NEW
Font size
WorksheetsPAMBANSANG KAUNLARAN
Total questions: 25
Worksheet time: 9mins
Ayon sa ________________, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas na pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa pagsulong
FELICIANO R. FAJARDO
MICHAEL P. TODARO
MERRIAM WEBSTER DICTIONARY
STEPHEN C. SMITH
Ayon sa aklat ni __________________ na Economic Development 1994 , ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso at ang pagsulong ay bunga ng prosesong ito, samakatuwid ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad
FELICIANO R. FAJARDO
MICHAEL P. TODARO
MERRIAM WEBSTER
STEPHEN C. SMITH
May dalawang magkaibang konsepto na pag-unlad, ang __________ na pananaw ay binigyang-diin na ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang kanyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.
Makabago
Tradisyunal
Progresibo
Regresibo
Ayon sa _____________ na pananaw , isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.Dapat na ituon ang pansin sa iba't-ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao.
Tradisyunal
Makabago
Progresibo
Regresibo
Si _______________ang nagpaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiyang ito.Upang matamo ito, mahAlagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay.
Feliciano R. Fajardo
Michael P. Todaro
Stephen C. Smith
Amartya Sen
Ang yamang-tubig, lupa, kagubatan at mineral ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya.
Yamang-Tao
Likas na Yaman
Kapital
Teknolohiya at Inobasyon
Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
Yamang Tao
Likas na Yaman
Kapital
Teknolohiya at Inobasyon
Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang __________. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa.
Yamang Tao
Likas na Yaman
Kapital
Teknolohiya at Inobasyon
Sinasabing lubhang mahalaga ang_______ sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong nito tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
Yamang-Tao
Likas na Yaman
Kapital
Teknolohiya at Inobasyon
Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Multidimensional Poverty Index
Human Development Index
Gender Inequality Index)
Inequality-adjusted HDI)
Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
Gender Development Index
Inequality-adjusted HDI
Multidimensional Poverty Index
Human Development Index
Ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae.
Inequality-adjusted HDI
Multidimensional
Poverty Index
Gender Development Index
Human Development Index
Ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa.
Inequality-adjusted HDI
Multidimensional Poverty Index
Gender Development Index
Human Development Index
Iba’t iba ang mga palatandaan na ginagamit upang masukat ang pag-unlad ng isang bansa.
TAMA
MALI
Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Dahil sinusukat nito ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon.
TAMA
MALI
Hindi sapat ang mga Numero, makabagong teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa sapagkat kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng mga tao.
TAMA
MALI
Ayon kay Michael P. Todaro ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.
TAMA
MALI
Ayon kay Feliciano Fajardo ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawassa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.
TAMA
MALI
Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
TAMA
MALI
Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, hindi ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan.
TAMA
MALI
Sa aspekto ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda.
TAMA
MALI
Itinakda ang 21 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO.
TAMA
MALI
Sa aspekto ng antas ng pamumuhay, ito ay nasusukat gamit ang gross national income per capita.
TAMA
MALI
Ang Human Development Index ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito.
TAMA
MALI
Ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito.
TAMA
MALI
