wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REMEDIAL SUMMATIVE TEST

Total questions: 50

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Si Don Custodio ay kilala bilang ________________.

a)

Camaroncocido

b)

Artes Imitativas

c)

Kapitan

d)

Buena Tinta

2.

Anong katangian mayroon si Don Custodio?

a)

Matalino at mahusay gamitin ang salapi

b)

Masipag sa larangan ng pangangalakal

c)

Magaling mangingganyo ng mga tao sa pangangalakal

d)

Mapangmata sa mga karaniwang tao

3.

Ano ang nangyari kay Don Custodio sa Madrid?

a)

Nagpanggap si Don Custodio bilang isang kilalang mag-aalahas sa Pilipinas

b)

Siya ay nawalan ng pag-asa na makipag-usap sa mga tao sa Madrid dahil siya ay karaniwang tao lamang sa lugar

c)

Hindi siya pinansin sa Madrid, dito niya napagtanto ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan

d)

Siya ay pinahiya sa Madrid, nakita niya ang mga taong tunay na mayayaman at may malaking estado sa pamahalaan ng Espanya

4.

Piliin sa ibaba ang tamang paliwanag sa pahayag ni Don Custodio, “Kapag gusto ninyong sakupin ang isang bayan, paniwalaing sakop nga ito… Para maging masunurin ang Pilipino, kailangang pauli-ulit na sabihing masunurin nga sila at papaniwalaing wala nga silang kakayahan… Narito ang siyensya ng pamamahala.”

a)

Ang siyensya ng pamamahala ay tungkol sa kapangyarihang hawak ng isang tao upang mapasunod ang mga taong na sa mababang uri

b)

Gustong ipakita ni Don Custodio ang kapangyarihang hawak niya sa nga Indio na manggagawa upang hindi sila mag-aklas

c)

Laging ipaalala sa mga Indio na sila ay mga mababang uri ng tao at walang Karapatan upang hindi sila makaisip na mag-aklas o lumaban

d)

Ibaba ang pagkatao ng mga Indio upang tumatak sa isip nila na habang buhay sila magiging mahirap

5.

Sino ang nagtanghal sa Teatro de Variedades?

a)

Les Cloches de Corneville

b)

Camaroncocido

c)

Buena Tinta

d)

Artes imitativas

6.

Ano ang trabaho ni Camaroncocido?

a)

Pagbenta ng makakain sa loob ng teatro

b)

Pagdidikit ng mga paskil

c)

Pagbenta ng ticket

d)

Paglilinis ng sapatos

7.

Sino ang kasama ni Camaroncocido sa pagtatrabaho?

a)

Pelaez

b)

Quiroga

c)

Tio Quico

d)

Don Custodio

8.

Piliin sa ibaba ang tamang nangyari sa El Filibusterismo.

a)

Sa araw ng pagtatanghal ang mga tao sa loob ay nagtatalo na at nag-iingay, dahil may mga tao na umuupo sa hindi nila upuan at dahil matagal din mag-umpisa ang palabas

b)

Sa pagbabalik ni Don Custodio mula Madrid kinausap niya kaagad si Simoun tungkol sa pagpapatayo nila Makaraig ng paaralan, ngunit hindi sumang-ayon si Simoun

c)

Sa pagpunta nila Padre Salvi sa Perya sa Quiapo nakita niya ang mga nagagandahang estatwa ng simbahan kung paano inilarawan ang pananampalatay ng mga Pilipino at Espanyol

d)

Sa pag-uusap ni Simoun at Basilio nagkaroon sila ng pagtatalo, dahil nais ni Simoun na ipaghiganti ang pamilya ni Kabesang Tales, ngunit hindi sumang-ayon si Basilio sa kanya na dapat daw ay hindi gumagamit ng dahas

9.

