wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Total questions: 80

Worksheet time: 1hrs 20mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:

Si Minda at Carla ay ang mga anak ____ Roy at Marg.

a)

kina

b)

ni

c)

nina

2.

Piliin ang tamang sagot:


Sinabihan _____ Tatay si JC na pagbutihin ang pag-aaral sa Filipino.

a)

ni

b)

nina

c)

ng mga

3.

Piliin ang tamang sagot:


Ang SM Fairview at Fairview Terraces ay matatagpuan ____ Quezon City.

a)

kay

b)

sa

c)

ng

4.

Piliin ang tamang sagot:

Saan natin itatago ang proyekto _____ Emman at Jothem?

a)

kay

b)

nina

c)

kina

5.

Piliin ang tamang sagot:


Ibinigay ko ang aking lumang laptop _____ Sarah para may magamit siyang gadget ngayong pasukan.

a)

kay

b)

ng

c)

ni

6.

Piliin ang tamang sagot:

Ibinigay ng mga mag-aaral sa Balmor ang mga lumang gamit _______ pamilyang nasunugan sa kanilang lugar.

a)

kina

b)

sa

c)

sa mga

7.

Kompletuhin ang pangungusap:

Jacob, magbigay tayo_________ pagkain, damit, at tubig sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

a)

ng

b)

ng mga

c)

sa mga

8.

Piliin ang tamang pang ukol para makompleto ang pangungusap:

Matutulog sina Sam at Sarah ____________ Lolo at Lola mamayang gabi.

a)

kay

b)

kina

c)

nina

9.

Ang puting kartolina ay binili ko ______________ Leslie dahil may proyekto siya.

a)

para kay

b)

tungkol kay

c)

ayon kay

10.

Mas mabuti na sundin ko ang payo _____________ Tatay at Nanay.

a)

para kina

b)

kina

c)

nina

11.

Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ay ______________ utos ng barangay.

a)

alinsunod sa

b)

tungkol sa

c)

ayon sa

12.

___________________ diyaryo, hindi pa napipili ang bagong papa ng Vatican.

a)

tungkol sa

b)

para sa

c)

ayon sa

13.

__________ Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.

a)

Para kay

b)

Tungkol kay

c)

Ayon kay

14.

Ang klase _____________ Ginang Cruz ay manonood ng pelikulang Jose Rizal.

a)

ni

b)

nina

c)

sa mga

15.

Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

_______________ Juan dumaan raw sa tindahan si Nanay.

a)

Ayon kay

b)

Tungkol sa

c)

Para sa

16.

Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

Kumakain ng gulay si Riza _______________ kanyang kalusugan.

a)

ayon kay

b)

tungkol sa

c)

para sa

17.

Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

______________ nangyari limang taon ang nakalipas ang sekreto ni Clark.

a)

Ayon kay

b)

Tungkol sa

c)

Para sa

18.

Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

Nahanap mo na ba ang tamang damit __________ kasal mo?

a)

ayon kay

b)

tungkol sa

c)

para sa

19.

Isulat sa patlang ang tamang pangukol na bubuo sa pangungusap.

___________ kapatid ni Mae, naiinitan si Zara sa loob ng kanilang kwarto.

a)

Ayon sa

b)

Tungkol sa

c)

Para sa

20.

Isulat sa patlang ang tamang pangukol na bubuo sa pangungusap.

Umakyat ng bundok sina Mike at Joy ___________ kanilang kagustuhang magpapayat.

a)

ayon kay

b)

tungkol sa

c)

para sa

21.

Isulat sa patlang ang tamang pangukol na bubuo sa pangungusap.

Si John at Bea ay naghihintay sa labas, ______________ Manong gwardya ng Subdivision.

a)

ayon kay

b)

tungkol sa

c)

para sa

22.

Isulat sa patlang ang tamang pangukol na bubuo sa pangungusap.

Matulog ka na Jillian sabi ng kanyang ina, ___________ ano na naman ang iyong pinapanuod?

a)

ayon kay

b)

tungkol sa

c)

para sa

23.

Ang _____ ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.

a)

Panghalip

b)

Pang-angkop

c)

Pang-abay

d)

Pang-ukol

24.

Lipon ng mga salita na may buong diwa.

a)

Pangungusap

b)

Parirala

c)

salita

25.

Bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.

a)

simuno

b)

panaguri

c)

salita

26.

Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno.

a)

simuno

b)

panaguri

c)

salita

27.

Ito ay ginagamitan ng panandang ay.

a)

simuno

b)

panaguri

28.

Tukuyin ang simuno sa pangungusap.

a)

Si Liwayway,ang tanging anak ng lakan

b)

ay masayahin at marikit

29.

Tukuyin ang simuno sa pangungusap.

a)

Isang mabangis na hayop

b)

ang rumaragasang baboy-ramo

30.

Tukuyin ang simuno sa pangungusap.

a)

Ako

b)

ay anak ng lakan mula sa kabilang barangay

31.

Tukuyin ang simuno sa pangungusap.

a)

Magiting na nakipaglaban sa mga kaaway

b)

ang mandirigma

32.

Tukuyin ang panaguri sa pangungusap.

a)

Sa kasamaang palad

b)

ay nasawi sa labanan

33.

