wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Quiz 2

Total questions: 10

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Bagaman malayo ang Amerika sa kontinente ng Europa, naramdaman pa rin nito ang epekto ng Seven Year's War sa pagitan ng England at France. Paano?

a)

Humingi ng tulong ang England mula sa mga Amerikano

b)

Nagpadala ng pwersang pantulong ang mga Amerikano sa France

c)

Siningil ng dagdag na buwis ng mga Ingles ang mga Amerikano

d)

Siningil ng France ang mga Amerikano bilang pambayad sa war damages

2.

Alin sa sumusunod ang naging pangunahing dahilan ng rebolusyon sa France?

a)

Pananatiling pasan ng Third Estate ang gastusin ng buong kaharian

b)

Pagsabi ni Marie Antoinette ng "Let them eat cakes"

c)

Patuloy na pakikidigma ng France laban sa Espanya

d)

Pamumuno ng mga Jacobin na naniniwala sa Republika

3.

Paano nakaimpluwensiya sa Latin Amerika ang rebolusyon sa France?

a)

Umabot sa Latin Amerika ang Les Miserables ni Victor Hugo at na-inspire

b)

Lumipat ang ilang Pranses sa Latin Amerika at ipinakalat ang liberty, fraternity at equality

c)

Natutunan nila ang Napoleonic code nang masakop sila ni Bonaparte

d)

Nakapaglakbay ang mga creoles sa Europa at nalaman ang tungkol sa rebolusyon

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong konklusyon tungkol sa mga rebolusyong pulitikal at panlipunan?

a)

Kailangan ng mas malakas na pwersang militar upang manalo

b)

Malaki ang papel ng middle class sa pagtatagumpay ng rebolusyon

c)

Mahalaga ang tulong ng ibang bansa upang manalo (e.g.: France sa America)

d)

Pare-pareho ang kalagayan at dahilan ng mga rebolusyon

5.

Paano maiuugnay ang enlightenment sa nangyaring mga rebolusyon?

a)

Itinuro ng enlightenment ang mga pagkakamali ng Simbahan

b)

Sinimulan nito ang pilosopiya ng indibidwalismo at kapitalismo

c)

Binuksan ang usapin tungkol sa kontrata sa pagitan ng pamahalaan at tao

d)

Nagsimula ang pag-aaral at pagpuna sa mga pag-aaral sa agham

6.

Paano tinugunan ng enclosure movement ang problema sa agricultural production sa England?

a)

Nabigyan ng incentive ang mga may-ari ng lupa na pagbutihin ang produksyon

b)

Tumaas ang produksyon dahil wala nang nababakanteng lupa sa isang taon.

c)

Napabilis ang pag-aani dahil sa mga bagong teknolohiya at imbensyon

d)

Pagbilis ng produksyon dahil sa dagdag na mga tauhan

7.

Paano nakatulong ang patent system sa industriyalisasyon sa England?

a)

Nabigyan ng insentibo ang mga imbentor na mag-innovate ng teknolohiya

b)

Dumami ang mga imbensyong nakatulong sa industriyalisasyon

c)

Napigilan nito ang 'Tragedy of the Commons"

d)

Higit na naging madali ang pagdala ng mga produkto at raw materials

8.

Ano ang naging papel ng mga kolonya sa pagsisimula ng Industriyalisasyon?

a)

Nagsilbing source ng raw materials at market ng produkto

b)

Nabawasan ang populasyon dahil lumilipat sa mga kolonya

c)

Nagsilbing pagawaan ng mga pinal na produkto

d)

Nagpapadala ng ginto at silver sa Mother country

9.

Paano ginamit ng mga mananakop ang teorya ni Charles Darwin?

a)

Sinabi nilang mayroong hirarkiya sa pagitan ng mga lahi

b)

Ipinakita nilang may mga bansang natural na mas makapangyarihan

c)

Kinailangang turuan ang mga nasakop upang umunlad sila

d)

Natural lamang ang pananakop dahil sa survival of the fittest

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng imperyalismo sa Africa?

a)

Paghahati-hati sa Africa upang makontrol ang gitno

b)

Pagkakaroon ng social class gaya ng Mulatto at Mestizo

c)

Pagbawas ng populasyon dahil sa Slave Trade

d)

Pagbubukas ng modernisasyon sa mga bansa sa Gitnang Africa