wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 - 4th Periodical Exam

Total questions: 38

Worksheet time: 1hrs 4mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?

a)

a. Nomad

b)

b. Katutubo

c)

c. Etniko

d)

d. Etnolingguwistiko

2.

Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?

a)

a. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan

b)

b. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano

c)

c. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa:  tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan

d)

d. Ang hanggahan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig

3.

Bumagsak ang Kabihasnang Sumer dahil sa ito ay binubuo ng magkakahiwalay na estado. Dahil sa kawalan ng pagkakais, madali itong nasakop at bumagsak. Tulad ng Mesopotamia, ang ating bansa ay binubuo ng maraming pulo kung kaya't nagkaroon tayo ng iba't ibang pangkat at kultura. Kung iakw ang kasalukuyang pangulo ng ating bansa, anong proyekto ang maari mong gawin upang magkaroon ng ugnayan at pagkakaisa ang iba't ibang pangkat ng mga Pilipino?

a)

a. Mamahagi ng mga aklat na naglalarawan ng kultura ng lahat ng pangkat ng mga Pilipino upang maunawaan ang kultura ng bawat isa.

b)

b. Magsasagawa ng mga proyektong pagpatayo ng tulay upang mapagdugtung-dugtong ang mga kapuluan sa Pilipinas.

c)

c. Magpanukala ng batas na nag-uutos na dapat magkaisa ang mga Pilipino upang ang lahat ay obligadong gawin ito.

d)

d. Magsagawa ng mga proyektong pangkultural na maaaring lahukan ng iba't ibang pangkat sa Pilipinas upang magkaroon ng pagkakataon na makipag-interaksyon sa bawat isa.

4.

Ano ang tawag sa dilaw na banlik na nagpapataba sa lambak ng Huang Ho?

a)

a. Ceramics

b)

b. Kaolin

c)

c. Loess

d)

d. Murex

5.

Anong kabihasnan ang unang umusbong sa Asya?

a)

a. Harappa

b)

b. Shang

c)

c. Sumer

d)

d. Mohenjodaro

6.

Paano nabuo ang paniniwalang sinocentrism ng mga Tsino?

a)

a. Ang mga Tsino ay may kakaibang kulay ng balat.

b)

b. Ang mga Tsino ay may kakaibang kaanyuang pisikal.

c)

c. Ang mga Tsino ay may maunlad na kabuhayan.

d)

d. Ang bansa ng mga Tsino ay nakahiwalay sa ibang bansa.

7.

Ito ang imperyong namayagpag sa Kanlurang Asya pagkatapos bumagsak ng Roman at Byzantine Empire.

a)

a. Imperyong Greek

b)

b. Imperyong Mughal

c)

c. Imperyong Ottoman

d)

d. Imperyong Alemanya

8.

Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong Asyano?

a)

a. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang nasyonalismong Asyano.

b)

b. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nagkawatak- watak ang mga Asyano.

c)

c. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang mga bansang Asyano.

d)

d. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin naging mapayapa ang bansang Asyano.

9.

Mga sundalong Hindu na nag-alsa noong 1857-59 laban sa mga awtoridad na Ingles.

a)

a. Shiite

b)

b. Sepoy

c)

c. Hindu patriot

d)

d. Sikh

10.

Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at maliliit na nasyon-estado.

a)

a. Nasyonalismo

b)

b. Imperyalismo

c)

c. Kolonyalismo

d)

d. Komunismo

11.

Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?

a)

a. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi

b)

b. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan

c)

c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan

d)

d. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa  India

12.

Ang nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan sa Iran.

a)

a. Mustafa Kemal

b)

b. Ayatollah Ruhollah Khoemeini

c)

c. Mohammed Reza Pahlavi

d)

d. Sultan Abdul Hamid

13.

Ang Krus ay sumisimbolo ng

a)

a. Kolonyalismo

b)

b. Komunismo

c)

c. Katolisismo

d)

d. Merkantilismo

14.

Bakit tinatangkilik ng mga Tsino ang Opium Poppy?

a)

a. Dahil ito ay mahalagang sangkap  sa larangan ng medisina

b)

b. Dahil ito ay mamahalin

c)

c. Ito ay naging pabor sa kanila ang kalakalan

d)

d. Ito ay namumulaklak at mababango

15.

Anong taon  sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Tsino at Ingles?

a)

A. 1879

b)

A. 1839

c)

A. 1856

d)

A. 1860

16.

