WorksheetsFILIPINO 4 FINAL REVIEW TEST
Total questions: 90
Worksheet time: 51mins
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pautos na gamit ng pangungusap?
Pakiabot naman ang aking charger na nasa mesa.
Sige, patuluyin mo na rito ang iyong mga kaibigan.
Doon tayo sa may kanto sasakay ng dyip.
Marami akong natutuhan sa Life Class kahapon.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng patanong na gamit ng pangungusap?
Kumusta na kaya si Yuki?
Maaari bang bilhan mo ako ng chocolate chip?
Puwede bang pakikuha ang sandok sa kusina?
Maaari bang kausapin mo si Maya para sa akin?
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pasalaysay na gamit ng pangungusap?
Lutuin mo nga ang daing at tinapa para sa ating almusal.
Makisuyo naman akong ihatid mo ito kay Letisha.
Huwag na huwag mong sasaktan ang damdamin niya.
Ang sipag at tiyaga ay magdadala sa iyo sa tagumpay.
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Bilisan mo! May ahas ata rito sa kinatatayuan ko.
Pautos
Padamdam
Pakiusap
Pasalaysay
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Huwag kang manood ng mga palabas na hindi kaaya-aya para sa iyong edad.
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Nagkainitan ang magkaibigan dahil sa maling impormasyon na ibinalita sa kanila.
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Ano ba ang kulay na magko-complement sa kulay lila?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.
Iyan talagang si Buknoy, sakit sa ulo!
Tulong! May sunog.
Aray! Napaso ako.
Huwag mo akong iwan.
Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.
Ano ba talaga ang nais mong sabihin?
Puwede bang unawain mo pa ako?
Nahihirapan ka na ba?
Saan mo nakita ang damit kong ito?
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng padamdam na gamit ng pangungusap?
Pakiusap, umalis ka na.
Tigilan mo na ang pang-aasar, Jacob.
Aba! Mukhang nanalo ka ata sa lotto. Ang dami mong pinamili.
Kakayanin mo iyan.
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Maaari bang tulungan mo ako sa asignatura natin sa Matematika?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Tunay na mahusay ang batang iyan! Kaya nga ako humahanga sa kanya.
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Maganda ang mag-ipon para sa iyong kinabukasan.
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):
Kumuha ka nga ng yelo sa ating ref.
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Pakiusap
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ako ay nanguha ng mga kabibe sa dalampasigan.
karaniwan
di-karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang bag na binigay sa akin ay mula sa balat ng buwaya.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang kailangan natin ay pag-ibig.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ang pagmamahal sa bayan ay pagmamahal din sa Diyos.
karaniwan
di- karaniwan
Ano ang ayos ng pangungusap?
Bakit mahal mo ang iyong bayan?
karaniwan
di- karaniwan
Gawing di-karaniwan ang pangungusap sa ibaba.
Magigiting ang mga sundalo sa Mindanao.
Ang mga sundalo sa Mindanao ay magigiting.
Magigiting ang mga sundalo.
Sa Mindanao, magigiting ang mga sundalo.
Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?
Madalas bumabagyo sa Pilipinas tuwing Hulyo.
Sinususpinde ang klase kapag may bagyo.
Barado ang mga kanal.
Ang mga basura ay nagkalat sa mga kalsada.
Alin ang pangungusap na di- karaniwan ang ayos?
Mahal ko ang Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang mainit na lugar.
Maraming magandang pasyalan sa Pilipinas.
Dapat nating libutin ang magagandang lugar sa Pilipinas.
Ano ang ayos ng pangungusap?
Ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino.
karaniwan
di- karaniwan
Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Pangungusap na binubuo ng dalawang kaisipan. Pinag-uugnay ng mga pangatnig.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Pangungusap na nagpapahayag ng iisang kaisipan lamang.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Ang Pangulo ay umakyat sa entablado upang magbigay ng talumpati.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Iligpit na ninyo ang inyong mga laruan bago dumating sina Nanay at Tatay.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Magaling tumugtog ng piyano si Jenny at ang kanyang Ate ay mahusay umawit.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Pinatunayan ni Loraine na karapat-dapat siyang maging pinuno ng kanilang miyembro
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Papaliguan namin ang aso o didiligan namin ang halaman?
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Ako ang susundo sa iyo sa paaralan kapag may pupuntahan si Nanay.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Kilalanin ang uri ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
*Mahilig mag-alaga ng iba't-ibang hayop ang aking kapatid
Payak
Tambalan
Hugnayan
Sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020
KATOTOHANAN
OPINYON
Halos buong mundo ang naapektuhan ng COVID-19
KATOTOHANAN
OPINYON
Sa aking palagay, matatagalan pa bago lubusang mawala ang COVID-19 sa bansa.
