Worksheets1st Monthly Exam AP 2022
Total questions: 51
Worksheet time: 26mins
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil _______________________.
limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon
naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon
sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____
matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kaya’t dapat ipagpatuloy ang produksiyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap
maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
dinadaluhang okasyon
kagustuhang desisyon
opportunity cost ng desisyon
tradisyon ng pamilya
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ___________________.
pamamahala ng negosyo
pakikipagkalakalan
pamamahala ng tahanan
pagtitipid
Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na ibig sabihin ay pangangasiwa ng sambahayan.
oikos
nomos
oikonomos
oikonomiks
Ang pagdulog sa ekonomiks kung saan sinasagot ang katanungang, "kung ano?".
Positive economics
Negative economics
Normative economics
Marginal cost
Ang isang suliranin na tumutukoy sa limitasyon sa produkto na panandalian lamang.
Kakapusan
Kakulangan
Trade-off
Hoarding
May mga bagay tayo na pinapakawalan upang matamo ang isang bagay sa ating bawat desisyon.
Problem
Desisyon
Rational choice
Opportunity cost
May isang ekonomista na tumukoy ng relasyon ng dami ng tao sa sanhi ng kakapusan ng yaman ng bansa.
Adam Smith
John Maynard Keynes
David Ricardo
Robert Thomas Malthus
Adam Smith: The Wealth of Nations ; Karl Marx: ________
Fisher Equation
Das Kapital
Friedman Test
The Theory and History
Limitado: Yaman ; Walang Hanggan: ________
Kakapusan
Pagpili
Alokasyon
Pangangailangan at Kagustuhan
Ang lahat ng nabanggit ay mga pook urban maliban sa:
Taytay
Marikina
Metro Manila
Pasig
Makina: Yamang Pisikal ; _______ : Yamang Likas
Lupa
Pera
Tao
Manggagawa
Ang mga nabanggit ay halimbawa ng yamang likas maliban sa:
Tao
Isda
Palay
Ginto
Ano ang gagawin?: Pangangailangan ng tao ; ________: Preference ng mga tao
Gaano karami ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino gagawin?
Paano ito maipapamahagi?
labor intensive: paggawa ng tao ; _______: makinarya
automatic labor
capital intensive
capitalization
agricultural products
Mga sanhi ng kakapusan sa isang bansa.
Mas marami ang tao sa pook urban kaysa pook rural
Taon-taon na lumalaki ang populasyon ng isang bansa
Maaksayang paggamit ng mga yaman ng bansa
Kakulangan sa lakas paggawa sa isang bansa
I-click ang lahat ng konsepto na kaugnay ng konsepto ng SUPLAY
Prodyuser
Produkto at Serbisyo
Limitado
Pangangailangan
i-click ang lahat ng konsepto na may kaugnayan sa konsepto ng KAKAPUSAN.
Panandalian lamang
Suliraning pang-ekonomiya
Pangmatagalan
Limitasyon sa dami ng produkto sa pamilihan
Sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, paano mo masasabi na ang iyong desisyon o pagpapasya ay matalino at tama?
Bilang isang OLPSian-Paulinian, paano mo maipakikita ang iyong bukas na kamalayan at direksyong pansarili sa bawat pagpapasya na iyong ginagawa?
Sa pag-aaral ng ekonomiks malilinang sa kaisipan ng mga kabataan ang tungkol sa
pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naaapektuhan ang
pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.
Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi mauunawaan ng karamihan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao
na mabuhay.
Maaaring maging higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari
sa iyong kapaligiran.
Dahil sa pag-aaral ng ekonomiks masusuri natin ang mga terminolohiya na ang kahulugan ay naiiba
sa karaniwang katawagan.
Makakapagbibigay ng kalituhan sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon ang pag-aaral ng ekonomiks.
Lubos nating mauunawaan ang mga isyung pangkabuhayan at panlipunan sa mga
konseptong binibigyang-linaw sa pag-aaral ng Ekonomiks.
Malalaman mo ang kahalagahan ng pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal,
sapagkat sa kamay ng mga dayuhan nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
Matutukoy natin ang wastong paraan ng paggamit ng ating limitadong yaman.
