wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PRE-TEST UNANG MARKAHAN

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng panitikan na may simula, gitna at wakas na nag-iiwan lamang ng iisang diwa o kakintalan sa mga mambabasa.

a)

Maikling Kwento

b)

Parabula

c)

Dula

d)

Nobela

2.

Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa kuwento

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Banghay

d)

Tunggalian

3.

Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa

a)

Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

b)

Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap at gaganapin ang kilos

c)

Pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon na mga salita

4.

Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa iskrip ng dula

a)

Direktor

b)

Aktor

c)

Manunulat

d)

Manonood

5.

Isang akdang pamapanitikan na nahahati sa kabanata at may kawing-kawing na pangyayari

a)

Epiko

b)

Nobela

c)

Parabula

d)

Maikling Kwento

6.

Ito ay pagbibigay ng pansariling kahulugan sa salita ng isang pangkat ng tao na malayo sa literal na kahulugan.

a)

Talinghaga

b)

Idyoma

c)

Denotasyon

d)

Konotasyon

7.

Ano ang denotasyon na kahulugan ng salitang buwaya?

a)

Isang mabangis na hayop na kabilang sa reptilya

b)

Mabangis na tao

c)

Sakim

d)

Mapagsamantala

8.

Ano ang hindi kabilang sa mga sumusunod na salita?

a)

Kariktan

b)

Iskrip

c)

Yugto

d)

Direktor

9.

___ araw ng linggo ay magsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala ay:

a)

Kung

b)

Dahil

c)

Sa

d)

Kapag

10.

"Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama". Mahihinuhang ang ama ay magiging

a)

Matapang

b)

Mabuti

c)

Masayahin

d)

Matatag

11.

Ito ang nagsisilbing ganapan ng kwento. Anong Elemento ng Maikling Kwento ang binanggit?

a)

Talinhaga

b)

Tauhan

c)

Tema

d)

Tagpuan

12.

Siya naman ang itinuturing na "Ama ng Maikling Kwento".

a)

Deogracias Rosario

b)

Juan Miguel Severo

c)

Benjamin Pascual

d)

Rogelio Sikat

13.

"Bawal pala ang mangutya at mang-asar ng kapwa tao." Anong Elemento ng Maikling Kwento ang binanggit?

a)

Tema

b)

Paksa

c)

Aral

d)

Talinhaga

14.

Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda. Anong uri ito ng Elemento ng Maikling Kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Pananaw

15.

Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Anong uri ito ng Elemento ng Maikling Kwento?

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Pananaw

16.

Ito ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Sukat

b)

Saktong

c)

Tugma

d)

Kariktan

17.

Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Talinhaga

b)

Tema

c)

Kariktan

d)

Simbolismo

18.

Ito ay tumutukoy sa taludtod na magkasing-tunog. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Sukat

b)

Kariktan

c)

Saknong

d)

Tugma

19.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o syllalbe ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Anong elemento ng tula ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

d)

Saknong

20.

Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

a)

Nobela

b)

Maikling Kwento

c)

Tula

d)

Sanaysay

21.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (BU:hay)

I. Ang buhay ko ay hindi natatapos dito.

II. Buhay pa ang aking pinakamamahal na lolo.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

22.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (bu:HAY)

I. Ang buhay ko ay hindi natatapos dito.

II. Buhay pa ang aking pinakamamahal na lolo.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

23.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (LA:bi)

I. Ang kaniyang labi ay mapula-pula.

II. Ang labi ng patay ay dadalhin sa Isabela.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

24.

Unawain ang pahayag at piliin ang wastong sagot mula sa salitang (la:BI)

I. Ang kaniyang labi ay mapula-pula.

II. Ang labi ng patay ay dadalhin sa Isabela.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Parehong tama ang una at ikalawang pahayag

d)

Wala sa nabanggit

25.

Sa anong bansa sumibol o nagmula ang akdang pampanitikan na tanka at haiku?

a)

Thailand

b)

Korea

c)

Japan

d)

Philippines

26.

Siya ang tinaguriang dakilang makata ng modernong haiku.

a)

Matsuo Basho

b)

Maosaka Shiki

27.

Maaari bang sumobra sa limang (5) taludtod ang isang haiku?

a)

Oo, upang mapahayag mo ang iyong nararamdaman

b)

Oo, basta ito ay di lalampas ng 31 na pantig

c)

Hindi, dahil ito ay may sinusundang pattern na 5-7-5-7-7

d)

Hindi, dahil ito ay may 3 taludtod lamang

28.

Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at ng tanka mula sa Japan?

a)

May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala.

b)

Mas mahaba ang tanka kaysa tanaga.

c)

Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw.

d)

Ang paksa ng tanaga at tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon.

29.

Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng apat na

taludtod na tugmaan, may sukat na pitong pantig ang bawat taludtod at

nagpapahayag ng isang buong diwa.

a)

Ambahan

b)

Haiku

c)

Tanaga

d)

Tanka

30.

Anong ang pinapaksa o tema sa pagsulat ng tanka?

a)

pag-ibig at kalikasan

b)

kalikasan at pagbabago

c)

Kalikasan at pagdurusa

d)

pag-ibig at pagbabago

31.

Anong ang pinapaksa o tema sa pagsulat ng haiku?

a)

pag-ibig at kalikasan

b)

kalikasan at pagbabago

c)

Kalikasan at pagdurusa

d)

pag-ibig

32.

Ano ang wastong estilo sa pagsulat ng tanka?

a)

5 ,7, 7, 5, 5

b)

5, 7, 5

c)

7, 5, 7

d)

5, 7, 5, 7, 7

33.

Anong bahagi ng Asya nabibilang ang bansang Japan?

a)

Timog Silangang Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog Asya

d)

Kanlurang Asya

34.

Ano-ano ang mga uri ng ponemang suprasegmental?

a)

Diin, Tuldok, Kuwit

b)

Intonasyon, Diin, Pahayag

c)

Diin, Intonasyon, Hinto

d)

Diin, Hinto, Patatas

35.

Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay pareho ng baybay.

a)

Intonasyon

b)

Diin

c)

Punto

d)

HInto

36.

Tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tono ng boses.

a)

Tono

b)

Intonasyon

c)

Kuwit

d)

Sibuyas

37.

Ito ay ang pagtigil ng pagsalita.

a)

Hinto o Antala

b)

Intonasyon

c)

Kuwit

d)

Diin

38.

Bakit mahalaga matutunan ang mga uri ponemang suprasegmental?

a)

Para hindi kayo magkaintindihan kapag naguusap.

b)

Upang maipahayag ng maayos ang tunay na mensahe sa kausap.

c)

Para may grado sa eskwelahan.

d)

Hindi ko din alam eh.

39.

Batay sa kahulugang ibinigay sa ibaba, piliin ang angkop na sagot na nagsasaad ng tamang paghinto o antala sa pagpapahayag.


Kahulugan ng Pahayag: Hindi talaga si Jane ang kumuha ng pera.

a)

Hindi si Jane, ang kumuha ng pera.

b)

Hindi, si Jane ang kumuha ng pera.

c)

Hindi si Jane ang kumuha ng pera.

d)

Hindi si Jane ang kumuha, ng pera.

40.

Nagsasaad na si Mang Kanor ang tatay niya.

a)

Mang Kanor, siya ang tatay ko.

b)

Mang June, si Mang Kanor ang tatay ko.

c)

Mang Kanor, si Mang June ang tatay ko.

41.

Ang tanka at haiku ay isang anyo ng panitikang pinahahalagahan ng anong lahi?

a)

Pilipino

b)

Amerikano

c)

Tsino

d)

Hapones

42.

Ano ang tawag sa salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala o dalawang sugnay?

a)

Pangngalan

b)

Pangatnig

c)

Pang-uri

43.

Ano ang ipinahahayag ng mga ekspresyong totoo, talaga at oo?

a)

pag-aalinlangan

b)

katotohanan

c)

kasinungalingan

44.

Sino ang nagsalin sa maikling kwento ng Aanhin Nino Yan?

a)

Lualhati Bautista

b)

Luwalhati Bautista

c)

Vilas Manwat

45.

Isang uri ng pagbibigay kahulugan na tumutukoy sa pagbibigay ng literal na kahulugan. Halimbawa: Apoy – Nagmumula sa sinindihang mga kahoy

a)

KONOTASYON

b)

DENOTASYON

46.

Anong uri ng tunggalian ang makikita sa pagkatao ni Danding nang kanyang sundin ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang na pakasalan si Rojalde?

a)

TAO vs. TAO

b)

TAO vs. SARILI

c)

TAO vs. LIPUNAN

47.

5. Isang mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay.

a)

a. Epiko

b)

b. alamat

c)

c.nobela

d)

d. tula

48.

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng luha kung tag-araw, Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw” Ang may salungguhit na salita ay nagpapahiwatig ng:

a)

Pagdurusa

b)

Kaligayahan

c)

Kalungkutan

d)

Pagkamuhi

49.

“Isinuko ko ang aking kalayaan at napakahon ako sa kanilang nais”. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag?

a)

Pagkabigo

b)

Pagsunod

c)

Pagtatagumpay

d)

Pagkalungkot

50.

Sa pagpapahayag ng opinyon, mahalaga ang pakikinig upang maging maayos ang pag-uusap at iwasan ang pagiging mapanghusga.

a)

TAMA

b)

MALI