NEW
Font size
Worksheets4th quarter summative test
Total questions: 40
Worksheet time: 25mins
Maraming bansa sa kasalukuyan ang sinasabing progresibo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan nito?
may sapat na edukasyon at mataas na antas ng kalusugan
maraming modernong gusali ang naitatayo
maraming korporasyon ang kumikita ng Malaki
mas malaking bilang ng dayuhang namumuhunan sa mga papaunlad na bansa kesa mauunlad na bansa
Anong organisasyon ng United Nation (UN) na naglalayong mabuo ang mga patakaran na may kaugnayan sa lahat ng aspeto ng pag-unlad kabilang ang kalakalan, tulong, transportasyon, pananalapi at teknolohiya?
United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD)
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)
United Nations Children’s Fund (UNICEF)
United Nations Industrial Development Organization (UNIDO)
Malaki ang naitulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Anong likas na yaman ang mayroon sa Gitna ng Silangang Asya na nakatutulong para mapabilis ang paglago ng ekonomiya nito?
niyog
ginto
langis
asin
Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga_________________ nito.
politiko
yamang-tao
kabataan
manggagawa
Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit ng episyente ang ilan pang pinagkukunang-yaman upang mas marami pa ang malilikhang produkto at serbisyo. Ano ito?
yamang-tao
teknolohiya at inobasyon
capital
likas na yaman
Anong pamagat ng aklat na sinulat nina Todaro at Smith na nagpapahayag na ang pag-unlad ay isang multi-dimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pagalis ng kahirapan?
Principles of Economics
The End of Alchemy: Money, Banking and the Future of the Global Economy
Capital in the Twenty-First Century
Economic Development
Ang Human Development Index (HDI) ay sumusukat?
dami ng ari-arian na mayroon ang isang tao
nakapag-abroad sa iba’t ibang bansa
nakapamuhunan sa stock market
kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
Pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990 na may pangunahing hangarinng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan, ano ito?
Global Foreign Direct Investment (FDI) inflows
Concept and Choices (2008)
Human Development Report
Human Development Index
Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan ng pag- unlad. Ano ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae?
paggamit ng GNP at GDP
multi-dimensional poverty index
inequality adjusted index
gender inequality index
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa pag-unlad ng isang bansa?
ang pag-unlad ay tunay na masusukat sa epekto nito sa pamumuhay ng mga tao
sapat nang may trabaho ang tao upang maging maunlad ang bansa
sapat na maging masaya ang tao
sapat na ang paglago ng ekonomiya upang umunlad ang isang bansa
Nakatulong ang mga likas na yaman tulad ng yamang – lupa, tubig, kagubatan, at mineral sa pagsulong ng ekonomiya. Pero bakit sinasabing wala itong kasiguruhan sa aklat na Concepts and Choices (2008)?
ang mga likas na yaman ay may nauubos at di nauubos
lahat ng mga lugar ay biniyayaan ng likas na yaman
naaapektuhan ito ng iba’t ibang klima
inaabuso ng tao ang paggamit ng likas na yaman
Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa papaanong paraan ito sinusukat?
pamamahagi ng kita at yaman ng bansa
ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP
pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at nagtataasang gusali
hindi na umaasa sa foreign aid
Bakit nasabi ni Feliciano Fajardo na ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa?
nakinabang lamang ang mga pribadong kompanya at indibidwal
marami ang nagugutom at nagkakasakit
hindi nakapag-aral ang mga kabataan
hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao
Paano sinusukat sa Human Development Index ang antas ng pag-unlad ng isang bansa sa aspekto ng edukasyon?
haba ng buhay at kapanganakan
means oy years in schooling and expected years of schooling
gross national income per capita
mataas ang literacy rate
Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sapaanong paraan ito mapapatunayan?
limitado ang akses sa edukasyon
maayos na serbisyong pangkalusugan
kaliwa’t kanang mga karahasan at krimen
hindi pantay na pakikilahok sa mga gawaing panlipunan
Ito ay isang salik na nagagamit nang mas episyente upang mas maparami pa ang mga naililikhang produkto at serbisyo na makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa
likas na yaman
yamang-tao
teknolohiya
kapital
Isang mahalagang salik sa pagpapalago ng negosyo o ekonomiya ng isang bansa.
likas na yaman
kapital
yamang-tao
teknolohiya
Ito ay salik na tumutukoy sa pagsulong ng ekonomiya na kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa at nagdudulot ng paglikha ng maraming output.
teknolohiya
likas na yaman
kapital
yamang-tao
Tumutukoy samga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral ay malaki ang naitutulong sa pagsulong ng ekonomiya
likas na yaman
teknolohiya
kapital
yamang-tao
Ang pag unlad ay isang salita na maaring gamitin upang tukuyin ang pagbabago na nararanasan ng isang bansa. Sa aling paraan makikita ang kaunlaran ng isang bansa?
pagsulong
paglugmok
produktibo
kasaganahan
Ang pag-unlad ng isang bansa ay ang inaasam-asam ng mga tao at ng pamahalaan. Alin sa baba ang tama?
Ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa dahil sa isang pandemya ay hindi nangangahulugan na magpapatuloy ito sa pagbaba sa susunod na taon kung isaalang alang ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng bansa
Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng Gross Domestic Product (GDP)
Sa bawat sakuna ng bansa patuloy pa ring ito nakaasa sa mga manggagawangPilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
Hindi sapat na basehan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na umuunlad ang bansa.
Sina Todaro at Smith ay sumulat ng kanilang aklat na Economic Development kung saan ipinapaliwanag nila angkonseptong pag-unlad. Ano ang ipinapahiwatig sa salitang pag-unlad?