Sa pag-aaral ng ekonomiks malilinang sa atin ang hangarin na maitaas ang antas ng sariling pamumuhay at
matamo ang kaunlaran ng pamilya gayun din ng bansa.
Mahuhubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi sa pamamaraang makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Sino ang gumagamit ng kaalaman at pamamaraan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ang kaalaman sa ekonomiks ay makatutulong sa paggawa ng mga pasya odesisyon upang mapaunlad ang kanilang negosyo.
Mag-aaral
Negosyante
Konsyumer
Naghahanap-buhay
Sino sa mga sumusunod ang gumagamit ng kaalaman at pamamaraan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay? Daan sa paggawa ng mga desisyon sa buhay maging sa pagharap sa mga suliranin. at tinuturuan tayo nito na maging matalino sa ating mga pagpili upang matukoy ang tamang pagpapasya.
Mag-aaral
Negosyante
Konsyumer
Naghahanap-buhay
Sino sa mga sumusunod ang gumagamit ng kaalaman at pamamaraan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay? Magiging gabay ang kaalaman sa ekonomiks upang makagawa ng tamang pagpapasya lalo na sa usapin ng pangangailangan sa loob ng tahanan attamang pagbabadyet ng pamilya.
Mag-aaral
Negosyante
Konsyumer
Naghahanap-buhay
Sino sa mga sumusunod ang gumagamit ng kaalamanat pamamaraan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay? Magiging matalinong mamimili,
at mulat sa kanilang mga karapatan at tungkulin upang maiwasangmadaya at magkamali.
Mag-aaral
Negosyante
Konsyumer
Naghahanap-buhay
Sa tulong ng mga variables naginagamit sa paggawa ng mga ekwasyon, makakatulong ito sa pagbuong mga modelong pang-ekonomiya na
magiging batayan sa pagpapasya opagdedesisyon.
Matematika
Agham-
Pampulitika
Sikolohiya
Soyolohiya
Pamamaraan ng pamamalakad sa estado at paggamit nang kapangyarihan, paglikha ng mga patakaran at iba’t-ibang sistema ng pamahalaan bilang salik sa
pagpapatatag sa pambansang ekonomiya.
Sosyolohiya
Agham-
Pampulitika
Sikolohiya
Mga kaalaman bilang dagdag impormasyon sa paglikha ng programang sensitibo sa mga pangangailangan ng mga batayang sektor at pangkat ng tao.
Sosyolohiya
Agham-
Pampulitika
Sikolohiya
Personalidad at pagkilala ng tao sa sarili bilang salik sa pakikitungo niya sa buhay.
Sosyolohiya
Agham-
Pampulitika
Sikolohiya
Ang Heograpiya bilang agham panlipunan na kaugnay ng pag-aaral ng ekonomiks ay
tumutukoy sa:
Katangiang pisikal ng isang lugar
Bilang ng produksiyon sa isang lugar
Alternatibong pamalit sa ekonomiks
Pagsukat sa dami ng populasyon
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa
palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
Ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiksa na magagamit sa kolehiyo
Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang
makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
Makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap.
Ang Pagpapatupad ng ordinansa o batas ay isang kahalagahan sa ekonomiks na
tumutukoy sa :
Indibidwal
Lipunan
Pamilya
wala sa nabanggit
1. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa supply maliban sa isa. Ano ito?
Pagbabago sa bilang ng bumibili
Pagbabago sa Halaga ng salik sa proksyon
Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
Pagbabago sa Teknolohiya
2. Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa _____________.
Kaliwa
Kanan
Pababa
Pataas
3. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Kung ikaw ay nagnanais magnegosyo, ano ang pinakanararapat mong gawin?
Gumawa ng sariling estratehiya sa pagnenegosyo Mga salik na nakaaapekto sa Supply
Ipauubaya ang pamamahala ng itatayong negosyo sa taong malapit sa iyo
Humingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo
Subukang gawin ang mga bagay na naiisip tungkol sa pagnenegosyo