Bakit malungkot na dumating si Makaraig mula sa pakikipag-usap kay Pepay

a)

Dahil hindi sumang-ayon sila Don Custodio, Padre Irene at Senyor Pasta sa pagpapatayo ng paaralan para sa mga mag-aaral na gustong matuto ng wikang Kastila

b)

Dahil nalaman ni Makaraig kay Pepay ang dinanas ni Jul isa pagtatanggol para kay Basilio

c)

Dahil si Basilio ay hindi dumating sa tanghalan upang makasama sila, madami sanang gustong sabihin si Makaraig tungkol sa pagpapatayo ng paaralan

d)

Dahil ilalagay sa pamamahala ng Unibersidad ng Sto. Thomas sa pamamahala ng mga Dominikano ang Academia de Castellano

10.

Ano ang nangyari kay Kapitan Tiago?

a)

Pinasabog ni Kapitan Tiyago ang simbahan

b)

Umalis si Kapitan Tiyago at nagtungo sa Madrid

c)

Lumala ang sakit ni Kapitan Tiyago

d)

Nalulong sa alak si Kapitan Tiyago

11.

Kinamusta ni Simoun ang maysakit. Malala na raw ito at kalat na ang lason sa katawan. “Tulad ng Pilipinas,” bulong ni Simoun. Piliin sa ibaba ang tamang paliwanag.

a)

Ang pang-aabuso sa bayan ay palala ng palala, kumakalat at pumapatay sa mga karaniwang Pilipino

b)

Ang Pilipinas ay humaharap sa isang sakit na kumakalat at walang maibigay na gamot ang pamahalaan

c)

Pinatay ng sakit ang mga karaniwan at mga Pilipinong nasa laylayan at walang ginawang solusyon ang pamahalaan para dito

d)

Ang pang-aalila ng mga dayuhan sa Pilipinas ang siyang nagpapahirap sa mga Pilipino

12.

Ano ang pinag-usapan ni Basilio at Simoun?

a)

Paghihiganti ni Simoun at Basilio sa simbahan

b)

Tungkol sa pagrerebelde ni Simoun

c)

Sa balak na pagtakas ni Simoun kasama si Maria Clara

d)

Pagpapasabog ni Simoun sa bahay ni Kapitan Heneral

13.

Bakit umuwi ng malungkot at nagdadalamhati si Simoun mula sa bahay ni Kapitan Tiyago?

a)

Nalaman niyang namatay na si Maria Clara

b)

Nalaman niyang umalis na si Maria Clara ng Pilipinas

c)

Nalaman niyang ikinasal na sa iba si Maria Clara

d)

Nalaman niyang nawawala si Maria Clara

14.

Bakit sumama si Paulita kay Pelaez sa teatro?

a)

Upang maipakilala ni Paulita si Pelaez kay Donya Victorina

b)

Upang sila ay magkakilala pa ng higit

c)

Upang makita niya si Isagani

d)

Upang mapanuod ang palabas ng Les Cloches de Corneville

15.

Piliin sa ibaba ang tamang nangyari sa El Filibusterismo.

a)

Si Simoun ay napuno ng galit at paghihiganti dahil sa nalaman niya tungkol sa pamilya ni Kabesang Tales

b)

Malungkot at nagdadalamhati si Isagani dahil nalaman niyang ikakasal na si Paulita at Placido

c)

Ang katawan ni Kapitan Tiyago ay patuloy na lumalakas at gumagaling dahil sa panggagamot ni Basilio

d)

Ang bansang Espanya sa huling pagtutuos, nabibigkis sila nang matibay sa Espanya sa pamamagitan ng nakaraang, ng kasaysayan, ng pananampalataya, ng wika

16.

Saan nagkita-kita sila Sandoval, Tadeo, Isagani at ilang mag-aaral?

a)

Unibersidad ng Sto. Thomas

b)

Luneta

c)

Les Cloches de Corneville

d)

Panciteria Macanista de Buen Gusto

17.

