Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP6 (Q4) FINAL

Total questions: 25

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pagpapadala at pagtanggap ng isang bansa ng mga kinatawan, katulad ng mga diplomat at embahador, sa mga bansang kaugnay nito.

a)

Karapatan sa Pakikipag-ugnayan

b)

Karapatan sa Pantay na Pagkilala

c)

Karapatan sa Pagmamay-ari

2.

Ito ang karapatan sa pagsasarili ng isang malayang bansa ang tungkulin na hindi manghimasok o makialam sa pangangasiwa at mga gawain ng ibang mga bansa.

a)

Karapatan sa Pagsasarili

b)

Karapatan sa Pamamahala

c)

Karapatan sa Pagtanggol ng Kalayaan

3.

Ito ay isa sa mga karapatan na hindi magbabago kahit pa magkakaiba ang kaunlaran ng ekonomiya, laki ng teritoryo, dami ng populasyon, at lakas ng kapangyarihan ng mga bansa.

a)

Karapatan sa Pakikipag-ugnayan

b)

Karapatan sa Pantay na Pagkilala

c)

Karapatan sa Pagtanggol ng Kalayaan

4.

Ito ang karapatan ng isang malayang bansa na pumili, magtayo, at magpatakbo ng sariling pamahalaan.

a)

Karapatan sa Pagtanggol ng Kalayaan

b)

Karapatan sa Pagsasarili

c)

Karapatan sa Pamamahala

5.

Ang karapatan sa _____________ ay sumasakop sa teritoryo at ang nilalaman ng teritoryo ng bansa.

a)

Karapatan sa Pamamahala

b)

Karapatan sa Pagmamay-ari

c)

Karapatan sa Pantay na Pagkilala

6.

Ito ay ang karapatan ng isang malayang bansa na ipagtanggol ang kalayaan nito mula sa pananakop o panghihimasok ng ibang bansa.

a)

Karapatan sa Pakikipag-ugnayan

b)

Karapatan sa Pagtanggol ng Kalayaan

c)

Karapatan sa Pantay na Pagkilala

7.

Kapag nirerespeto ng ibang bansa ang soberanya ng isang bansa, hindi nila sasakupin ang teritoryo nito o pagsasamantalahan ang likas na yaman na matatagpuan dito. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Inirerespeto ng mga bansa ang soberanya ng isa't isa upang maprotektahan din ang kani-kanilang mga teritoryo at mga likas na yaman.

b)

Hinihintay ng isang bansa na sakupin ang teritoryo nila upang magawa rin nila ito sa iba pang mga bansa.

c)

Kaysa magkuhanan ng likas na yaman ang mga bansa, mas mainam na teritoryo na lamang ang sakupin.

d)

Hindi pa matatawag na bansa ang isang bansa kapag hindi pa masukat ang kabuuang likas na yaman nito.

8.

Kinikilala ng ibang bansa ang panlabas na soberanya ng isang estado kapag napatunayan nito na mayroon itong panloob na soberanya. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Kailangang pag-usapan muna ng ibang mga bansa kung kikilalanin ang soberanya ng isang bansa

b)

Nakabatay sa tingin ng ibang bansa ang kalayaan ng ibang bansa

c)

Ang ibang bansa ang nagpapasya kung may soberanya ang isang bansa

d)

Ang isang paraan ng pagpapakita ng kasarinlan ng bansa ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakayahan ng bansa na mamuno sa sarili nitong teritoryo

9.

Ang panlabas na soberanya ay tumutukoy sa kalayaan o kasarinlan ng isang bansa. Kailan kinilala ng mundo ang panlabas na soberanya ng Pilipinas?

a)

Hulyo 4, 1946

b)

Hulyo 5, 1946

c)

Hulyo 6, 1946

d)

Hulyo 7, 1946

10.

Paano magkaugnay ang panloob at panlabas na soberanya?

a)

Depende sa mga bansa ang pagkakaugnay ang dalawang aspekto ng soberanya

b)

Pareho lamang ang panloon at panlabas na soberanya

c)

Mahalaga ang panlabas na soberanya sa pagpapanatili ng panloob na soberanya

11.

Bakit mahalaga ang panlabas na soberanya sa kapayapaan sa daigdig?

a)

Dahil ang pagkilala sa panlabas na soberanya ay maaaring magdulot ng pakikipagtulungan sa ibang bansa

b)

Dahil ang pagkilala sa panlabas na soberanya ay nagdudulot ng takot sa isang bansa na makipag-away sa ibang bansa

12.

Bakit mahalaga ang panloob na soberanya sa kaunlaran ng bansa?

a)

Dahil ang mga bansang may kakayahan lamang na magpaunlad ang maaaring makakamit ng soberanya

b)

Dahil ang kalayaang dulot ng soberanya ay siguradong magdudulot ng kaunlaran

c)

Dahil hindi masasabing maunlad ang bansa kapag nasa ilalim ito ng ibang bansa

d)

Dahil mapaplano ng bansa ang tamang paggamit ng kalupaan, katubigan, at likas na yaman nito

13.

Paano napapanatili ng pagkakaroon ng panloob na soberanya ang kaayusan ng bansa?

a)

Sumusunod ang mga tao sa mga namumuno sa bansa kapag may panloob na soberanya

b)

Magagamit ng bansa ang dahas upang pilitin ang mga mamamayan na sumunod kapag may panloob na soberanya

c)

Maiiwasan ang mga dayuhan na mananakop kapag may panloob na soberanya

14.

Bahagi ng aling aspekto ng soberanya ang karapatan ng isang bansa na pumili ng pamahalaan at magpatupad ng batas?

a)

Soberanyang de jure

b)

Soberanyang legal

c)

Soberanyang popular

d)

Panloob na soberanya

15.

Bahagi ng aling aspekto ng soberanya ang karapatan ng isang bansa na pumili ng pamahalaan at magpatupad ng batas?

a)

Panloob na soberanya

b)

Soberanyang popular

c)

Soberanyang legal

d)

Soberanyang de jure

16.

Anong aspekto ng soberanya ang tumutukoy sa kasarinlan ng isang bansa?

a)

Soberanyang de jure

b)

Soberanyang titular

c)

Soberanyang tunay

d)

Panlabas na soberanya

17.

Ang magpasya sa paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nito ay nakapaloob sa Soberanyang Panloob

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang pagdaraos ng halalan at pagbibilang ng boto ay isang halimbawa ng Soberanyang Panlabas.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ang pagpapadala ng mga Pilipinong sundalo sa Congo bilang pakikiisa sa UN ay isang halimbawa ng Soberanyang Panlabas.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Tungkulin ng ating Philippine Coast Guard na protektahan at pangalagaan ang Sabah na sinasabing pagmamay-ari ng Pilipinas, ito ay isang halimbawa ng Soberanyang Panloob

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang pagsali sa mga paligsahan sa sports tulad ng Asian Games ay nakapaloob sa ating Soberanyang Panlabas

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ibigay ang limang katangian ng Soberanya. (5pts)

4 lines
23.

Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng isang malayang bansa?(6pts)

4 lines
24.

Ano ang panloob na soberanya o “internal sovereignty” (10pts)

4 lines
25.

Ano ang panlabas na soberanya o "external sovereignty" (10pts)

4 lines