wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tagisan ng talino Grade 7

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Fall in line. Ano ang tamang salin nito sa Filipino?

a)

Mahulog sa linya

b)

Nahulog sa pila

c)

Pumila nang maayos

2.

Sa antas ng wika na balbal, ano ang kahulugan ng salitang "Purita karaw Ledesma"?

a)

Dukha

b)

Baliw

c)

maganda

3.

Ano ang kahulugan ng salitang "TomJones"?

a)

Gutom

b)

Puyat

c)

Antok

4.

Lumipad nang husto ang mga ibon nang maka-alpas sila mula sa pagkakulong. Ang salitang "alpas" ay nangangahulugang?

a)

makalipad

b)

makalaya

c)

makaalis

5.

Huwag mong ibaon sa hukay ang ginawa mo sa akin. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang?

a)

Utang

b)

Kalimutan

c)

Sinaktan

6.

Kabiyak ng dibdib. Ano ang tamang salin nito sa Filipino?

a)

Sugatang puso

b)

asawa

c)

Nabiyak ang puso

7.

Ano ang tamang katumbas sa tagalog ng salitang "chalk"?

a)

yeso

b)

keso

c)

pisara

8.

Ano ang tamang salin sa Tagalog ng salitang "website"?

a)

pook-sapot

b)

hanap-sagot

c)

Sipnayan

9.

Ano ang kahulugan ng hindi mahulugang karayom?

a)

masikip

b)

malinis

c)

matao

10.

Amoy pinipig ang paligid habang nagluluto ng hapunan si lola. Ano ang kahulugan ng salitang amoy pinipig?

a)

masarap

b)

mabaho

c)

mabango

11.

Ito'y isang akda na sumasalamin sa kultura, tradisyon at paniniwala ng isang tao gayundin ito ay tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Awiting bayan

12.

Ito ay ang pagpapahayag ng mga saloobin at ideya at sumasalamin sa pinagmulan ng ating lahi sa bawat panahong nakalipas sa kasalukuyan at sa hinaharap.

a)

Panitikan

b)

Kultura

c)

Tradisyon

13.

Sa wastong pagsuot ng mask ay maaaring maiwasan ang Covid-19, _____ naglabas ng panukalang batas na bawal lumabas kapag walang suot nito. Anong salitang pang-ugnay ang kokompleto sa pangungusap?

a)

samantala

b)

dahil dito

c)

upang

14.

Isang akdang pampanitikan na tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay.

a)

Maikling kuwento

b)

Epiko

c)

Alamat

15.

Anong uri ng akdang Pampanitikan na patula o inaawit na binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod?

a)

Awit

b)

Tula

c)

Korido

16.

Alin sa mga sumusunod na Awiting-bayan ang halimbawa ng Oyayi?

a)

Dandansoy

b)

Ili-ili Tulog Anay

c)

Si Felimon, Si Felimon

17.

Naging pihikan ang Datu dahil sa marami ang naggagandahang dilag. Ang kahulugan na pihikan ay may kahulugang?

a)

matakaw

b)

mapili

c)

ganado

18.

Ito ay isang uri ng prosang pasalaysay na naglalahad ng mga pangyayaring naganap noong unang panahon tungkol sa isang bayan, karaniwang gumaganap dito ay ang mga diyos at diyosa.

a)

Kwentong bayan

b)

Mito

c)

Alamat

19.

Anong uri ng Panitikan ang Ibong Adarna?

a)

Awit

b)

Alamat

c)

Korido

20.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagtataglay ng salitang lalawiganin?

a)

Magandang umaga sa inyong tanan.

b)

Nagluto ako ng almusal para sa mga bagets.

c)

Kutis porselana si Maria