Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Total questions: 80

Worksheet time: 1hrs 9mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng pangungusap na walang buong diwa.

a)

PARIRALA

b)

SUGNAY

c)

PANGUNGUSAP

2.

Ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri pero hindi buo ang diwa o kaisipan.

a)

PANGUNGUSAP

b)

PARIRALA

c)

SUGNAY

3.

Ito ay lipon or grupo ng mga salita na na may buong diwa o kaisipan.

a)

PARIRALA

b)

SUGNAY

c)

PANGUNGUSAP

4.

Siksikan na ang mga pasahero sa bus.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

5.

ang atensiyon ni Karlos

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

6.

kaya ipagpatuloy mo ang pagtratrabaho bilang kundoktor

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

7.

Iyon si G. Rivera.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

8.

Malungkot na umuwi sa bahay si Carlos.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

9.

nakaiwan ng kanyang dala-dalahan

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

10.

dahil hindi nakapapasok sa trabaho ang ama.

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

11.

ikatlong araw ng pagkukundoktor ni Carlos

a)

parirala

b)

sugnay

c)

pangungusap

12.

Ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.

a)

SUGNAY NA DI MAKAPAG-IISA

b)

SUGNAY NA MAKAPAG-IISA

13.

Mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.

a)

SUGNAY NA MAKAPAG-IISA

b)

SUGNAY NA DI MAKAPAG-IISA

14.

Nasunod ni Lea ang tamang hakbang sa paggawa ng proyekto sapagkat nakinig siya nang mabuti sa ipinaliwanag na panuto.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

15.

Naglista siya ng mga dapat tandaan habang ibinibigay ang pamantayan sa gawain.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

16.

Dahil mayroon siyang listahan wala siyang nakaligtaang gawin.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

17.

May ilang hindi kaagad nakatapos sa gawain sapagkat hindi sila nagkasundo sa kasangkapang gagamitin.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

18.

Isa si Gerald sa mga hindi nakatapos dahil hindi siya nakinig.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

19.

Wala siyang natandaang hakbang kaya wala siyang nasimulan.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

20.

Wala siyang natandaang hakbang kaya wala siyang nasimulan.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

21.

Binati ni Gerald ang mahusay na ipinamalas ni Lea nang sila ay pauwi na.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

22.

Ang impormasyong nakukuha natin sa pakikinig ay mahalaga sapagkat magagamit natin ito sa ating mga gawain.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

23.

Nasunod ni Lea ang tamang hakbang sa paggawa ng proyekto sapagkat nakinig siya nang mabuti sa ipinaliwanag na panuto.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

24.

Dahil mayroon siyang listahan wala siyang nakaligtaang gawin.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

25.

May ilang hindi kaagad nakatapos sa gawain sapagkat hindi sila nagkasundo sa kasangkapang gagamitin.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

26.

Isa si Gerald sa mga hindi nakatapos dahil hindi siya nakinig.

a)

Sugnay na Makapag-iisa

b)

Sugnay na Di-makapag-iisa

27.

Bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.

a)

simuno

b)

panaguri

28.

Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno.

a)

simuno

b)

panaguri

29.

Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?

Ang mga mag-aaral ay naghahanda sa pagsusulit.

a)

payak na simuno

b)

buong panaguri

c)

buong simuno

d)

payak na panaguri

30.

Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?

Kumakanta ng Kundiman ang babae.

a)

buong simuno

b)

payak na panaguri

c)

payak na simuno

d)

buong panaguri

31.

Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?

Ang mga prutas at gulay ay masasarap at masusustansya.

a)

payak na simuno

b)

buong panaguri

c)

payak na panaguri

d)

buong simuno

32.

Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?

Ang mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang ay mababait.

a)

payak na simuno

b)

buong panaguri

c)

payak na panaguri

d)

buong simuno

33.

Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit?

Masayang nakilahok sa paligsahan sina Jemma at Karen.

a)

buong simuno

b)

payak na panaguri

c)

buong panaguri

d)

payak na simuno

34.

Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.

a)

Buong simuno

b)

Payak na panaguri

c)

buong panaguri

d)

payak na simuno

35.

Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.

a)

buong panaguri

b)

payak na panaguri

c)

payak na simuno

d)

buong simuno

36.

Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador ang mga ebidensiyang nakuha sa lugar ng krimen.

a)

buong panaguri

b)

payak na panaguri

c)

buong simuno

d)

payak na simuno

37.

Ito ay uri ng pangungusap na nagkukwento o naglalahad at nagtatapos sa tuldok.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Patanong

38.

Ito ay uri ng pangungusap na nagtatanong. Ito ay nagtatapos sa tandang pananong (?)

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Patanong

39.

Ito ay uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Patanong

40.

Ito ay uri ng pangungusap na nag-uutos. Ito ay nagtatapos sa tuldok.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Patanong

41.

Ito ay uri ng pangungusap na nakikiusap.

a)

Pasalaysay

b)

Padamdam

c)

Pautos

d)

Pakiusap

42.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pautos?

a)

Kaya nating mag-isip nang mapanuri

b)

Umuwi ka nang maaga.

c)

Naku!, ubos na pala.

d)

Umalis siya ng walang paalam.

43.

