Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE ASSESSMENT #1 AP

Total questions: 30

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Nagsimula ang Unang Digmaang Opyo dahil pagpapasabog ng Tsina sa barko ng Britantay na may dalang Opyo. 

a)

True

b)

False

2.

Nabuksan ng Estados Unidos ang Japan sa pamamagitan ng Kasunduan sa Kanagawa.

a)

True

b)

False

3.

Hindi tinanggap ng mga shogun ng Japan  ang mensaheng dala ng mga Amerikano mula sa Pangulo ng Estados Unidos.

a)

True

b)

False

4.

 Halos magkaparehas lamang ang sistemang naganap sa Tsina at Japan sa kamay ng mga bansang Kanluranin.

a)

True

b)

False

5.

Pumunta ang mga Olandes sa Tsina at nakipagkita kay Chien Lung upang makipagkalakalan.

a)

True

b)

False

6.

Maraming mga Tsino ang naging maayos ang buhay matapos nilang gumamit ng tabako na may opyo na produkto ng mga British.

a)

True

b)

False

7.

Nakisalamuha si Kang Hsi sa kanyang nasasakupan upang malaman kung paano nakikisalamuha sa kanila ang  kanyang mga opisyales.

a)

True

b)

False

8.

 Sa pamamagitan ng kasunduan sa Tientsin, lalo pang naging patago o illegal ang pagbebenta ng tabako na may opyo.

a)

True

b)

False

9.

 Ang kolonyalismo sa Timog silangang Asya ay nagdala ng pagbabago sa ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon ngunit nagpayaman lamang sa mga  dayuhang negosyante at hindi ng mga lokal na mamamayan

a)

True

b)

False

10.

Sa sistemang panlipunan ng East Indies na pinamumunuan ng mga Olandes, itinuturing na pinakamataas ang mga ordinaryong mamamayang Indones na mismong naninirahan sa bansa.

a)

True

b)

False

11.

 Tawag sa pagtitirintas ng buhok ng mga Tsino sa ilalim ng dinastiyang Manchu bilang tanda ng pagpapasailalim sa kanilang kapangyarihan.

(a)  

12.

Samahan ng mga mangangalakal na Tsino na siyang nagtatalaga ng buwis sa anumang kalakal na iniluluwas at iniaangkat ng bansa.

(a)  

13.

Patakarang ipinatupad ng Estados Unidos na kung saan ang bansang Tsina ay bukas sa  lahat ng mga bansa sa buong daigdig upang makipagkalakalan.

(a)  

14.

 Tawag sa tradisyong Tsino na tumutukoy sa pagluhod sa harap ng emperador at pagyukod na dumadaiti ang noo sa sahig nang siyam na ulit.

(a)  

15.

 Sa ilalim ng sistemang ito, ang mga magsasakang Indones ay kinakailangang magbayad ng buwis sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng cash crops na iluluwas o ieeksport ng ibang bansa.

(a)  

16.

 Kauna-unahang himpilang pangkalakalan na binuksan ng Tsina sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhan.

(a)  

17.

Isa ito sa layunin ng mga Amerikano sa pagpunta sa Japan na base sa paniniwalang sila ang itinakda ng Maykapal upang magpalawak ng walang hanggang lupain o bansa.

(a)  

18.

Sa pamamagitan ng patakarang ito ni Kang Hsi, ang pagpapalitan ng mga opisyal ay ipinatupad upang maiwasan ang maaaring pagtatalaga ng mga tagapanalig ng sinumang opisyal.

(a)  

19.

Tanging bansa sa Timog-silangang Asya na hindi naging kolonya ng mga bansang Kanluranin na itinuturing na neutral zone o buffer state.

(a)  

20.

Ito ay isang uri ng halamang gamot na kapag inabuso ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa katawan.

(a)  

21.

Alin sa sumusunod na kasunduan natapos ang Ikalawang Digmaang Opyo?

a)

Kasunduan sa Shimonoseki

b)

Kasunduan sa Geneva

c)

Kasunduan sa Tientsin 

d)

Kasunduan sa Paris

22.