“Luwalhati kay Don Custodio sa kanyang katalinuhan at Pansit sa Lupa sa mga Batang Mabuti ang Kalooban!” Piliin sa ibaba ang tamang paliwanag sa pahayag.

a)

Alam ng mga mag-aaral na si Don Custodio ay papanig pa rin sa mga kinauukulan tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino na mag-aaral

b)

Pakitang tao lamang si Don Custodio sa pagsuporta sa Academia de Castellano para sa mga Pilipinong gustong matuto ng wikang Kastila

c)

Si Don Custodio ay sasang-ayan lamang kung may makukuha siyang magandang bunga para sa kaniyang sarili at hind isa nakararami

d)

Handa si Don Custodio na isakripisyo ang mga kabataan para lamang sa ikagaganda ng kaniyang pangalan at estado sa lipunan

18.

Ano ang aral na makukuha sa Kabanata 25?

a)

Huwag maging pipi, bingi at bulag sa mga pang-aabuso ng pamahalaan

b)

Manindigan sa paniniwala para sa nakararami

c)

Iwasan maging mapusok dahil nasa huli ang pagsisi

d)

Pahalagahan ang kultura tulad ng pancit ng Pilipino

19.

Bakit hinahanap ni Basilio si Makaraig?

a)

Balak niya sanang mangutang kay Makaraig

b)

Gusto niyang kausapin si Makaraig tungkol sa nangyari sa teatro

c)

Hihikayatin niya sina Makaraig na sumama sa rebelyon ni Simoun

d)

Ipaalam na si Paulita Gomez ay ikakasal na sa ibang lalake

20.

Ano ang usapan na narinig ni Basilio sa loob ng paaralan?

a)

Nagalit ang kinauukulan sa mga ginawa ng mag-aaral sa Panciteria kaya inutusan na dakpin ang tao kung sino man ang gumawa ng paskil

b)

Pinadakip ng kinauukulan ang ilang kabataan dahil sa kanilang ugaling tulisan

c)

Ang mga prayle ay nadismaya sa mga paniniwala at paninindigan ng mga kabataan para sa bayan

d)

Balak ng mga mag-aaral na suportahan si Simoun na magaalahas sa pagaaklas laban sa simbahan at pamahalaan ng kastila

21.

Piliin sa ibaba ang tamang paglalarawan kay Padre Fernandez.

a)

Mabuting par isa mga kapwa kastila at mahilig makisali sa mga debate

b)

Mahilig maglaro ng baraha at magsugal

c)

Sinungaling at mahilig sa sabong tulad nila Padre Salvi

d)

Isang kagalang-galang na guro at namumukod-tangi

22.

Bakit ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani?

a)

Upang alamin ang nangyari sa piging ng mga kabataan sa Panciteria

b)

Upang pagsabihan si Isagani na hindi tama na sabihan ng mga masasamang salita ang mga prayle ganoon na rin ang mga matataas na empleyado ng pamahalaan

c)

Upang itakas si Isagani sa kamay ng pamahalaan ng kastila

d)

Upang ipaalam kay Isagani na si Paulita ay ikakasal na kay Pelaez

23.

Ayon kay Isagani ano dapat ang tungkulin ng mga prayleng tagapamahala sa pagtuturo?

a)

Dakila, matapang, pag-unlad at masipag

b)

Makatarungan, matalino, dakila at matapat

c)

Masipag, matibay na pananampalataya at pag-unlad

d)

Mapagmahal, mapagpatawad at pagiging marangal

24.

Ayon kay Isagani ano ang ginagawa ng mga namamahala sa mga kabataan?

a)

Walang utang na loob sa pamahalaan ng kastila para sa karunungang kanilang itinuturo

b)

Pinaparatangan silang mga tamad at inutil sa pag-aaral

c)

Sinusunog ang nag-aalab nilang pagmamahal sa bayan

d)

Hinahadlangan ang paghahanap ng karunungan ng mga kabataan

25.

