wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EKON REVIEWER_2NDQ

Total questions: 15

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

a)

 A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

b)

B. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer       ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

c)

 C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer      sa iba’t ibang halaga o presyo.

d)

D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.

2.

2. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

a)

 A. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer

b)

B. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo

c)

C. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo

d)

 D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer.

3.

3. Ang pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya o gawaing pangkabuhayan ng bawat mamamayan.

a)

A. Demand

b)

B. Supply       

c)

C. Produksyon

d)

D. Maykroekonomiks

4.

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na may demand sa pamilihan?

a)

A. Kapag gusto ng mga konsyumer o mamimili, kahit walang pambili.

b)

 B. Kapag gusto at kayang bilhin ng konsyumer o mamimili ang isang produkto.

c)

C. Kapag may pambili, subalit nagdadalawang isip na bumili ang konsyumer.

d)

D. Kapag nangangarap na magkaroon ng mga bagay o serbisyo ang konsyumer.

5.

5. Inilalarawan ito sa pamamagitan ng talaan kung saan maipapakita ang kayang bilhin o kayang tangkilikin ng isang konsyumer sa iba’t-ibang halaga.

a)

A. Maykroekonomiks

b)

B. Demand Function

c)

C. Demand Curve

d)

D. Demand Schedule

6.

6. Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng presyo ng isang produkto na kung saan taliwas o negatibo sa demand para sa isang produkto. Ano ang tawag sa konseptong ito?

a)

A. Normal Goods

b)

B. Complimentary Goods

c)

C. Substitute Goods

d)

D. Surplus Goods

7.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

7. Nagkaroon ng karagdagang sweldo si Roxanne dahil siya ay masipag na empleyado. Asahan na mas maraming produkto ang kaniyang mabibili.

a)

A. Kita

b)

B. Okasyon

c)

C. Panlasa

d)

D. Populasyon

8.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

8. Ibinalita kaninan sa 24 oras ng GMA na paparating na ang bagyo kaya naman si Mang Pedring ay kaagad bumili ng maraming pagkain sa Puregold.

a)

A. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

b)

B. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

c)

C. Dami ng mamimili

d)

D. Okasyon

9.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

9. Mas tinatangkilik ng mga kabataan ang crop top at skinny jeans kaysa sa bistidang duster, kaya naman nauubos agad ang paninda ni Dulce.

a)

A. Populasyon

b)

B. Panlasa

c)

C. Dami ng mamimili

d)

D. Okasyon

10.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

10. Tumataas ang demand sa Milk Tea dahil tumaas din ang bilang ng mga mag-aaral sa Pampanga High School.

a)

A. Populasyon

b)

B. Panlasa

c)

C. Dami ng mamimili

d)

D. Okasyon

11.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

11. Tumaas ang presyo ng gulaman kaya si Romel ay bumili nalang ng buko juice.

a)

A. Populasyon

b)

B. Panlasa

c)

C. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

d)

D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

12.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

12. Dahil sa impluwensiya ng mga Korean sa mga Pilipino marami ang demand sa mga produktong galing sa South Korea tulad ng: beauty products, pagkain, damit, at marami pang iba..

a)

A. Okasyon

b)

B. Dami ng mamimili

c)

C. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

d)

D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

13.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.

13. Sa pagtaas ng sahod ni Marites ay mas lalong dumami ang kanyang pagbili ng groceries at nagdagdag ng mga gadgets para sa kanyang mga anak.

a)

A. Okasyon

b)

B. Kita

c)

C. Populasyon

d)

D. Panlasa

14.

14. Alin sa mga mga sumusunod ang naglalarawan sa konsepto ng supply?

a)

A. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

b)

B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong ibinibenta sa pamilihan na ang nagtatakda ay presyo.

c)

C. Ito ay tumutukoy sa dami ng handa at kayang gawin na produkto at serbisyo sa itinakdang presyo sa isang takdang panahon.

d)

D. Ito ay tumutukoy sa mga prodyuser na gumagawa ng mga produkto para iangkat sa ibang bansa upang sumikat ang kanilang produkto.

15.

15. Hindi muna ibinenta ni Aling Nery ang kaniyang panindang bawang ngayon sa pag- aakalang tataas pa ang presyo nito sa susunod na linggo. Anong salik ang nakakaapekto sa supply?

a)

        A. Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda.

b)

B. Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto.

c)

C. Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon.

d)

D. Ekspektasyon ng presyo