wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pinal na Lagumang Pagtataya sa El Filibusterismo

Total questions: 50

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

SUSON-SUSONG mga kahirapan ang kaniyang dinanas ngunit lahat ng pangyayaring iyon ay tila nagtulong-tulong upang maigupo ang diwa ng bayani. Ang kasingkahulugan ng salitang suson ay______________.

a)

bigla-bigla

b)

maya't maya

c)

sawang-sawa

d)

sunod-sunod

2.

Ang salitang MAIGUPO ay nangangahulugang __________.

a)

harang

b)

hadlang

c)

matalo

d)

matagumpay

3.

Ang El Filibusterismo ay may higit na layuning ________.

a)

panlipunan

b)

pampamilya

c)

panrelihiyon

d)

pambansa

4.

Batay sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, saan sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang nobela?

a)

Calamba

b)

London at Madrid

c)

Inglatera

d)

Belgium

5.

Anong taon sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo?

a)

1884

b)

1885

c)

1886

d)

1887

6.

Ang sumusunod na pahayag ay ang hirap na dinanas ni Rizal habang isinulat ang El Filibusterismo MALIBAN sa _____________.

a)

Hindi sapat ang salapi na tinanggap niya mula sa nagtataguyod ng propaganda.

b)

Wala na siyang tinatanggap na tulong sa kaniyang magulang at kaibigan.

c)

Wala siyang nasisingil sa pinagbilihan ng kaniyang unang nobela.

d)

Wala na siyang makain.

7.

Kung si Maximo Viola ang naging tagapagligtas ng Noli Me Tangere, sino naman ang tumulong kay Dr. Rizal upang maipalimbag ang kaniyang ikalawang nobelang El Filibusterismo?

a)

Ferdinand Blumentritt

b)

Marcelo H. Del Pilar

c)

Valentine Ventura

d)

Jose Maria Basa

8.

Ang El Filibusterismo ay inihandog ni Dr. Jose Rizal sa _____________.

a)

kaniyang ina

b)

inang bayan

c)

Pamahalaang Kastila

d)

tatlong paring martir

9.

Ang kahulugang ibinigay ng pamagat ng El Filibusterismo batay sa pagsusuri dito ay___________.

a)

Ang kilos laban sa pamahalaan

b)

Ang kalaban ng pamahalaan

c)

Ang kilos laban sa simbahan

d)

Ang kalaban ng simbahan

10.

Mayayaman ang nasa ibabaw ng kubyerta at nasa ilalim naman ang mahihirap. Anong kaisipan ang mabubuo kaugnay ng pahayag?

a)

Hindi pagkakapantay ng tao sa lipunan

b)

Pinangingilagan ng mayayaman ang mahihirap

c)

Inihihiwalay ang mayaman sa mahihirap

d)

Ito ang hati ng tao sa lipunan

11.

Ang nabanggit na bapor ay tinaguriang __________.

a)

Daong ng Barko

b)

Daong ng Bangka

c)

Daong ng Pantalan

d)

Daong ng Pamahalaan

12.

Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nasa ibabaw ng kubyerta na itinakwil ang pagka-Pilipino at may magaspang na pag-uugali?

a)

Simoun

b)

Padre Irene

c)

Don Custodio

d)

Donya Victorina

13.

Ang Bapor Tabo ay simbolo ng ____________.

a)

Lipunang walang direksiyon

b)

Lipunang maunlad sa kalakalan

c)

Lipunang masaya at masagana

d)

Lipunang pantay-pantay

14.

Batay sa kabuoan ng Kabanata 2, naniniwala si Simoun na ___________.

a)

kayang palalimin ang Ilog Pasig

b)

kayang lutasin ang problema sa Ilog

c)

kayang paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan

d)

kayang makipagsabayan ng Bapor Tabo sa pabor ng ibang bansa

15.

