Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-Week 6 (Escuro)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Saknong 259

"Humihinging tulong at nasa pangamba,

ang Krotonang reyno'y kubkob ng kabaka;

ang puno sa hukbo'y balita ng sigla

Heneral Osmalik na bayaning Persya.”

Ang naglalahad ay punumpuno ng...

a)

pag-ibig

b)

pag-asa

c)

pag-alala

d)

pananalig

2.

Saknong 291

"Dito ko natikman ang lalong hinagpis,

higit sa dalitang naunang tiniis:

at binulaan ko ang lahat ng sakit

kung sa kahirapang mula sa pag-ibig.”

Si Florante ay nagpakita ng...

 

a)

pagkamuhi dahil sa pagkabigo

b)

pananamlay dahil sa sakit

c)

pagkainis dahil sa pag-ibig

d)

pagtitiis alang-alang sa pag ibig

3.

Saknong 307

"Sinalubong kami ng haring dakila,

kasama ang buong baying natimawa,

ang pasasalamat ay di maapula

sa di magkawastong nagpupuring dila.”

Ang hari ay nagpakita ng...

 

a)

pagtanaw ng utang na loob

b)

pagkadismaya sa pagkatalo

c)

pagkabalisa sa pangyayari

d)

pagkaawa sa buong bayan

4.

Saknong 318

"Isang binibini ang gapos na taglay

na sa ramdam nami'y tangkang pupugutan:

ang puso ko'y lalong naipit ng lumbay

sa gunitang baka si Laura kong buhay.”

 

Si Florante ay nakaramdam ng...

a)

galit sa mga gerero

b)

galit dahil sumama si Laura sa mga gerero

c)

takot na baka siya ay hulihin

d)

takot na baka ang babaeng nahuli ay si Laura

5.

Saknong 326

"Labis ang ligayang kinamtan ng hari

at ng natimawang kamahalang pili

si Adolfo lamang ang nagdalamhati

sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.

 

Sa nangyari, si Adolfo ay nakaramdam ng ....

a)

pagkatakot kay Florante

b)

pagkamuhi kay Florante

c)

pagkainis dahil sa matinding elos kay Florante

d)

pagkalungkot dahil nagtagumpay si Florante

6.

SAKNONG 260

"Ayon sa balita'y pangalawa ito

ng prinsipé niyang bantog sa sangmúndó

Alading kilabot ng mga gerero,

iyong kababayang hinahangaan ko."

 Ang naglalahad ay punumpuno ng....

 

a)

pagdududa

b)

inggit

c)

paghanga

d)

inis

7.

SAKNONG 261

Dito'y napangiti ang Morong kausap,

sa nagsasalita'y tumugong banayad, aniya'y

"Bihirang balita'y magtapát,

kung magtotoo ma'y marami ang dagdag

 

Ang Moro ay nagpakita ng...

a)

pagkabilib sa sarili

b)

pagkagulat

c)

pagtatampo

d)

pagiging mapagkumbaba

8.

SAKNONG 264

"Sagot ni Florante, "Huwag ding maparis

ang gererong bantóg sa palad kong amis.

at sa kaaway ma'y di ko ninanais

ang laki ng dusang aking napagsapit."

Si Florante ay nagpakita ng...

 

a)

pagmamalasakit sa kapwa       

b)

pagkamohi sa sarili

c)

matinding takot                          

d)

kagustuhang makapaghiganti

9.

SAKNONG 276

"Tuwang pangalawa kung hindi man

langit ang itinatapon ng mahinhing titig;

O, ang luwalhating bukó ng iniibig.

pain ni Kupidong walang makarakip.” 

Si Florante ay nakaramdam ng…

 

a)

labis na pagkamuhi kay Laura

b)

labis na pagmamahal kay Laura

c)

matinding pag-aalala para kay Laura

d)

matinding selos

10.

SAKNONG 322

"Aking dali-daling kinalag sa kamay

ang lubid na walang awa at pitagan;

mga daliri ko'y naaalang-alang

madampi sa balát na kagalang-galang.”

Si Florante ay nakaramdam ng…

 

a)

matinding galit kay Laura habang kinakalagan sa pagkakatali.

b)

ibayong lakas upang makalag sa pagkakatali si Laura at masagip.

c)

pagkainip dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita ni Laura.

d)

pagkatakot dahil baka hindi na niya masagip si Laura.