KATOTOHANAN
OPINYON
Naniniwala ako na may siyam na buhay ang pusa.
KATOTOHANAN
OPINYON
Para sa akin litson ang pinakamasarap na pagkain.
KATOTOHANAN
OPINYON
Kailangan ng tao ang pagkain para mabuhay.
KATOTOHANAN
OPINYON
Ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
KATOTOHANAN
OPINYON
Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.
KATOTOHANAN
OPINYON
Ang mga bata at mga senior citizen ay bawal lumabas ng bahay kapag may ECQ.
KATOTOHANAN
OPINYON
Mas nakatatakot ang sumakay sa eroplano kaysa barko.
KATOTOHANAN
OPINYON
Magaling umawit si nanay ______ mahusay naman sumayaw si tatay.
o
dahil
kaya
at
Nagising si Linda ______ tumilaok ang manok.
nang
kung
subalit
upang
Pagod na si Caloy______ hindi siya makatulog.
ngunit
habang
kung
kapag
Uuwi tayo _____ tumigil na ang ulan.
ngunit
at
nang
kapag
Hindi ka kasi natutulog nang maaga ______ lagi kang puyat.
dahil
kaya
kung
habang
Lapis, pambura ____ pantasa lang ang kailangan kong dalhin.
o
kaya
at
dahil
Alin ang mas mahal, ang iPhone _____ Android?
at
kung
o
nang
Marami ang kakainin ko ______ hindi ako magutom sa byahe.
sapagkat
subalit
dahil
upang
Bumili na tayo ng mga kandila at flashlight _____ may paparating na bagyo.
kaya
dahil
ngunit
kung
Ako ang titingin sa _____ nagmamaneho ka.
habang
ngunit
kaya
nang
Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (a) maiwasan masira ang ngipin.
(a) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya maglaro.
Tumatawag ako sa bahay (a) walang sumasagot.
Kumakanta sila (a) itinataas ang watawat.
Titigil na siya sa pag-iyak (a) bibigyan mo siya ng pagkain.
Tukuyin ang PANDIWA sa pangungusap.
Si Ana ay mabilis na nagtungo sa paaralan.
Ana
mabilis
nagtungo
paaralan
Anong aspekto ng pandiwa ang salitang UMAWIT?
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
kakatapos lang
Tukuyin ang PANDIWA sa pangungusap.
Mag-aaral akong mabuti para sa exam.
exam
darating
mabuti
Mag-aaral
Ang pandiwang kumikilos ay nasa anong aspekto?
imperpektibo
kontemplatibo
perpetibo
Anong aspekto ng pandiwa ang tumutukoy sa kilos na pangnakaraan at natapos na?
kontemplatibo
imperkpektibo
perpektibo
Tukuyin ang Aspekto ng pandiwa ng salitang nakakulay pula.
Masarap ang kinain kong adobo kanina.
kontempladibo
imperpektibo
perpektibo
Tukuyin ang Aspekto ng pandiwa ng salitang nakakulay pula.
Pupunta kami ni Phan-phan sa simbahan.
perpektibo
imperpektibo
kontempladibo
Tukuyin ang Aspekto ng pandiwa ng salitang nakakulay pula.
Sumasayaw sa entablado sina Beauty at Pretty.
perpektibo
imperpektibo
kontempladibo
Tukuyin ang Aspekto ng pandiwa ng salitang nakakulay pula.
Sinundo ni Leo si Chelzky sa paaralan.
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Tukuyin ang Aspekto ng pandiwa ng salitang nakakulay pula.
Ang pangalan ng mga nanalo sa paligsahan ay tinatawag na.
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang Pandiwa ay salitang nagsasaad ng (a) .
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang aspektong (a) ay pandiwang magaganap palang o gaganapin palang.
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang aspektong (a) ay pandiwang naganap na, natapos na o katatapos palang.
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang aspektong (a) ay pandiwang nagaganap o kasalukuyang ginagawa ang kilos.
Kumpletuhin ang pangungusap.
Si Dr. Jose Rizal ay (a) noong Disyembre 30, 1896.
Tukuyin ang wastong pang-angkop na bubuo sa parirala.
Isulat ang (g, ng, na).
madali (a) mahanap
katamtaman (a) temperatura
malinamnam (a) pagkain
inosente (a) bata
mayaman (a) negosyante
bago (a) impormasyon
madali (a) mahanap
mahusay (a) mananayaw
libre (a) gamot
ulan (a) malakas
napakaingay (a) hayop
tahimik (a) bayan
salbahe (a) bata
sinigang (a) maasim
balon (a) malalim