Ano ang naging dahilan kung bakit tumanggi si Chien Lung na makipagkalakalan sa mga British?

a)

Hindi natuwa si Chien Lung sa paraan ng pakikipag-usap ng mga British.

b)

Pinatay ng mga British ang ilang kawal na Tsino sa kanilang pagpasok ng bansa.

c)

Hindi sila nagkasundo sa buwis na ibabayad ng mga British sa bansang Tsina.

d)

Tumanggi sila na magsagawa ng kowtow.

23.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa nilalaman ng Kasunduan sa Nanking sa pagitan ng Tsino at Briton?

a)

Nadagdagan ang iba pang himpilang pangkalakalan sa bansang Tsina.

b)

Isinuko ng Tsina ang Hongkong sa Britanya.

c)

Pinaalis ang co-hong sa mga himpilang pangkalakalan.

d)

Pinalayas at ipinapatay ang mga Kristiyano na naninirahan sa Tsina.

24.

Sa ilalim ng culture system, paano magbabayad ng buwis ang mga mamamayang hindi nagmamay-ari ng lupain?

a)

Sila’y sapilitang pinagtatrabaho sa lupaing sakahan na pagmamay-ari ng pamahalaan sa loob ng 66 araw.

b)

Ikinukulong at ipinapapatay sila kapag hindi sila nakabayad sa takdang oras. Ikinukulong at pinapatay sila kapag hindi nakabayad sa takdang oras.

c)

Sila ay ipinagbebenta bilang mga alipin.

d)

Sapilitang silang pinagtatrabaho sa mga pabrika upang makatugon sa industriya ng mga British.

25.

Bakit ipinatupad ng Estados Unidos ang “open door poilcy”?

a)

Upang walang sinumang dayuhan ang maaaring makapasok sa bansa.

b)

Hamakin ang mga Tsino at tuluyang maalis ang paniniwalang sila ang Middle Kingdom.

c)

Buksan sa kalakalan ang Tsina sa buong daigdig.

d)

Para tuluyang maghirap ang mga Tsino.

26.

Matapos ang napakahabang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, maging ang mga madugong labanan na naganap sa pagitan ng mga mamamayan at kolonyalista, ano ang positibong epekto nito sa mga Asyano?

a)

Namulat ang mga Asyano sa kanilang karapatan bilang isang indibidwal na tinatamasa nila hanggang sa kasalukuyan at marami sa mga bansa sa Asya ay nagbibigay halaga sa karapatang pantao ng bawat isa.

b)

Maraming mga Asyano ang patuloy na naghirap at nagkaroon ng depresyon sa naranasang pang-aabuso ng mga dayuhan.

c)

Natuto ang mga Asyano na magkanya-kanya at baliwalain ang kapakanan ng ibang tao

d)

Walang naging positibong dulot ang kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.

27.

Sino ang Reyna ng Britain na sinulatan ng emperador ng Tsina patungkol sa suliranin ng bansa dulot ng pagpupuslit ng mga British ng opyo sa tabako?

a)

Reyna Inglatera 

b)

Reyna Victoria

c)

Reyna Victorina

d)

Reyna Elizabeth

28.

Alin sa mga sumusunod ang kaagad na ginawa ni Kang Hsi matapos siyang mailuklok bilang emperador ng Pamahalaang Manchu?

a)

Ipinapatay niya ang lahat ng mga dating opisyales ng pamahalaan.

b)

Binawasan niya ang taunang badyet ng pamahalaan upang mapababa ang buwis na binabayaran ng kanyang mamamayan.

c)

Pinatalsik niya sa pwesto ang mga kapanalig ng dating emperador.

d)

Nagpagawa siya ng mga temple na magsisilbi niyang pahingahan.

29.

Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang nagpasuko sa mga Kastila ng bansang Pilipinas sa mga Amerikano at ipinagbili ito sa halagang 20 milyong dolyar?

a)

Kasunduan sa Paris 

b)

Kasunduan sa Nanking

c)

Kasunduan sa Geneva

d)

Kasunduan sa Kanagawa

30.

Alin sa mga sumusunod na sistema na pinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas ang tumutukoy sa agtatag ng mga munisipyo, lungsod at lalawigan?

a)

Sistemang Reduccion

b)

Polo y Servicio

c)

Sistemang Encomienda

d)

Rebolusyonaryo