Bakit tinawag na Bapor Tabo ang bapor?

a)

Dahil sa hugis nitong hawig sa tabo

b)

Dahil sa marami itong sakay

c)

Dahil sa mayayaman ang nakasakay

d)

Dahil siksikan ang mga nakasakay

16.

Isinalaysay ng Kapitan ang Alamat ng Malapad na Bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu at nasalin sa mga tulisan.

Ang Alamat ng Malapad na Bato ay tumutuligsa sa _________.

a)

mga kaparian na may masamang espiritu

b)

mga Pilipinong tamad

c)

mga naglilingkod sa pamahalaan

d)

mga naniniwala sa espiritu

17.

Aling alamat ang itinuturing na sagrado noon pa man bago dumating ang mga Kastila?

a)

Alamat ng Malapad na Bato

b)

Alamat ni Donya Geronima

c)

Alamat ng San Nicolas

d)

Alamat ng Ilog Pasig

18.

Sino ang nagsalaysay ng Alamat ni Donya Geronima?

a)

Padre Irene

b)

Padre Millon

c)

Padre Florentino

d)

Padre Salvi

19.

Alin sa sumusunod ang magpapatunay na sinadya ni Simoun na mapag-usapan ang mga Alamat ng Ilog Pasig?

a)

Nagamit niya ang alamat ni Donya Geronima upang mabawasan ang galit laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi.

b)

Nagamit niya ang alamat ng Ilog Pasig upang maalala ng mga naroon si Crisostomo Ibarra.

c)

Nagamit niya ang alamat ni San Nicolas upang tuligsain ang mga prayle.

d)

Nagamit niya ang mga alamat ng Ilog Pasig upang simulan ang kaniyang binabalak.

20.

"Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa't anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglibing muna ng kaniyang asawa't mga anak"

Ang posibleng nagsasalita sa bahaging ito ng teksto ay si __________.

a)

Tandang Selo

b)

Kabesang Tales

c)

Isagani

d)

Basilio

21.

"Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa't anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglibing muna ng kaniyang asawa't mga anak"

Ang nagsasalita sa pahayag ay larawan ng isang ____________.

a)

mapanuksong tauhan

b)

makasariling tauhan

c)

kakatwang tauhan

d)

tauhan na kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan lalo na't usapin sa lupa

22.

Batay sa kasaysayan, noong Panahon ng Kastila ang gawain ng isang Kabesa de Barangay ay

a)

Tagapamayapa sa barangay

b)

Tagapamahala sa barangay

c)

Tagapayo ng gobernador

d)

Tagapaningil ng buwis

23.

"Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa't anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglibing muna ng kaniyang asawa't mga anak"

Ang pananalita ng tauhan , siya'y handang

a)

Mamatay para sa kanyang lupain

b)

Pumatay para sa kanyang lupain

c)

Ipaglaban ang kanyang karapatan

d)

Makipagmatigasan sa kanyang kausap

24.

Ang lahat ay mga paraan kung paano mapangalagaan ang karapatan maliban sa

a)

Huwag manlalamang

b)

Huwag manira sa karangalan ng iyong kapuwa

c)

Maging parehas o patas sa lahat ng pagkakataon

d)

Ipagyabang ang mga ari-arian

25.

"A, saserdote ng Abydos, muli akong nabuhay upang ikaw ay usigin! Pagkaraan ng napakahabang panahon ng pannahimik ay tatawagin kitang mamamatay, lapastangan sa Diyos!"

Ang Amerikanong nagpapalabas ukol kay Imuthis ay si

a)

Isagani

b)

Me. Leeds

c)

Padre Irene

d)

Simoun

26.

"A, saserdote ng Abydos, muli akong nabuhay upang ikaw ay usigin! Pagkaraan ng napakahabang panahon ng pannahimik ay tatawagin kitang mamamatay, lapastangan sa Diyos!"

Ang pinatutungkulan ng pahayag ay si

a)

Padre Camorra

b)

Padre Florentino

c)

Padre Irene

d)

Padre Salvi

27.

"Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao." Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a)

Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba

b)

Ang kabaitan ay tulad ng isang Brilyante

c)

Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao

d)

Likas sa tao ang kabaitan

28.

"Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid." Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a)

Mahilig manakot ang pamahalaan

b)

Makapangyarihan ang pamahalaan

c)

Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan

d)

Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan

29.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.


Makikita sa panunuluyan ni Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales ang

a)

Magiliw na pagtanggap sa bisita

b)

Agwat ng mayaman at mahirap

c)

Hindi pagpapahalaga sa mga antigong mga hiyas

d)

Pagsasamantala sa mga taong nangangailangan

30.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.


Ang pagpatay na ginawa ni Kabesang Tales ay nagpapakita ng

a)

Matinding galit

b)

Pakikipagsabwatan sa mga tulisan

c)

Tanda ng pagmamahal sa kanyang lupain

d)

Pagtupad sa pangako para sa kanyang namatay na asawa't anak

31.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.


Ang agnos na nabanggit sa akda ay tunay na pagmamay-ari ni

a)

Sinang

b)

Maria Clara

c)

Paulita Gomez

d)

Donya Victorina

32.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.


Sa ikinikilos at iniisip ni Simoun, ito'y nangangahulugang

a)

Hindi na siya sisingilin ni Kabesang Tales sa kanyang pakikipanuluyan

b)

Hindi na siya mapagkakamalang rebelde

c)

Nakabayad na siya ng utang na loob

d)

Nagtagumpay siya sa kanyang pakay

33.

"Ibig ko siyang iligtas. Pagliligtas sa kanya ang dahilan ng aking pagnanasa pang makabalik upang maghimagsik ang magbubukas ng mga pinto ng kumbento," ani ni Simoun.

"Ay huli na kayo! Patay na siya!"


Sino ang tauhan na tinutukoy sa usapan?

a)

Huli

b)

Maria Clara

c)

Paulita Gomez

d)

Donya Consolacion

34.

Kinaumagahan, wala na si Kabesang Tales, gayundin ang rebolber ni Simoun. Ang naroon ay ang agnos at ang sulat niya kay Simoun na humihingi ng tawad dahil sa kanyang pagnanakaw sa rebolber. Ayon sa sulat, sasama na siya sa mga tulisan. Noong gabing iyon kumalat ang balitang namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales at ang asawa nito.


Batay sa takbo ng usapan, sino ang posibleng kausap ni Simoun?

a)

Basilio

b)

Kapitan Heneral

c)

Kabesang Tales

d)

Padre Florentino

35.

Nagbalik si Ibarra sa Pilipinas pagkatapos ng

a)

Sampung taon

b)

Labindalawang taon

c)

Labintatlong taon

d)

Labinlimang taon

36.

Si Simoun ay sumisimbolo sa

a)

Mapanghimagsik

b)

Mabuti at maka-Diyos

c)

Matulungin at maginoo

d)

Mapanusol at makasarili

37.

"Ibig ko siyang iligtas. Pagliligtas sa kanya ang dahilan ng aking pagnanasa pang makabalik upang maghimagsik ang magbubukas ng mga pinto ng kumbento," ani ni Simoun.

"Ay huli na kayo! Patay na siya!"


Alin sa sumusunod ang kahihinatnan ng pangyayaring inilalahad sa bahaging ito ng teksto?

a)

Mabibigo ang himagsikang inilunsad ni Simoun.

b)

Lalong mag-aalab ang damdamin ni Simoun sa pagnanasang pabagsakin ang pamahalaan.

c)

Ipagpapaliban ni Simoun ang kaniyang plano upang magluksa

d)

Ipagpapatuloy ni Simoun ang kaniyang balak nang mga sandaling iyon

38.

Ang tunay na sanhi ng paghihimagsik ni Simoun ay ___________.

a)

mabawi si Maria Clara

b)

naawa siya sa mga Pilipino

c)

maipaghiganti ang amang si Don Rafael

d)

magbago ang takbo ng pamumuhay sa Pilipinas

39.