Piliin sa ibaba ang tamang pangyayari sa El Filibustersimo.

a)

Nagalit si Padre Camorra sa mga nagtatanghal sa Teatro, ito daw ay labag sa itinuturo ng simbahan

b)

Pinuntahan ni Basilio si Simoun upang kausapin tungkol sa mga armas na ipinatago niya kay Quiroga

c)

Si Kapitan Tiyago ay nag-aalala sa kalagayan ni Maria Clara

d)

Ang mga prayle na tagapagturo ay lumilikha lamang ng mga alipin

26.

Bakit “Takot” ang pamagat ng kabanata 28?

a)

Ang takot ay tungkol sa nararamdaman ng mga prayle sa mga mag-aaral

b)

Ang takot ay tungkol sa naramdaman ni Simoun, dahil sa mga nangyari sa pamilya ni Maria Clara

c)

Ang takot ay tungkol sa mga kabataan na naghayag ng galit sa namamahala

d)

Ang takot ay patungkol sa himagsikan na mangyayari

27.

Piliin sa ibaba ang tamang pahayag tungkol sa mga panukalang lumabas sa kabanata 28.

a)

Ang mga hindi makikiisa sa hangarin ng pamahalaan ay ituturing na kalaban ng bayan, dadakpin at pupugutan ng ulo

b)

Kahit anong liit ng gulo dadakpin ang lahat ng mayaman at ilustrado para sa Integridad ng Inang Bayan

c)

Ikulong at dalhin sa Malacañang ang mga mag-aaral na makikitaan ng pagiging tulisan

d)

Patayin ang mga taong hindi makikinig sa utos ng mga namamahala

28.

Ano ang sinabi ni Simoun kay Quiroga tungkol sa mga armas na nasa bodega?

a)

Gamitin sa pagrerebelde sa pamahalaan

b)

Huwag galawin ang anuman sa kinalalagyan

c)

Ibigay ang limang armas kay Basilio

d)

Itakas ang mga armas at idaan sa ilog Pasig papuntang Laguna

29.

Bakit higit na lumala ang sakit ni Kapitan Tiago?

a)

Nang malaman niya na nakulong si Basilio

b)

Nang nalaman niya na si Ibarra ay si Simoun

c)

Nang malaman niya na si Maria Clara ay tunay na anak ni Padre Damaso

d)

Nang malaman niya na nag-uumpisa na ang himagsikan

30.

Ayon kay Padre Irene, bakit binawi ni Kapitan Tiago ang pamana kay Basilio?

a)

Dahil tinubos ni Basilio si Huli kay Hermana Penchan

b)

Dahil hindi abogado ang kinuhang kurso ni Basilio

c)

Dahil walang utang na loob si Basilio

d)

Dahil nakulong na si Basilio

31.

Saan napunta ang malaking bahagi ng pag-aari ni Kapitan Tiago?

a)

Sa simbahan at mga korporasyo

b)

Sa pamahalaan ng Pilipinas

c)

Sa mga mag-aaral ng Sto. Thomas

d)

Sa kanyang anak na si Maria Clara

32.

Piliin sa ibaba ang mga tamang pahayag tungkol sa mga naganap sa lamay ni Kapitan Tiago

a)

Nagyabang si Don Pelaez na mahal ang binili niyang kabaong para kay Kapitan Tiago

b)

Pinag-usapan nila ang mga mag-aaral na dinakip ng pamahalaan dahil sa pigging tulisan

c)

Nagtalo si Kapitan Tinong at isang sastre sa susuotin ni Kapitan Tiago

d)

Ikinuwento ni Quiroga ang mga armas na pinatago ni Simoun sa kanya

33.

