NEW
Font size
WorksheetsMga Detalye sa Batas Militar
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Ang pangulo ng Pilipinas na may pinakamahabang taon ng panunungkulan.
Diosdado Macapagal
Elpidio Quirino
Ferdinand Marcos
Ramon Magsaysay
Sa araw na ito idineklara ni Marcos sa isang television broadcast na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas Militar.
Setyembre 20, 1972
Setyembre 21, 1972
Setyembre 22, 1972
Setyembre 23, 1972
Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa paghihimagsik, rebelyon, at karahasang nangyayari sa bansa.
batas militar
coup d'etat
referendum
pambansang kumbensiyon
Ito ang samahang binubuo ng mga Muslim na nagnanais na magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa Mindanao.
CPP
MNLF
NDF
NPA
Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968.
Benigno Aquino Jr.
Jose Maria Sison
Mao Tse Tsung
Nur Misuari
Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ng National Union of Students of the Philippines ang isang malaking rali noong Enero 26, 1970 sa harapan ng gusali ng Kongreso.
upang tutulan ang pag-alis ng pribilehiyo para sa writ of habeas corpus
upang pabagsakin ang naghaharing sistema ng pamamahala ni Marcos
upang hilingin sa pamahalaang magkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas
upang ipaabot ang kanilang kahilingan hinggil sa sobrang pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo at pamantasan
Ito ang partidong nagtitipon noon sa Quiapo, Maynila nang mangyari ang pagbomba sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971.
Partido Liberal
Partido Nacionalista
Kapisanan ng Bagong Lipunan
UNIDO
Sa pamamagitan ng proklamasyong ito ipinahayag ni Marcos ang pagsususpinde sa karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus.
Proklamasyon Blg. 889
Proklamasyon Blg. 1081
Proklamasyon Blg. 2-A
Proklamasyon Blg. 8901
Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi makulong nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis.
plebisito
referendum
subpoena
writ of habeas corpus
Ito ang uri ng batas na maaaring ipalabas ng pangulo, maliban sa:
Kautusang Pampanguluhan
Kautusang Pangkongreso
Kautusang Pangkalahatan
Liham-Pagpapatupad
Sa unang termino ng pamumuno ni Marcos ang ekonomiya ng Pilipinas ay umangat.
Tama
Mali
Lumaganap ang kaguluhan at kahirapan sa bansa sa pangalawang termino ng pamumuno ni Marcos.
Tama
Mali
Ang Proklamasyon Blg. 889 ay ipinahayag ni Marcos upang pigilan ang ginagawang rali at demonstrasyon ng mga mamamayan.
Tama
Mali
Ang writ of habeas corpus ay nagbibigay ng karapatan sa mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis.
Tama
Mali
Sa ilalim ng Batas Militar si Marcos ay lubos na naging makapangyarihan.
Tama
Mali
Ikinatuwa ng nakararaming Pilipino ang pagdedeklara ni Marcos ng Batas Militar sa bansa.
Tama
Mali
Isa sa mga taong lubos na sumuporta sa mga programa ni Marcos ay si Senador benigno Aquino Jr.
Tama
Mali
Maraming nagsasabing ninais ni Marcos na mapahaba o mapatagal ang kanyang panunungkulan bilang pangulo kaya ipinasailalim niya ang bansa sa Batas Militar.
Tama
Mali
Ipinairal ang curfew hour mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas kuwatro ng umaga.
Tama
Mali
Upang makuha ang suporta ng mga mamamayan ay ipinatupad ni Marcos ang malawakang kalayaan sa pamamahayag.
Tama
Mali