"Tama na, Padre. Maaari ninyong lagyan ng guhit ang aking pangalan hanggang ibig ninyo, ngunit wala kayong karapatang umalipusta sa kapuwa. Inyo na ang inyong klase!"

Ang kausap ni Placido ay si _____________.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Millon

c)

Padre Florentino

d)

Padre Salvi

40.

"Tama na, Padre. Maaari ninyong lagyan ng guhit ang aking pangalan hanggang ibig ninyo, ngunit wala kayong karapatang umalipusta sa kapuwa. Inyo na ang inyong klase!"


Anong uri ng tunggalian ang ipinapakita sa bahaging ito ng akda?

a)

tao sa tao

b)

tao sa sarili

c)

tao sa lipunan

d)

tao sa kalikasan

41.

Alin sa sumusunod ang pag-uugali ng karaniwang Pilipino ang inilalarawan ni Placido?

a)

Padalos-dalos sa pagdedesisyon

b)

Pangingibabaw ng siklo ng damdamin

c)

Handang lumaban para sa karangalan

d)

Mapagtimpi subalit marunong ding sumabog na parang bulkan

42.

Umalis sa klase si Placido na ______________ ang kalooban.

a)

malungkot

b)

naghihimagsik

c)

nagpupuyos

d)

palagay

43.

Ayaw nang magpatuloy ni Placido sa pag-aaral dahil sa________________.

a)

walang pera

b)

sawa na siya

c)

tinatamad na siya

d)

paghamak na natanggap

44.

Nadatnan ni Placido sa bahay na tinutuluyan niya si _____________.

a)

Simoun

b)

Kabesang Tales

c)

Kabesang Andang

d)

Hermana Penchang

45.

Kung sa pagtanda ko'y lumingon ako sa aking kabataa at wala ni isa man lamang akong mabuting nagawa para sa aking bayan, bawat puting buhok ay magsisilbing tinik na susurot sa aking pagkatao.


Ang dalawang tauhan na magkausap sa talata ay sina _____________.

a)

Basilio-Simoun

b)

Macaraig-Padre Irene

c)

Isagani-Ginoong Pasta

d)

Sandoval-Juanito Pelaez

46.

Ang tauhang kausap ng nagsasalita sa akda ay simbolo ng _____________.

a)

makatarungang tauhan

b)

mapanulsol na tauhan

c)

makasariling tauhan

d)

matulunging tauhan

47.

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa Teatro de Variedades, ang Les Cloches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsisipasok sa nabanggit na tanghalan.


Ang pagkakaroon ng mahabang-mahabang hanay ng nagsisipasok sa tanghalan ay bunga ng ____________.

a)

magsisiganap sa palabas

b)

magandang anunsiyo sa pahayagan

c)

mahigpit na pagtutol ng mga prayle sa palabas

d)

buhos na suporta ng mg prayle at taong pamahalaan sa palabas

48.

Ang ipinahihiwatig ng pagbibigay ng hindi magagandang komento sa palabas ay

a)

Ayaw umalis ng nag-aagawan ng upuan.

b)

Hindi sila nasiyahan sa pagtatanghal.

c)

Gumagawa na ang tao ng sariling palabas.

d)

Dahil sa isang lalaking basta na lamang umupo sa hindi niya lukukam.

49.

Ano ang nais patunayan kung bakit hindi agad makapagsimula ang palabas kahit punô na ng tao ang teatro?

a)

Wala pa silang gana para makapagsimula.

b)

Hinihintay ang takdang oras ng pagsisimula

c)

Maingay pa ang mga tao at hinihintay lamang na tumahimik ang lahat.

d)

Makapangyarihan ang Kapitan Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.

50.

Masamang-masama ang loob ni Isagani nang makita si Paulita sa loob ng teatro dahil __________.

a)

kasama niya si Juanito Pelaez

b)

ayaw ni Isagani na manood si Paulita

c)

may usapan sila na siya muna ang manonood

d)

hindi siya pinayagang pumunta sa teatro.