Bakit nanghingi ng tulong si Juli kay Padre Camorra?

a)

Dahil si Padre Camorra na lang ang naging pag-asa ni Juli upang mapakawalan si Basilio

b)

Dahil si Padre Camorra ay maimpluwensya sa simabahan at sa pamahalaan

c)

Dahil sabi ni Hermana Bali si Padre Camorra ay may kaibigang Heneral na maaaring makapagpalaya kay Basilio

d)

Dahil si Padre Camorra din ang nagpala sa kanyang lolo na si Tandang S elo

34.

Bakit ayaw na ni Juli na lumapit kay Padre Camorra?

a)

Dahil hindi sapat ang pasasalamat kay Padre Camorra humingi pa ito ng dagdag pasakit kay Juli

b)

Dahil malaki ang hinihinging bayad ni Padre Camorra kasama na rin ang lupa ng kanyang ama na si Kabesang Tales

c)

Dahil gusto ni Padre Camorra na isuplong ni Juli ang sarili niyang ama na sumama na sa mga tulisan

d)

Dahil alam ni Juli na hindi rin naman siya tutulungan ni Padre Camorra ng walang hinihinging kapalit

35.

Ano ang nangyari kay Juli?

a)

Nalungkot

b)

Naghirap

c)

Namatay

d)

Tumakas

36.

Bakit hindi pinalaya ng Heneral si Basilio?

a)

Si Basilio ang kinaiinitan ng simbahan dahil sa pagtubos niya kay Juli

b)

Si Basilio ang magsisilbing sakripisyo para sa kabutihan ng nakararami

c)

Si Basilio ang pinuno ng mga mag-aaral na mag-aaklas laban sa simbahan

d)

Si Basilio ang kasabwat ni Simoun sa magaganap na himagsikan

37.

Piliin sa ibaba ang tamang paliwanag sa pahayag ni Heneral na, “Ganito dapat mamahala, isinasalba ko ang prinsipyo ng pamahalaan na naging alanganin.

a)

Bahag ang buntot ng heneral dahil siya ay nagtatago sa likod ng Pamahalaan at simbahan na pinamamahalaan ng mga Kastila

b)

Walang pakielam ang Heneral kung ang isasakripisyo ay karaniwang Pilipino basta’t mapabango muli ang pangalan ng pamahalaan

c)

Ang katapatan ni Heneral ay sa Pamahalaan at hindi sa Pilipinas

d)

Ang Pamahalaan ang higit na mahalaga para kay Heneral, kaysa ang salitang katapatan, serbisyo, hustisya at pagmamahal sa katotohanan

38.

Paano inilarawan si Basilio sa Kabanata 33?

a)

Napipi sa mga nangyari sa kanyang buhay sa nagdaang araw

b)

Galit at gustong maghiganti sa pamahalaan

c)

Payat at gusot ang buhok at damit

d)

Malungkot at payat dahil sa pagkamatay ni Juli

39.

Ano ang mahalagang papel ng lampara na ginawa ni Simoun?

a)

Ito ang gagamitin sa pagpapasabog sa kasalan ni Juanito at Paulita

b)

Ito ang magiging regalo ni Simoun sa bagong kasal

c)

Ito ang gagamitin ni Simoun upang masira ang simbahan

d)

Ito ang sisindihan ni Basilio sa bahay ni ng Heneral upang makapaghiganti

40.

Saan ginanap ang kasalan ni Paulita at Juanito?

a)

Sa bahay ni Kapitan Tiago

b)

Sa simbahan sa Maynila

c)

Sa plaza ng San Diego

d)

Sa Malacañang

41.

Piliin sa ibaba ang tamang nangyari sa El Filibusterismo.

a)

Si Paulita ay tumakas sa kasal nila ni Juanito at sumama kay Isagani papuntang Europa

b)

Si Isagani ang nagsuplong kay Basilio sa mga namamahala tungkol sa lampara na sumabog

c)

Si Basilio ay nagdadalawang isip kung hahayaan na lamang niyang mamatay ang mga tao sa kasalan o ito ay kaniyang bibigyang babala

d)

Si Simoun ay tumakas papuntang Madrid pagkatapos sumabog ang bahay ni Kapitan Tiago kasama ang mga namamahala at mga prayle

42.

