

lang

d)

tuloy

58.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Nag-iisip ______ ang mga tao sa kandidato na kanilang susuportahan?

a)

naman

b)

sana

c)

kaya

d)

lang

59.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Isantabi ______ ang hidwaan ng bawat isa sa politika at isipin ang kapakanan ng ating bayan.

a)

yata

b)

ba

c)

muna

d)

tuloy

60.

Tukuyin ang angkop na Ingklitik:

Kailangan _____ na magkaisa tayong lahat para sa ating Inang Bayan.

a)

ba

b)

tuloy

c)

yata

d)

kasi

61.

Pupunta ___ si George sa bahay namin.

a)

din

b)

rin

62.

Sino ____ ang umubos ng ulam kanina?

a)

daw

b)

raw

63.

Si Helen ____ ang magluluto mamaya.

a)

daw

b)

raw

64.

____ kayo maglaro sa bakuran natin.

a)

Dito

b)

Rito

65.

Masaya ___ ang kanyang kasintahan sa kanilang pagkikitang-muli.

a)

din

b)

rin

66.

Malungkot ____ ang iba pang alagang aso ni Manuel sa pagpanaw ni Freddie.

a)

din

b)

rin

67.

____ sa palengke bumili ang Nanay ng laruan ko.

a)

Doon

b)

Roon

68.

Ikaw ____ ang kasama ni Tatay mamaya sa grocery.

a)

daw

b)

raw

69.

Kailan ____ ang birthday ni Merly?

a)

daw

b)

raw

70.

Maaari ___ palang mag-jogging sa labas ng bahay ngayon.

a)

din

b)

rin