Aling pangungusap ang nangangailangan ng kasagutan?

a)

Naku! Maiiwan na tayo ni nanay.

b)

Ang nanay ay mamimili sa palengke.

c)

Ano-ano ang pamimilihin ni nanay?

44.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pakiusap?

a)

Kaya nating mag-isip nang mapanuri.

b)

Pakitignan mo kung wala na tayong face mask.

c)

Naku!, ubos na pala.

d)

Umalis siya ng walang paalam.

45.

Huwag kang lalabas ng bahay habang may pandemya.

a)

Pakiusap

b)

Pautos

c)

Patanong

d)

Pasalaysay

46.

Talagang-talaga! Lubhang nakakatakot ang COVID19.

a)

Padamdam

b)

Pakiusap

c)

Pasalaysay

d)

Patanong

47.

Kung hindi ka magsisimula sa maliliit na bagay, paano ka mamamahala sa malalaking bagay?

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

48.

Nagsisimula sa maliliit na hakbang ang malayong paglalakbay.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

49.

Bakit kailangang pamahalaan mo muna ang iyong sarili bago ang iba?

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos

d)

padamdam

50.

Yehey, disiplinado ka na nga!

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

51.

Maaari bang huwag kang magningas-kugon sa maganda mong sinimulan?

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

52.

Nagsisimula sa maliliit na hakbang ang katuparan ng pangarap.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

53.

Magsisimula ka sa maliliit na bagay, para makapamahala sa malalaking bagay.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

54.

Aba! Napakaayos ng gamit mo.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

pautos/ pakiusap

d)

padamdam

55.

"Kuya, pwede mo ba akong tulungan sa proyekto ko?"

a)

Patanong

b)

Pakiusap

c)

Padamdam

d)

Pautos

56.

Anong ayos ng pangungusap ang nauuna ang panaguri kaysa simuno?

a)

Karaniwang ayos ng pangungusap

b)

di-karaniwang ayos ng pangungusap

57.

Anong ayos ng pangungusap kung nauuna ang paksa at ginagamitan ng panandang ay.

a)

Karaniwang ayos ng pangungusap

b)

di-karaniwang ayos ng pangungusap

58.

Dapat pangalagaan ang kapaligiran.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

59.

Si Tagak ay naglakad malapit sa ilog.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

60.

Ang kalaban nating COVID-19 ay hindi natin nakikita.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

61.

Mamamasyal sana kami sa Luneta pero may Locked Down na.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

62.

Ang pananatili sa bahay ay makatutulong sa atin sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

63.

Dapat lamang na maglagay ng facemask kung tayo ay lalabas ng bahay.

a)

KARANIWANG AYOS (TUWID)

b)

DI KARANIWANG AYOS (KABALIKTARAN)

64.

Siya ay natutuwa sa kababaang-loob ng kaibigan at kasipagan nito sa pag-aaral.

a)

Payak na simuno at payak na panaguri

b)

Payak na simuno at tambalang panaguri

c)

Tambalang simuno at payak na panaguri

d)

Tambalang simuno at tambalang panaguri

65.

Masayang nagkukuwentuhan sina Pedro, Juan, at Marcos.

a)

Payak na simuno at payak na panaguri

b)

Payak na simuno at tambalang panaguri

c)

Tambalang simuno at payak na panaguri

d)

Tambalang simuno at tambalang panaguri

66.

Ang mga bahay at paaralan ay gumuho ngunit itinayong muli.

a)

Payak na simuno at payak na panaguri

b)

Payak na simuno at tambalang panaguri

c)

Tambalang simuno at payak na panaguri

d)

Tambalang simuno at tambalang panaguri

67.

Lumuwas ng Maynila at naghanap ng trabaho sina Mario at Juan.

a)

Payak na simuno at payak na panaguri

b)

Payak na simuno at tambalang panaguri

c)

Tambalang simuno at payak na panaguri

d)

Tambalang simuno at tambalang panaguri

68.

Mahilig maglaro ng basketball ang magkakaibigan.

a)

Payak na simuno at payak na panaguri

b)

Payak na simuno at tambalang panaguri

c)

Tambalang simuno at payak na panaguri

d)

Tambalang simuno at tambalang panaguri

69.

Kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa.

a)

Payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

Langkapan

70.

Kayarian ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

71.

Kayarian ng pangungusap na may dalawang kaisipan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

72.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.

Malaki ang sakripisyo ng ating mga frontliner at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang iligtas ang buhay ng maraming tao.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

73.

Palagi kang manood ng balita at suriin mo nang mabuti ang mga impormasyong inilalahad.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

74.

Nagbigay ang pamahalaan ng ayuda maging ang mga foundations ay namahagi ng donasyon upang matulungan ang lahat ng nangangailangan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

75.

Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang mga kompanyang kanilang pinagtrabahuhan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

76.

Nakisakay sila sa isang delivery truck para lamang makauwi sa kanilang probinsya.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

77.

Umuwi sa Pilipinas ang maraming OFW na nawalan ng trabaho.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

78.

Nagluluto siya ng mga pagkain at ibinebenta niya ang mga ito online sapagkat gusto niyang makatulong.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

79.

Hahayaan ba nating lumala pa ang mga nangyayari o makikiisa tayo sa paglaban sa pandemyang ito?

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

80.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Ang biyaya ay kusang loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad."

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

langkapan