wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sagisag at Kultura

Total questions: 15

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

1. Siya ay naging isa sa sa mga pinunò ng hukbong Boholano laban sa mga Amerikano at kinikilálang bayani ng Labanang Pasong Kabantian. Sino ang  nasa larawan?

a)

A.Martín Cabágnot

b)

B. Francisco Carreon

c)

C. Gelia T. Castillo

2.

2. Siya ikalawang santong Filipino sa Simbahang Katolika at opisyal na naging kanonisado nitóng 21 Oktubre 2012? Sino ang  nasa larawan?

a)

A.Manuel Conde

b)

B. Tomas Confesor

c)

C. Pédro Calungsód

3.

3. Siya  unang Filipino na namunò ng kapulisan ng bansa, na tinatawag noong Philippine Constabulary (Hukbong Kostabularya ng Filipinas). Ipinangalan sa kaniya ang Kampo Crame na nagsisilbing tahanan sa kasalukuyan ng Philippine National Police (PNP, Pambansang Pulisya ng Filipinas)? Sino ang  nasa larawan?

a)

A. Rafaél Cráme

b)

B. Onofre D. Corpuz

c)

C. Mena Pecson Crisologo

4.

4. Siya ay isang pambihirang manunulat ng lirika ng mga awit, tula, at palindromo kayâ tinaguriang “Makata ng Musikang Filipino.” Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at Musika noong 1997. Ang isa sa pinakapopular na likha niya at bahagi na ng tradisyong Filipino ay ang “Ang Pasko ay Sumapit”. Sino ang nasa larawan?   

a)

A.Francisco Carreon

b)

B. Levi Celerio

c)

C. Tomas Confesor

5.

5. Siya ay taga Calinog, Iloilo  at ipinagkaloob sa kanya  ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taong

2000 dahil sa kaniyang pagsusumikap na mapanatili ang mga paniniwala, tradisyon, at panitikang Panay-Bukidnon sa pamamagitan ng paghimok sa mga mananaliksik at tagapagtaguyod ng kultura na isulat ang mga ito upang maituro sa mga nakababatang miyembro ng kanilang komunidad. 

Sino siya?

a)

A.Benedicto R. Cabrera

b)

B. Federico Caballero

c)

C. Juan Cailles

6.

(AVERAGE)

6. Si _____  ang tinaguriang “Ina ng Demograpiya sa Asia.” Kinilála siyá ng Philippine American Foundation bilang kauna-unahang demograpo sa Filipinas. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pagsisikap na gawing mas moderno at masinop ang pag-aaral ng demograpiya sa Filipinas. Iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng Agham noong 14 Enero 2010.A

a)

Ernani Joson Cuenco

b)

Mercedes Concepcion

c)

Valente Cristobal

7.

(AVERAGE)

7. Ang  ______ang opisina ng pamahalaan

na naatasang magpatupad ng mga batas

panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos,at malayang halalan.

a)

Chavacano

b)

Commission on Elections

c)

crillo

8.

(AVARAGE)

8. Ang _____ ay isang pulông bulubundukin sa dakong timog ng Dagat Mindanao. Matatagpuan ito sa hilaga ng Misamis Oriental at sa timog ng pulô ng Bohol. Karatig nitó ang mga look ng Macalajar at Gingoog sa Mindanao. Ang pinakama-laking bayan ay ang Mambajao na siyá ring kabisera ng lalawigan.  Ang pangalan ng lugar na ito ay nagmula diumano sa katutubong salitâng “kamagong”, isang maitim at matigas na punongkahoy. Ang mga unang nanirahan dito ay ang mga Manobo. Ang isla ay nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan.

a)

Cagsawa

b)

Camiguin

c)

Coron

9.

(AVARAGE)

9. Ang ____ay isang 690-ektaryang kampo sa Lungsod Baguio sa kabundukang Cordillera. Itinayô ito ng mga Amerikano noong 1903 bilang pahingahan at pook-libangan ng kanilang mga sundalo at empleado. Ipinangalan ito sa  Kalihim ng Estado.

a)

Camp John Hay

b)

Carriedo

c)

Corregidor

10.

(AVARAGE)

10. Ang ______ ang pinuno ng baryo noong panahon ng Espanyol na humalili sa mga pinunòng datu at katumbas ngayon ng posisyong kapitan ng barangay. Ang pinunòng ito ay maaari lámang magmula sa mga prinsipalya o mag-anak ng mga datu at mayayamang pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.

a)

Cabeza de barangay

b)

Camp John Hay

c)

Carriedo

11.

(HARD)

11. Ito ay isang pambihira at kamangha-manghang likás na pormasyong heolohiko at matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1776 hugis apang burol na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya. Ang mga burol ay nababalutan ng damong kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman kapag panahon ng tagtuyot. Ano ito?

(a)  

12.

(HARD)

12. Ito ay  isang popular na pook bakasyunan sa hilagang Palawan. Sinasakop nitó ang silangang bahagi ng isla ng Busuanga, ang kabuuan ng karatig na isla ng nito at 50 maliliit na pulo. Bahagi ang mga islang ito ng Kapuluang Calamian, ang bahagi ng Palawan na pinakamalapit sa Mindoro. Binubuo ang bayan ng 23 barangay. Saan ito?

(a)  

13.

(HARD)

13. Ito ay tawag sa mga pamayanang Tsinosa maraming lugar, gaya sa Maynila. Nakasentro ito sa mga distrito ng Binondo at San Nicolas. Ano ito?

(a)  

14.

(HARD)

14. Ito ay ang  batasan ng Espanya. Binubuo ito ng dalawang kapulungan: ang Congreso de los Diputados na mababàng kapulungan at Senado de España na mataas na kapulungan. Mayroon itong kapangyarihang gumawa ng batas at baguhin ang konstitusyon. May kapangyarihan ang mababàng kapulungan na kumpirmahin o alisin sa puwesto ang Punòng Ministro.

(a)  

15.

(HARD)

15. Ito ang popular na itawag sa Guhòng Cagsáwa na matatagpuan sa Barangay Busay, Cagsawa, Daraga, Albay. Ang guho ay ang natirang tore at ilang bato ng Simbahang Cagsawa na natabunan ng lava nang pumutok ang Bulkang Mayon noong 1 Pebrero 1814.

(a)