WorksheetsSUMMATIVE TEST #2 - Q4
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong nang-abuso sa mga karapatan mo?
CHR
korte
militar
pulis
Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang pantao ng mga mamamayan?
Tuparin ang mga ito
I-respeto ang mga ito
Angkinin ang mga ito
Proteksiyonan ang mga ito
Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas ay ang:
Supreme Court
Department of Justice
Philippine National Police
Commission on Human Rights
Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin dahil:
ito ay nakatadhana sa Saligang Batas
ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa
sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala
Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang-Batas ng 1987?
ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan
nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan
ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.
nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong Estado.
Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:
kalayaan sa relihiyon
karapatan sa minimum wage
karapatan sa wastong kabayaran
malayang pagdulog sa mga hukuman
Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:
natural rights
government rights
constitutional rights
statutory rights
Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights )?
Artikulo II
Artikulo III
Artikulo IV
Artikulo V
Dahil sa kalagayang pinansiyal ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga magulang. Bukod pa rito, siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
karapatan sa edukasyon
kalayaan mula sa pang-aalipin
kalayaan mula sa diskriminasyon
karapatan sa pamamahinga at paglilibang
Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
karapatan sa buhay
kalayaan mula sa pagpapahirap
kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis
Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng ilang karapatang pantao.
20
30
40
50
Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:
Iniiwasan nito ang diskriminasyon
itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas
sinisigurado nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao
Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon ay tatratuhin nang pantay.
Optional Protocols
International Bill of Rights
Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution
Universal Declaration of Human Rights
Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isinilang ay kilala bilang:
karapatang sibil
karapatang pantao
karapatang politikal
karapatang sosyo-ekonomik
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
kakambal ito ng ating mga tungkulin
proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso
kailangan nating tuparin ang Saligang Batas
sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya
Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
Natural
Constitutional
Statutory
Politikal
Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
Natural
Constitutional
Statutory
Politikal
Ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
Ekonomiko
Sosyal
Kultural
Politikal
Ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at isulong ang kanyang kapakanan.
Ekonomiko
Sosyal
Kultural
Politikal
Ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
Ekonomiko
Sosyal
Kultural
Sibil
Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
Natural
Constitutional
Statutory
Politikal
Bakit mahalaga ang pagsulong at pangangalaga ng pamahalaan at lipunan sa karapatang pantao?
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mamamayan na mamuhay nang may karangyaan, katapangan at katalinuhan.
Nakahihikayat ito ng mga banyaga na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa bansa upang mahangaan at maging tanyag sa iba't-ibang panig ng mundo.
Nagbibigay ito ng kalayaan at pantay na pagkakataon para sa lahat ng mamamayan na paunlarin ang kanilang sarili sa iba't-ibang aspekto at larangan
Bilang isang indibidwal na kasapi ng lipunan, paano mo mapangangalagaan at maisusulong ang iyong karapatang pantao?
Palakasin ang pangangatawan sapagkat mas mainam na ikaw ang nang-aapi kaysa ikaw ang inaapi.
Maging maingay at agresibo sa iyong saloobin at hinaing sa iyong social media account upang makuha ang atensiyon ng iba.
Alamin at suriin ang iyong karapatan at kalayaan bilang isang indibidwal at mamamayan upang magsilbing sandigan sa anumang tangka ng paglabas rito.
Palakasin at palawakin ang iyong impluwensiya at koneksiyon sa matataas na opisyal ng bansan upang makasiguro na ikaw ay protektado.
Paano tuwirang nakaaapekto sa ugnayan ng mamamayan at pamahalaan ang paglaganap ng paglabag sa karapatang pantao sa iba’t-ibang aspekto ng lipunan?
Maaaring magbunga ng paghina ng katatagang pampolitika ng bansa.
Mawawala ang "rule of law" dahil sa paglabag sa itinakdang batas.
Makakatanggap ng matinding presyur sa loob at labas ng bansa ang pamhalaan.
Maaaring mawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan at mga institusyon nito dahil sa kawalan ng kakayahang itaguyod ang karapatang pantao.
Nagtakda ang _____________ ng isang pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao para sa lahat ng bansa noong 1948, nang itinatag nito ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR).
United National
Universal Nations
Union Nations
United Nations
