wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT FILIPINO 9

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Napakalayo pa nga

Wakas ng paglalakbay

Sa ilalim ng puno

Tag-init noon

Gulo ang isip

  (ni Oshikochi Mitsune ng bansang Hapon; isinalin sa Filipino ni M.O.Jocson)

1. Ano ang tawag sa tulang ito na mula sa bansang Japan?

a)

A. Ambahan   

b)

B. Haiku

c)

C. Tanaga

d)

D. Tanka

2.

Napakalayo pa nga

Wakas ng paglalakbay

Sa ilalim ng puno

Tag-init noon

Gulo ang isip

  (ni Oshikochi Mitsune ng bansang Hapon; isinalin sa Filipino ni M.O.Jocson)

2. Ano ang paksa ng tula?

a)

A. Kalikasan   

b)

B. Pagbabago

c)

C. Pag-ibig

d)

D. Pag-iisa

3.

Napakalayo pa nga

Wakas ng paglalakbay

Sa ilalim ng puno

Tag-init noon

Gulo ang isip

  (ni Oshikochi Mitsune ng bansang Hapon; isinalin sa Filipino ni M.O.Jocson)

3. Ilan ang bilang ng pantig ng tula?

a)

A. labimpito

b)

B. dalawampu’t isa

c)

C. dalawampu      

d)

D. tatlumpu’t isa

4.

Napakalayo pa nga

Wakas ng paglalakbay

Sa ilalim ng puno

Tag-init noon

Gulo ang isip

  (ni Oshikochi Mitsune ng bansang Hapon; isinalin sa Filipino ni M.O.Jocson)

 

4. Paano hinati ang pantig ng bawat taludtod ng tula?

a)

A.7-7-7-5-5     

b)

B.5-7-5-7-7     

c)

C.7-7-5-7-5

d)

D.5-5-7-7-7

5.

Ano ang bagong anyo ng tula ng mga Hapones ang may 17 pantig at naisulat noong ika-15 siglo?

a)

A. Ambahan

b)

B. Haiku

c)

C. Tanaga

d)

D. Tanka

6.

Ano ang sinaunang tula ng mga Pilipino ang may tigpipitong pantig sa bawat taludtod?

a)

A. Ambahan

b)

B. Haiku

c)

C. Tanaga

d)

D. Tanka

7.

Ito ang tawag sa pagbigkas ng taludtod sa isang Haiku na may wastong hinto o antala.

a)

A. Kana

b)

B. Kawazu

c)

C. Kireji

d)

D. Kiru

8.

8. Ano pa ang pinapaksa ng Tanka maliban sa pag-iisa at pag-ibig?

a)

A. Pagbabago

b)

B. Pagkakaisa

c)

C. Pakikidigma

d)

D. Pansarili

9.

Piliin ang tamang tono, diin o antala ng sumusunod na mga pahayag batay sa kahulugang ipinahihiwatig nito.

Ipinagmamalaki ng nagsasalita ang bagong Pilipinas.

a)

A. Ito ang bagong Pilipinas!

b)

B. Ito, ang bagong Pilipinas

c)

C. Ito ang, bagong Pilipinas

d)

D. Ito ang bagong Pilipinas?

10.

Piliin ang tamang tono, diin o antala ng sumusunod na mga pahayag batay sa kahulugang ipinahihiwatig nito.

Pinatutunayan ng nagsasalita na siya talaga si Ana.

a)

A. Hindi ako si Ana.

b)

B. Hindi, ako si Ana.

c)

C. Hindi ako, si Ana.

d)

D. Hindi ako si, Ana.

11.

Bigkasin ang pahayag na nakasalungguhit at suriin ang wastong tono ng pahayag batay sa layunin nito.

Kahapon------nagpapahayag ng pag-aalinlangan (1-mababa, 2- katamtaman, 3-mataas)

a)

A. 123

b)

B. 132

c)

C. 213

d)

D. 231

12.

Huwag mong masyadong damdamin ang pagkabigo sa pag-ibig. Paano binibigkas ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap?

a)

A. DAMdamin

b)

B. damDAmin

c)

C. damdaMIN

d)

D. damdamin

13.

Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapakita ng tamang bigkas ng salita na may kahulugan na kapalaran ng tao (destiny o life).

a)

A. BU:hay

b)

B. bu:hay

c)

C. bu:HAY

d)

D. Bu:Hay

14.