Bakit mas masalimuot ang ikalawang digmaang Opyo sa pagitan ng Tsina at Britanya?

a)

a. Dahil sinunog nila ang magarang palasyo

b)

b. Dahil sa hindi magandang pag trato sa mga misyonerong Pranses.

c)

c. Dahil pumayag sila na magbukas ng karagdagang daungan

d)

d. Dahil naging pabor sa kanila ang kalakalan

17.

Alin sa mga sumusunod ang paraan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin

a)

a. Paggamit ng ibat bang barko

b)

d. Paggamit ng makina sa paggawa ng mga produkto

c)

c. Paggamit ng Krus at Armas

d)

d. Paglalagay ng puhonan sa mga pataniman

18.

Mga bansang hinati ng Tsina sa Sphere of Influence

a)

a. Malaysia, Singapore at India

b)

b. Australia, Armenya at Japan

c)

c. Britanya, Alemanya at Pransya

d)

d. Myanmar, Indochina at Thailand

19.

Ito ang digmaang sumiklab noong 1824.

a)

a. Digmaang Opyo

b)

b. Digmaang Anglo-Burmese

c)

c. Digmaang Trojan

d)

d. Digmaang Sepoy

20.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagtungo ng mga Pranses sa Vietnam?

a)

a. Upang makipaglaban at sakopin ang  kanilang  teritoryo

b)

b. Upang makipagsundo

c)

c. Maipalaganap ang Katolisismo

d)

d. Makikipag kalakalan sa pantay na katayuan o sitwasyon

21.

Upang mapanatili ang balanseng ekolohikal, ang bawat nilalang at bagay sa isang lugar ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan upang mapanatiling buhay ang lahat.

4 lines
22.

Ang Asya ay nahahati sa pitong (7) rehiyon.

4 lines
23.

Si Muhammad ang propetang nagturo at nagpalaganap ng Islam

4 lines
24.

Ang Pari/Hari ang nasa pinakamataas na posisyon sa lipunang Sumerian, bilang pagsasalamin ng mataas at pantay na pagpapahalaga nila sa mga pinunong pulitikal at espirituwal.

4 lines
25.

Si Kublai Khan ay isang mangangalakal na nagmula sa Venice, Italya na naglakbay papuntang Asya at naging tagapayo ng emperador ng Tsina.

4 lines
26.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa pagitan ng 1914 at 1918.

4 lines
27.

Noong 1853, ipinadala ng pangulo ng Estados Unidos si Matthew Perry sa Hapon upang hilingin sa mga Hapones na buksan ang kanilang bansa sa kalakalan.

4 lines
28.

Noong ika-14 na siglo, sinalakay ng mga Hapon ang malaking bahagi ng silangang rehiyon ng Mediterranean Sea.

4 lines
29.

 Pangunahing dahilan ng pagtungo ng mga Pranses sa Vietnam ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo.

4 lines
30.

Noong 1884, sumang-ayon ang Tsina na isailalim ang Vietnam sa proteksyon ng Pransya, ibig sabihin, ang Vietnam ay protektorado (protectorate) na ng Pransya.

4 lines
31.

Republika na itinatag ni Mustafa Kemal noong 1923, ito ang unang republika sa Kanlurang Asya.

4 lines
32.

Sa ilalim ng batas na ito ay winakasan ang kapangyarihan atpamamahala ng British East India Company sa India at inilipatang pamamahala sa ilalim ng British Raj.

4 lines
33.

Ito ang panahon na ang dating agrikultural na kabuhayan sa Europa at Amerika ay naging industriyal.

4 lines
34.

Sa bisa ng kasunduang ito pumayag ang Tsina na magbukas ng karagdagang 11 daungan para sa kalakalan.

4 lines
35.

Noong 1892, nagsimula ang paghingi ng pagbabago sa mapayapang paraan, sa pamamagitan ng.

4 lines
36.

 Anu- ano ang mga salik sa pag usbong ng nasyonalismong Tsino? Paano nila ipinakita ang kanilang damdaming nasyonalismo sa mga imperyalistang Kanluranin?

 

4 lines
37.

Ipalagay natin na ikaw ay isang pinuno na may kapangyarihang baguhin ang bagay na gusto mong baguhin ano ito? Ipaliwanag.

4 lines
38.

Sa nangyayaring mga kaguluhan sa mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya, ano ang mahalagang aral na iyong natutunan bilang isang Asyano? At bilang mag-aaral?

4 lines