Ang pag-unlad ng isang ekonomiya ay dulot lamang ng mga dayuhang mamumuhunan
Ang pag-unlad ay pagtamo ng patuloy ng pagbaba ng antas ng income per capita o pababa na kita ng bansa.
Ang pag-unlad ay kumakatawan sa pagtaas at pagbaba ng antas ng icome per capita.
Ang pag-unlad ay sumusunod sa isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigan pamiliha
Upang madagdagan ang pagtugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
Abot kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigan pamiliha
Alam ng negosyanteng si Kath na hindi pa makakabayad ng renta sa bahay sina Cassy dahil sa panahon ng COVID-19 at kailangan din niya magbayad ng buwis para sa kanyang negosyo. Ano ang mainam gawin ni Kath?
Maningil parin ng renta sa bahay kahit nasa kalagitnaan ng pandemya
Palayasin sina Cassy kapag hindi ito nakabayad ng renta
Sundin ang batas ng DTI na hahatiin sa anim na buwan na installment ang bayad dito.
I-report sa barangay si Cassy at gumawa ng kasunduan kung kalian sila magbabayad.
Kung ikaw ang Mayor sa Lungsod ng Iligan, papaano mo babaguhin ang batas sa pamilihan ayon sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pandemya ngayon?
Ipababa ko ang presyo ng mga bilihin para marami ang hindi magugutom.
Ipapaalis ko ang karagdagang bayad ng buwis para bababa ang presyo ng mga bilihin.
Kakalabanin ko ang mga kurakot na mambabatas.
Magsusulat ako kay Pangulong Duterte na maging patas sa pagpataw ng presyo sa bawat bilihin upang makatulong sa pag-unlad ng bansa
Aling sektor ang itinuturing na “Gulugod ng Ekonomiya” dahil ito ang nagtutustos sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan?
Industriya
Agrikultura
Paglilingkod
Publikong Sektor
Karamihan sa mga Pilipino, lalo na ang nasa probinsya, ang umaasa sa Agrikultura para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa sector na ito?
Panggugubat,Pagmimina,Pangingisda,Paghahayupan
Paghahayupan, Pangingisda, Paghahalaman, Panggugubat
Pagmimina, Paghahalaman, Panggugubat, Paghahayupan
Pangingisda, Panggugubat, Pagmamanupaktura, Paghahayupan
Malawak ang nasasakupan ng Agrikultura. Maraming gawain ang nakapaloob dito. Alin sa mga sumusunod na Gawain ang angkop sa Agrikultura?
Pagmimina ng ginto upang gawing alahas
Pagsusuplay ng isda sa mga pagawaan ng sardinas
Pagkakabit ng kawad ng kuryente sa mga poste
Pagtanggap ng mga labada mula sa mga kapitbahay
Sektor ng Agrikultura ang nagtataguyod sa halos kabuuan ng ekonomiya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay dito?
Dito nagmumula ang mga pagkain at hilaw na material na sangkap sa produksyon
Nandito ang maraming lakas-paggawa na may kasanayan at kakayahan
Malawak ang mga lupain sa Pilipinas
Masisipag at maabilidad ang nasa sektor na ito
Katuwang ng Pamahalaan ang Agrikultural na sektor sa pagsulong ng kaunlaran. Anong pakinabang ng agrikultura ang higit na nakakatulong sa pang araw araw na pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino?
Nagbibigay ng kita at hanapbuhay sa mga mamamayan
Nadadagdagan ang Dolyar ng Pilipinas sa mga iniluluwas sa Pandaigdigang pamilihan
Pinoproseso nito ang produkto na tutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang mga labis na manggagawa ay pinapakinabangan ng ibang sector
Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa sektor ng agrikultura?
pagmimina
konstruksiyon
pagmamanupaktura
paghahayupan
Anong suliranin ng agrilkultura ang tumutukoy sa pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa labis na pagkuha ng kahoy para gawing troso?
Climate Change
Pagkakalbo ng kagubatan
Pagliit ng lupang pansakahan
Lumalaking populasyon sa bansa
Alin sa mga sumusunod ang epekto ng mabilis na pagkaubos ng mga kagubatan?
Erosion ng mga lupain at pagbaha
Nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang
Hindi patas na kompetisyon
Nasisira ang mga korales
Alin sa mga uri ng pangingisda ang ginagamit ng mga malalaki at komersiyal na barko na nakasisira sa mga korales?
fine mesh net
thrawl fishing
Paggamit ng active gear
cyanide fishing
Isa mga problema kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang polusyon. Ano ang epekto ng polusyon sa pangisdaan sa tao?
pagkalason ng mga isda
pagkakasakit ng mga mga tao
pagkaubos ng mga isda
pagdami ng mga isda
Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikitang negosyo, at hindi legal sainilatag na paraan sa pagnenegosyo?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na sector
Ang nasa ibaba ay mga halimbawa ng mga trabahong nasa impormal na sektor, alin dito ang hindi kabilang sa impormal na hanapbuhay?
Nagtitinda ng banana cue
Naglalako ng mga gulay
Empleyado ng isang kompanya
Tricycle driver
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang isa sa mga dahilan ng impormal na sektor?
Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital
Walang kasanayan sa anumang bagay
Walang kakilala
Hindi nakatapos ng master’s degree
Ano ang naging banta sa paglaganap ng impormal na sector sa ekonomiya ng bansa?
Pagtaas ng GNP ng bansa
Pagtaas ng GDP ng bansa
Paglaganap ng illegal na gawain
Pagkakaroon ng maraming trabaho sa ekonomiya
Ayon sa IBON Foundation, ang impormal sa sector ay kabilang sa “ isang kahig isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap nito?
Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa
Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan
Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pngangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