Ano ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito sa akda “Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre, subalit nangibabaw ang kanyang pangamba.”?

a)

A. Mahirap pagkatiwalaan ang isang tigre

b)

B. Mortal na magkaaway ang tao at ang tigre

c)

C. Nagdadalawang–isip na tulungan ng tao ang tigre

d)

D. Natatakot nang husto ang tao sa tigre

15.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Tanong ng baka. matapos namin silang bigyan ng gatas at ipagbuhat ng mabibigat nilang dalahin,  ginagawa pa kaming karne.

 

Bigyan ng hinuha kung ano ang damdaming ipinamamalas ng tauhang nagsasalita sa teksto.

a)

A. nag-aalala

b)

B. naiinis

c)

C. nanunuya

d)

D. nanunumbat

16.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Tanong ng baka. matapos namin silang bigyan ng gatas at ipagbuhat ng mabibigat nilang dalahin,  ginagawa pa kaming karne.

Ano ang tawag sa salitang nakasalungguhit sa teksto?

a)

A. Pang-abay

b)

B. Pang-angkop

c)

C. Pangating

d)

D. Pang-ukol

17.

“Pero kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay,maaring walang naging problema, kaya nais   ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili sa hukay ang tigre” ang hatol ng kuneho.” Magandang umaga sa inyong dalawa.”

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng tekstong binasa?

a)

A. Ito ay kwento ng kababalaghan.

b)

B. Ito ay kuwento ng kabayanihan.

c)

C. Ito ay kwento na ang tuon ay ang mga madudulang pangyayari.

d)

D. Ito ay kuwento na ang mga tauhan ay hayop na naglalarawan sa katangiang ng tao.

18.

“Pero kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay,maaring walang naging problema, kaya nais   ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili sa hukay ang tigre” ang hatol ng kuneho.” Magandang umaga sa inyong dalawa.” Alin sa mga katangian o pag-uugali ng tao ang kumakatawan sa tigre?

a)

A. ganid

b)

B. mabait

c)

C. matalino

d)

D. tuso

19.

“Pero kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay,maaring walang naging problema, kaya nais   ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili sa hukay ang tigre” ang hatol ng kuneho.” Magandang umaga sa inyong dalawa.” Anong mahalagang pag-uugali ang kailangan nating maisabuhay, batay sa naging hatol ng kuneho?

a)

A. pagiging mabait

b)

B. pagiging maurirat

c)

C. pagiging maunawain

d)

D. pagiging patas

20.

“Pero kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay,maaring walang naging problema, kaya nais   ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili sa hukay ang tigre” ang hatol ng kuneho.” Magandang umaga sa inyong dalawa.”

Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasang teksto?

a)

A. Alamat

b)

B. Epiko

c)

C. Pabula

d)

D. Parabula

21.

“Nais ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay” Alin sa mga modal na ginamit sa teksto ang nagsasaad ng kagustuhan?

a)

A. ko

b)

B. na

c)

C. nais

d)

D. wala

22.

“Nais ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay” Paano ginamit ang modal sa pangungusap?

a)

A. bilang malapandiwa

b)

B. bilang pangngalang nagsisilbing paksa

c)

C. bilang pang-uring tumutulong sa pangngalan

d)

D. bilang panuring o pantulong sa pandiwang nasa pamanong pawatas

23.

.Suriin ang modal na ginamit sa pangungusap at suriin kung ano ang isinasaad nito, “Ang bawat isa ay kailangang makipagtulungan sa magagandang proyekto ng pamahalaan”?

a)

A. nagsasaad ng kagustuhan

b)

B. nagsasaad ng obligasyon

c)

C. nagsasaad ng posibilidad

d)

D. nagsasaad pagtatakda

24.

“Ngayon nabago na ang tungkulin ng mga kababaihan,at ito ay naging kumplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila,kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan”.

Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?

a)

A. gampanin   

b)

B. libangan     

c)

C. papel

d)

D. trabaho

25.

