wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Handout 4 Review

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa teorya, ang mga Proto-Austronesian ay nagpunta sa Taiwan mula sa Timog- Tsina. Dahil sa pagtaas ng populasyon at limitadong lupaing agrikultural, ang mga Austronesian sa Taiwan ay naglakbay pa-timog patungong Pilipinas, Indonesia, at hanggang sa Borneo at Moluccas.

a)

Out of Taiwan Theory

b)

Island Origin Hypothesis

2.

Nagkaroon ng isang masalimuot na ugnayan ang mga pulo sa buong

Pacific Ocean at mula sa isla sa timog ang mga sinaunag tao sa Timog-

Silangang Asya.

a)

Out of Taiwan Theory

b)

Island Origin Hypothesis

3.

Ayon sa Mito, ano raw ang pangalan ng unang lalaki at babae sa Pilipinas

a)

Si Matangkad at Si Marikit

b)

Si Makisig at Si Malaya

c)

Si Malakas at Si Maganda

4.

Ayon sa Mito, saan raw nanggaling ang unang lalaki at babae sa Pilipinas

a)

Sa kawayan

b)

Sa lupa

c)

Sa unggoy

5.

Ayon sa Mito, nalungkot si Bathala at gumawa ng tao mula sa putik, sa pang ilan beses niya nagawa ang lahing kayumanggi?

a)

Una:

Hindi Niya na napansin na ito ay nasunog

b)

Ikalawa:

naging hilaw dahil sa sobrang pagbabantay rito

c)

Ikatlo:

tama ang pagkakaluto dahil hindi ito masyadong matagal o di kaya ay

masyadong mabilis sa pagkakaluto

6.

Saan galing ang kwento na ginawa ng Diyos si Adam at binigyan niya ito ng makakasamang babae?

a)

History

b)

Bibliya

c)

Science

7.

Pinakamatandang labi ng tao na nahukay. Natagpuan noong 2007 sa kuweba ng Callao, Cagayan. sinasabing kabilang sa Homo Sapiens

a)

Taong Callao

b)

Taong Tabon

c)

Taong Cagayan

8.

Natagpuan noong 1962 sa Kuweba ng Tabon sa Lipuun

Point sa bayan ng Quezon. Tinatayang namuhay 22,000-24,000 taon na ang

nakalilipas.

a)

Taong Callao

b)

Taong Tabon

c)

Taong Cagayan

9.

Nabuhay noong Panahong Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato. Pangangaso, pangingisda, at pangangalap ng pagkain ang ikinabubuhay nila.

a)

Taong Callao

b)

Taong Tabon

c)

Taong Cagayan

10.

Ito ay pinaniniwalaang Homo Erectus.

Pinaniniwalaang may namuhay sa lugar na ito ng Pilipinas halos 500, 000 taon na ang nakaraan.

a)

Taong Callao

b)

Taong Tabon

c)

Taong Cagayan

11.

Ang isa pang pangalan ng Out of Taiwan theory ay

a)

Mainland Origin Hypothesis o Austronesian

Theory

b)

Nusantao Maritime Trading and Communication System

12.

Ang isa pang pangalan ng Island Origin Hypothesis ay

a)

Mainland Origin Hypothesis o Austronesian

Theory

b)

Nusantao Maritime Trading and Communication System

13.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Nusantao?

a)

tao mula sa mga isla sa norte

b)

tao mula sa mga isla sa timog

14.

Sino ang nagpanukala ng Out of Taiwan Theory?

a)

Peter Bellwood

b)

Wilhelm Solheim II

15.

Sino ang nagpanukala ng Nusantao Maritime Trading and Communication System- o Island Origin Hypothesis?

a)

Peter Bellwood

b)

Wilhelm Solheim II