NEW
Font size
WorksheetsPaunang Gawain sa Aral Pan 4
Total questions: 25
Worksheet time: 38mins
Si Roxanne ay nakatira sa Davao City. Saang Rehiyon nabibilang ang Davao City?
Rehiyon 8
Rehiyon 12
Rehiyon 11
Rehiyon 1
Maraming bansa sa Daigdig. Matatawag na bansa ang isang lugar kung taglay nito ang mga sumusunod, MALIBAN sa isa:
Mayroon itong pamahalaang malaya na itinatag ng mga mamamayan at nangangalaga sa kapakanan ng sambayanan.
May mga mamamyang nakatira dito.
Mayroon itong sakop na teritoryong lupain at mga katawang-tubig. Ito ay pag-aari ng mga mamamayan ng bansa at hindi inaangkin ng iba pang bansa.
Ang mga mamamayan ay walang sariling paraan ng pamumuhay o kultura na nagpakikita ng kanilang pagkabansa.
Ang simbahan na ito ay naging saksi sa marahas at madugong pagmasaker ng mga Amerikano sa taong-bayan noong ika-28 ng Setyembre,1901.
Balangiga Church
Dambana ng Kagitingan
Rizal Park
San Agustin Church
Upang mas mapadali ang pamamahala, Ang buong Pilipinas ay hinati sa mga rehiyon. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Pilipinas?
Dalawampung Rehiyon
Labimpitong Rehiyon
Labing-anim na Rehiyon
Labingtatlong Rehiyon
Ito ang anyong tubig sa Pilipinas na naging tanyag dahil napabilang ito sa New Seven Wonders of Nature sa mundo.
Ilog sa Cagayan
Ilog Pasig
Ilog ng Rio Grande de Mindanao
Ilog ng Puerto Princesa sa Palawan
Ang Pilipinas ay mayaman sa matatabang lupa na maaring gamitin sa pagsasaka. Isa sa mga itinatanim ng mga magsasaka ay ang halaman na pinagkukunan ng asukal. Ito ay parang damo na may makatas na tangkay. Malawak din ang mga pananim nito sa Negros Occidental, Negros Oriental at Iloilo.
Alin sa mga sumusunod ang halaman na tinutukoy?
Tubo
Palay
Niyog
Tabako
Sa halamang ito galing ang sigarilyo at abano. Ang Tuyong dahon nito ay pinipino at ginagamit sa mga produktong nabanggit. Nangunguna sa pagtatanim nimo ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, Isabela at Tarlac.
Alin sa mga sumusunod ang halaman na tinutukoy?
Tubo
Palay
Niyog
Tabako
Kilala ang CAR sa mga gulay na tumutubo lamang sa malamig na klima.
Alin sa mga sumusunod na lugar ang kilala bilang "Salad bowl of the Philippines"?
Baguio
La Trinidad sa Benguet
Bukidnon
Negros Occidental
Alin sa mga sumusunod na lugar ang kilala bilang "Summer Capital of the Philippines"?
Baguio
La Trinidad sa Benguet
Bukidnon
Negros Occidental
Alin sa mga sumusunod na lugar ang kilala bilang "Sugar Bowl of the Philippines"?
Baguio
La Trinidad sa Benguet
Bukidnon
Negros Occidental
Alin sa mga sumusunod ang materyal na kultura?
Ang Mangunggul Jar
Ang pagsasayaw ng Tinikling
Ang Paniniwala sa Diyos
Ang pagtutulong tulong ng mga kapit-bahay (Bayanihan)
Ang Watawat o bandila ng Pilipinas ang sagisag ng ating pagkabansa. Ang unang Watawat ay ginawa nina Marcela Agoncillo, Delfina Herbosa at ____________.
Jose Rizal
Melchora Aquino
Lorenza Agoncillo
Maria Makiling
Ninanais ng bawat mamamayan ang isang bansang maunlad. Upang ito ay makamtan, kinakailangan natin ng mabubuting Lingkod-bayan na magtatrabaho sa pamahalaan. Ang mga sumusunod ay mga inaasahang gagawin ng mga Lingkod-bayan MALIBAN sa isa:
Maging sagisag ng tungkulin
Gamitin ang kakayahan at katalinuhan para sa kapakanan ng sambayan at hindi ng sarili
Buong-pusong maglilingkod, may wastong asal, at may respeto sa mga taong pinaglilingkuran.
Gamitin ang oras ng trabaho sa paglalaro ng computer games at paglilibang.
Ito ang uri ng pamahalaan na mayroon lamang isang tao na namumuno. Iba't iba ang tawag sa kanya— hari o reyna, shah, emir o emperador.
Pamahalaang Diktatura
Pamahalaang Monarkiya
Pamahalaang Komunista
Pamahalaang Demokratiko
Ito ang uri ng pamahalaan na karaniwang inilalarawan bilang "Government of the people, by the people, and for the people" o pamahalaan ng mamamayan, pinatatakbo ng mamamayan, at para sa mamamayan.
Pamahalaang Diktatura
Pamahalaang Monarkiya
Pamahalaang Komunista
Pamahalaang Demokratiko
Ito ang itinuturing na pinakamatandang Mosque o pook-sambahan ng mga Muslim sa Pilipinas.
Fuerte de la Concepcion y del Triunfo
Rizal Shrine
Sheikh Karim-ul Makhdum Mosque
Krus ni Magellan
Siya ang sultan na pinatayuan ng isang monumento bilang pag alala ng kanyang katapangan at pagpapahalaga sa kalayaan.
Raha Sikatuna
Sultan Kudarat
Andres Bonifacio
Dr. Jose Rizal
Saan matatagpuan ang Dambana ng Kagitingan?
Ilocos Sur
Sulu
Bataan
EDSA (Epifanio de los Santos Avenue)
Binisita ni Angie ang simbahan kung saan nangyari ang seremonyang nagpasimula sa gawain ng Kongreso ng Malolos noong taong 1898. Ano ang tawag sa lugar na ito?
Simbahan ng Santo Niño
Barasoain Church
Shrine of Mary, Queen of Peace
Simbahan ng Balangiga
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Department of Education
Department of Interior and Local Government
Department of Social Welfare and Development
Department of Agriculture
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Department of Education
Department of Interior and Local Government
Department of Social Welfare and Development
Department of Agriculture
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Department of Education
Department of Interior and Local Government
Department of Social Welfare and Development
Department of Agriculture
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Department of Education
Department of Interior and Local Government
Department of Finance
Department of Agriculture
Tignan ang larawan. Sa aling kagawaran nabibilang ang logo na ito?
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Kagawaran ng Kalusugan
Kagawaran ng Pananahanang Pantao at Pagpapaunlad ng Kalunsuran
Kagawaran ng Transportasyon