“Ngayon nabago na ang tungkulin ng mga kababaihan,at ito ay naging kumplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila,kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan”

Ang nais ipakahulugan ng may-akda sa kanyang matalinong pagkukuro ay _____.

a)

A. Dalawang mabibigat na tungkulin ang dapat gawin mga kababaihang Taiwanese.

b)

B. Gawaing bahay lang ang kayang gampanin ng mga kababaihang Taiwanese.

c)

C. Mas malakas ang mga kababaihan sa Taiwan kaysa sa mga kalalakihan.

d)

D. Tanging ang mga kababaihan sa Taiwan ang may karapatang magtrabaho.

26.

“Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na  makita ang ganap at pantay  na karapatan nila sa Lipunan”

Ano ang nabuong kongklusyon ng may–akda sa pagwawakas ng kanyang sanaysay?

a)

A. Magkaroon ng parehong karapatan at gampanin

b)

B. Magkaroon ng karapatan na makapag-aral

c)

C. Maipagkaloob ang karapatang makapagtrabaho

d)

D. Maipagkaloob ang kalayaang inaasam ng mga kababaihan

27.

“Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na  makita ang ganap at pantay  na karapatan nila sa Lipunan”

Ano ang tono ng nagsasalita sa sanaysay?

a)

A. nagdaramdam

b)

B. nangangamba

c)

C. natatakot

d)

D. umaasa

28.

“Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na  makita ang ganap at pantay  na karapatan nila sa Lipunan”

Ano ang layunin sa pagsulat ng sanaysay ng may-akda?

a)

A. Maglahad ng kanyang matalinong pagkukuro sa kalagayan ng mga kababaihan.

b)

B. Maglahad ng kanyang opinyon sa pantay na karapatan ng mga kababaihan

c)

C. Maglahad ng kanyang kaisipan hinggil sa inaasam na kalayaan ng mga kababaihan.

d)

D. Lahat ng nabanggit

29.

Ipaliwanag ang nais iparating ng kaisipang ito, “Ang babae ay katuwang sa pamumuhay, hindi lamang tagasunod sa ipinag-uutos ng mga nag-aastang panginoon.”

a)

A. Ang babae ay kasama at kabahagi sa pagpapaunlad ng pamilya at bayan.

b)

B. Ang babae ay karamay sa lahat ng suliranin at kalungkutan ng pamilya.

c)

C. Ang babae ay mananatiling alipin ng mga kalalakihan.

d)

D. Ang babae ay piping tagasunod sa kanyang asawat mga anak.

30.

Alin sa mga pangungusap ang ginamitan ng pangatnig na nag-uugnay sa dalawang sugnay na magkatimbang?

a)

A. Kami’y karamay niyo at kaagapay sa maraming problema.

b)

B. Kami pa rin dahil nagmamahalan.

c)

C. Nagpapaliwanag siya subalit hindi pansin.

d)

D. Mabait pero istrikto.

31.

Tukuyin ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap.

Malaki ang maitutulong ng mga guro sa edukasyon upang makabuo ng higit na mabuting daigdig.

a)

A. upang

b)

B. malaki

c)

C. higit

d)

D. ang

32.

Tukuyin ang mga pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap

Hindi lang ang mga guro ang may responsibilidad sa pagkakaroon ng mabuting asal ng mga bata pati ang mga magulang.

a)

A. asal

b)

B. lang

c)

C. mga

d)

D. pati

33.

Piliin ang imahe na inilalarawan sa kaisipang nakapaloob at nagmula sa kuwentong Niyebeng Itim.

Gustong lumaban ni Li Huiquan, pero wala siyang lakas, kaya nagpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatiyag.

a)

A.kahinaan ng loob    

b)

B.katatagan    

c)

C.kawalan ng tiwala sa sarili

d)

D.pag-asa

34.

Piliin ang imahe na inilalarawan sa kaisipang nakapaloob at nagmula sa kuwentong Niyebeng Itim

Mas mabuting maghintay siya, kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.

a)

A. kahinaan ng loob    

b)

B. katatagan    

c)

C. kawalan ng tiwala sa sarili

d)

D. pag-asa

35.

Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Kumain at uminom siya, hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana ang pula at berdeng ilaw, puno ang mga tao ng kasiyahan, pagkain at laro.

                                                                                             Halaw sa “Niyebeng  Itim” ng Tsina

Base sa akdang binasa paano mo kaya mailalarawan ang tagpuan?

a)

A. malungkot   

b)

B. magulo

c)

C. masigla

d)

D.maingay

36.

Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Kumain at uminom siya, hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana ang pula at berdeng ilaw, puno ang mga tao ng kasiyahan, pagkain at laro.

                                                                                             Halaw sa “Niyebeng  Itim” ng Tsina

Batay sa teksto, sa anong panahon naganap ang kuwento?

a)

A. Bagong Taon

b)

B. Kapistahan

c)

C. Mahal na Araw

d)

D. Pasko

37.

Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Kumain at uminom siya, hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana ang pula at berdeng ilaw, puno ang mga tao ng kasiyahan, pagkain at laro.

                                                                                             Halaw sa “Niyebeng  Itim” ng Tsina

Ano ang higit na binibigyang pansin ng may akda?

a)

A. Banghay

b)

B. Kaisipan

c)

C. Tagpuan

d)

D.Tauhan

38.

Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Kumain at uminom siya, hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana ang pula at berdeng ilaw, puno ang mga tao ng kasiyahan, pagkain at laro.

                                                                                             Halaw sa “Niyebeng  Itim” ng Tsina

Ano ang uri ng maikling kuwentong ito?

a)

A. Makabanghay

b)

B. Pangkaisipan

c)

C.Pangkatauhan

d)

D.Pangkatutubong- kulay

39.

Ito ay isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin.

a)

A. Alamat

b)

B. Epiko

c)

C. Maikling Kuwento

d)

D. Nobela

40.

. Paano mo gagamitin ang mensahe ng akdang Paalam sa Pagkabata sa pang araw-araw na pamumuhay?

a)

A. Mag-aral ng mabuti

b)

B. Matutong magpatawad

c)

C. Maging matulungin sa kapwa

d)

D. Sumunod sa mga magulang

41.

Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayaring sinusundan ng mga gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.

a)

A. May Kaakit-akit na Simula

b)

B. May Mahahalagang Paksa o Diwa

c)

C. May Maganda o Mabuting Pamagat

d)

D. May Wasto o Maayos na Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari

42.

Bakit ang unang pangungusap ng salaysay ay dapat na makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig?

a)

A. upang patuloy na magbasa

b)

B. upang hikayatin ang iba na basahin din ang kuwento

c)

C. upang siya ay masiyahan sa kanyang binabasang kuwento

d)

D. upang makuha ang atensyon at interes nito

43.

Bakit kinakailangang ang wakas ay nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa?

a)

A. upang magkaoron ito ng bisa

b)

B. upang magamit sa totoong buhay

c)

C. upang ito ay maging gabay sa araw-araw

d)

D. Lahat ng nabanggit

44.

Sa bagay na ito nakita ng batang si Celso ang pagkakahawig niya sa lalaking naggigitara, dito nalaman niya ang kanyang pagkatao.

a)

A. larawan

b)

B. liham

c)

C. lambat

d)

D. salamin

45.

Batay sa nabasang akda ano ang naging simbolo ng pagkakakulong ng pamilya ni Cleso sa isang malaking problema at ito ang nagsisilbing paalala sa mga kamaliang nagawa ni Isidra.

a)

A. bangka

b)

B. bahay-pawid

c)

C. lambat

d)

D. sagwan

46.

“Ang langit ay nasa tao, hindi nakikita, hindi nahihipo, hindi naaabot. Naabot na kaya ni nanay ang langit?” Batay sa pahayag na ito, ano ang sinisimbolo ng langit?

a)

A. kalawakan

b)

B. kalayaan

c)

C. kamalayan

d)

D. kasiyahan

47.

Punan ng tamang Modal ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Piliin mula sa: A. dapat B. kailangan C. baka D. ibig

Nasa hustong gulang ka na (a)   makiisa ka sa iyong kapwa na may mabuting hangarin sa bayan.

48.

Punan ng tamang Modal ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Piliin mula sa: /dapat / kailangan / baka / ibig

(a)   ka ring magpakabuti at umiwas sa masamang barkada

49.

Punan ng tamang Modal ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Piliin mula sa: / dapat / kailangan / baka / ibig /

(a)   ka mahulog sa maraming tuksong makapagdudulot sa iyo ng kapahamakang maaari mong pagsisihan habang buhay.

50.

Punan ng tamang Modal ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Piliin mula sa: / dapat / kailangan / baka / ibig /

(a)   kang tumulong sa kaayusan at katahimikan ng iyong paaralan