Bakit namutla si Padre Salvi sa kasal ni Paulita at Juanito?

a)

Dahil nagmulto si Maria Clara sa araw ng kasal ni Paulita at Juanito

b)

Dahil nakita niya ang ulo ni Imuthis at nagbalik ang mga alaala ng mga ginawa niyang masasama

c)

Dahil nalaman niya na sasabog ang lampara sa lamesa

d)

Dahil nabasa niya ang isang sulat mula kay Crisostomo Ibarra

43.

Ano ang ibig sabihin ng sinulat ni Ibarra sa papel na “Mane Thecel Phares”?

a)

Ito ang katapusan ng iyong kapangyarihan

b)

Ito ang aking paghihimagsik sa bayang malapit

c)

Ito ang katapusan ng iyong paghahari

d)

Ito ang aking pagbabalik

44.

Sino ang naghagis ng lampara sa ilog?

a)

Basilio

b)

Isagani

c)

Simoun

d)

Kapitan Heneral

45.

Bakit si Simoun ang tinurong may pakana ng pagpapasabog sa kasal?

a)

Nakita sa kanyang bahay ang mga pulburang ginamit

b)

Dahil sinabi ni Basilio na si Simoun ang nagplano ng lahat

c)

Nalaman nilang lahat na si Simoun ay umalis na ng bayan

d)

Dahil nagmamadaling umalis si Simoun ng kasal

46.

Sino si Matanglawin

a)

Kuya Kim Atienza

b)

Kabesang Tales

c)

Simoun

d)

Tandang Selo

47.

Ano ang nangyari kay Tandang Selo?

a)

Nabaril ni Tano at tuluyang namatay

b)

Nagtago sa malaking bato upang magtago sa mga kawal

c)

Sinundan niya si Kabesang Tales sa bundok

d)

Nagdalamhati sa pagkakamatay ni Juli

48.

Piliin sa ibaba ang tamang nangyari sa kabanata 39.

a)

Sumama si Basilio kay Kabesang Tales upang maghimagsik laban sa mga namamahala, nawala na ang binatilyong puno ng pagmamahal

b)

Binalikan ni Simoun si Padre Salvi upang ipaghiganti si Maria Clara at ang kanyang pamilya

c)

Hindi na iniisip ni Padre Florentino ang mga nagawang masama ni Simoun, ang nasa isip na lamang niya ay paano mailigtas si Simoun

d)

Itinapon ni Simoun ang lahat ng kanyang kayamanan sa dagat at sumulat ng liham para kay Basilio ng kanyang pamamaalam

49.

Bakit naitanong ni Simoun kay Padre Florentino kung totoo bang may Diyos?

a)

Dahil lahat ng kanyang mahal sa buhay ay namatay

b)

Dahil hindi raw napaparusahan ang mga may kasalanan

c)

Dahil puro pasakit lamang ang kanyang naranasan

d)

Dahil hindi tinupad ng Diyos ang kanyang hiling para sa kalayaan ng Inang Bayan

50.

Piliin sa ibaba ang pinakatamang aral ng El Filibusterismo?

a)

Ang paghihiganti ay nagbubunga lamang ng kapighatian

b)

Kung ang namumuno ay nagtuturo ng pagmamahal sa pagkadakila ganoon din ang kanilang nasasakupan. Kung kasamaan ang itinuturo magiging alipin tunay ang nasasakupan

c)

Madaming klase ng pagmamahal, pagmamahal sa sarili, sa kapwa sa iniibig at sa bayan

d)

Ang salitang Kalayaan ay isang salita lamang kung hindi ito naisasagawa at patuloy na tinatapakan ang buhay ng mga nasa laylayan