Tukuyin ang panaguri sa pangungusap.

a)

Lumipas

b)

ang isang kakaibang halaman

34.

Tukuyin ang panaguri sa pangungusap.

a)

Ang mabababango at mapuputing bulaklak

b)

ang tanda ng kanyang pangako

35.

Tukuyin ang panaguri sa pangungusap.

a)

Ang mga mananakop

b)

ay nakipagkaibigan kay Lakan Dula

36.

Tukuyin ang panaguri sa pangungusap.

a)

Mahigpit na hinawakan niya

b)

ang mga kamay ni Liwayway

37.

Ang kagandahan ng isang tao ay nakikita sa kanyang mga salita at kilos

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

38.

Nagpasalamat ang matandang babae sa binatang tumulong sa kanya.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

39.

Agad na natuklasan ang katotohanan tungkol sa naganap na kaguluhan.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

40.

Ako ay magboboluntaryo para maging bantay sa darating na halalan.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

41.

Matatalino at masisipag ang mga bagong empleyado ng opisina.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

42.

Ang opisyal ng embahada ng Pilipinas ay nagpasalamat sa mga sundalo .

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

43.

Mahuhusay ang mga mag-aaral ng Balmor Christian School.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

44.

Ang Philippine tarsier ay isa sa mga natatanging hayop ng Pilipinas.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

45.

Bumababa sa lupa ang mga ito tuwing gabi para maghanap ng pagkain.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

46.

Nanalangin sila para sa kapayapaan ng bansang Myanmar.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

47.

Ayos ng pangungusap na nauuna ang panaguri sa simuno.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

48.

Ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri.

a)

Karaniwan

b)

Di-Karaniwan

49.

Dahil umulan ng malakas, hindi natuloy ang paligsahan sa plasa.

Ano ang sugnay na di-makapag-iisa sa pangungusap?

a)

Dahil umulan ng malakas

b)

Hindi natuloy ang paligsahan sa plasa

50.

Kailangan magsanay tayo ng mabuti upang manalo tayo sa patimpalak.

Ano ang sugnay na di-makapag-iisa sa pangungusap?

a)

upang manalo tayo sa patimpalak

b)

Kailangan magsanay tayo ng mabuti

51.

Sapagkat natapos ko nang maaga ang aking takdang aralin, maaari na akong maglaro bukas.

Ano ang sugnay na makapag-iisa sa pangungusap?

a)

Sapagkat natapos ko nang maaga ang aking takdang aralin

b)

Maaari na akong maglaro bukas

52.

Ito ay nagatataglay ng buong diwa

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang Sugay

53.

Ito ay lipon ng mga salita na walang buong kaisipan.

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang Sugnay

54.

Tukuyin kung anong uri ng sugnay ang pangungusap.


Sumusunod si Layla sa mga batas trapiko.

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang Sugnay

55.

Tukuyin kung anong uri ng sugnay ang pangungusap.


kaya walang abala sa daan

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang Sugnay

56.

dahil hindi siya nakapag-uwi ng kakainin

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang Sugnay

57.

Tukuyin kung anong uri ng sugnay ang pangungusap.


dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

a)

Malayang Sugnay

b)

Di-Malayang sugnay

58.

Upang sumaya ang mga magulang mo, magpakabait ka palagi.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

59.

Mataino si Greta kaya iskolar siya sa pag-aaral.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

60.

Ang mga bata ay tuwang tuwa kasi dumating na ang kanilang tatay.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

61.

Kapag dumaan ang nagtitinda ng gulay, ibili mo ako ng mga sitaw at kalabasa.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

62.

Masayang masaya ang mga magulang niya dahil mabait siyang anak.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di Makapag-iisa

63.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:


Nagluto ng ulam sina Beth at Anna.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

64.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Masipag mag-aral si Danilo.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

65.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Siya at ako ay kakain at manonood ng sine.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

66.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Si Melanie ay nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

67.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Dumating at umalis agad sina ate at kuya.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

68.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Nagtanim, nag- ani at nagsaing ang babae.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

69.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:



Tapat na manggagawa si Ginoong Valdez.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

70.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:


Ikaw ba ay maglalaro o maliligo?

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

71.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:


Ang tatay ay masipag.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

72.

Tukuyin ang Uri ng Payak na Pangungusap:


Si Roxy ay matalino at magalang na mag-aaral.

a)

Payak na Simuno – Payak na Panaguri

b)

Tambalang Simuno – Payak na Panaguri

c)

Payak na Simuno – Tambalang Panaguri

d)

Tambalang Simuno – Tambalang Panaguri

73.

Tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas.Ano ang kayarian ng pangungusap?

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

74.

Pumunta ka dito at tumulong tayo.Ano ang kayarian ng pangungusap?

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

75.

Kung magtutulungan tayo, malalampasan natin ang pagsubok na ito. Ano ang kayarian ng pangungusap?

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

76.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.


Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

77.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.


Pumasok agad ang mga bata nang narinig ang tunog ng kampana.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

78.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.


Nagbabasa ng libro si Andrew habang naglalaro sa labas si Gio.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

79.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.


Nabasa si Juan dahil sa malakas na ulan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

80.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.

Si Marco ay masayang naglalaro sa labas.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan