WorksheetsGLOBALISASYON
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Alin ang naglalarawan ng konsepto ng globalisasyon?
Malaya at malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala ng daigdig.
Mabilis na paggalaw ng tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa.
Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mgamamamayan sa buong mundo.
Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t-ibang direksyonna nararanasan ng iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Sa pahayag, ano ang nagsasaad ng dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon?
Pagdami ng taong walang trabaho
Sinisikap na mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto.
Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t-ibang panig ngmundo.
Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon sa pananalapi, at pagpapalaganap ngkalakalan.
Ang pahayan na “Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy at o paggalaw ng tao,bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa daigdig”, ay ayon kay?
Cuevas (2005)
Ritzer (2011)
Nayan Chanda (2007)
Therborn (2005)
Ang lubusang nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Ekonomiya
Migrasayon
Globalisasyon
Paggawa
Ayon kay Therbon (2005) siya ay naniniwalang ang globalisasy3on ay may ilang wave o panahon?
3
4
5
6
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami sa mgabansa ang gumamit ng sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa masmalawak na kalakalanginternasyunal at pamumuhunan. Anong sistemang pangekonomiya ito?
Sosyalismo
Kapitalismo
Komunismo
Globalisasyon
Isa ito sa lubos na naapektuhan dahil sa pag aangkat natin ng imported na produkto?
Ekonomiya
Migrasyon
Paggawa
Politika
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga tao.
Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mgamalalaking industriya
Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto atpaggawa sa bansa. Anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.
Mababa ang pagpasweldo at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mgaPilipino.
Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya medaling makasabay ang mgaPilipino sa mga serbisyong on-line.
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
