wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIL 8: Karunungang Bayan

Total questions: 55

Worksheet time: 2hrs 50mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

Ubos-ubos biyaya,

pagkatapos nakatunganga.

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

2.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

Ang isip ay parang itak,

sa hasa ay tumatalas.

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

3.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

butas ang bulsa

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

4.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

Ang batang malinis sa katawan,

ay malayo sa karamdaman.

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

5.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

malikot ang kamay

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

6.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

Ang kayamanang galing sa kasamaan,

dulot ay kapahamakan.

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

7.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

alilang kanin

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

8.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.

Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan.

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

9.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

nagbibilang ng poste

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

10.

Tukuyin ang uri ng sumusunod na halimbawa ng karunungang bayan.

tinatawag ng kalikasan

a)

Eupemistikong Pahayag

b)

Kasabihan

c)

Salawikain

d)

Sawikain

11.

Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain.

Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

a)

Magtipid upang may magamit sa oras ng pangangailangan.

b)

Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

c)

Maging mabuting tao sa ating kapwa at bansa.

12.

Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroroonan

a)

Gawin mo ang bagay sa iba na gusto mong gawin din sa iyo.

b)

Matutong magpasalamat sa mga taong tumulong sa iyo.

c)

Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

13.

Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain.

Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

a)

Huwag manghusga ng ibang tao.

b)

Gumawa ng mabuti sa ating kapwa at bansa.

c)

Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

14.

Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain.

Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.

a)

Gawin mo ang bagay sa iba na gusto mong gawin din sa iyo.

b)

Gamitin ang isipan palagi at hasain o paunlarin ito.

c)

Matutong magpasalamat sa mga taong tumulong sa iyo.

15.

Piliin ang kahulugan ng sumusunod na salawikain.

Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga

a)

Matutong magtipid nang sa oras ng pangangailangan ay may magamit.

b)

Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

c)

Matutong magpasalamat sa mga taong tumulong sa iyo.

16.

Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang sumusunod na salawikain.

Magbigay ng isang karanasan o pangyayari bilang halimbawa.

"Natutuwa kung pasalop, kung singili’y napopoot."

4 lines
17.

Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang sumusunod na salawikain.

Magbigay ng isang karanasan o pangyayari bilang halimbawa.

"Kung tanghali kang magising, maging dumi ng manok,

wala kang mapupulot."

4 lines
18.

Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang sumusunod na salawikain.

Magbigay ng isang karanasan o pangyayari bilang halimbawa.

"Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo."

4 lines
19.

Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang sumusunod na salawikain.

Magbigay ng isang karanasan o pangyayari bilang halimbawa.

"May tainga ang lupa, may pakpak ang balita."

4 lines
20.

Magbigay ng isang paboritong salawikain at ibigay ang kahulugan nito.

4 lines
21.

Ibigay ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa pangungusap.

Matuto kang mamili ng kaibigan at iwasan mo ang mga balik-harap.

(a)  

22.

Ibigay ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa pangungusap.

Kahit na sa oras ng sakuna, si Anna ay di-makabasag pinggan pa rin.

(a)  

23.

Ibigay ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa pangungusap.

Huwag mo nang ipaalala ang malungkot na pangyayaring iyan kay Mathea.

Alam mo namang balat-sibuyas iyon.

(a)  

24.

Ibigay ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa pangungusap.

Napagsabihan na naman siya ng guro dahil sa pagiging dalawang bibig niya.

(a)  

25.

Ibigay ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa pangungusap.

Makapal ang mukha niya dahil tinulungan na nga siya ng tao, ninakawan pa niya.

(a)  

26.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na sawikain.

alilang kanin

4 lines
27.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na sawikain.

may gatas sa labi

4 lines
28.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na sawikain.

nagbibilang ng poste

4 lines
29.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na sawikain.

makapal ang bulsa

4 lines
30.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na sawikain.

butas ang bulsa

4 lines
31.

Ibigay ang eupemistikong pahayag na papalit sa salitang nakasalungguhit.

Dahil matagal nang may sakit ang kaniyang asawa,

namatay na ito.

a)

sumakabilang-buhay

b)

tinatawag na ng kalikasan

c)

malikot ang kamay

32.

 

Ibigay ang eupemistikong pahayag na papalit sa salitang nakasalungguhit.

Taeng-tae na ako dahil sa nainom ako ng hindi malinis na tubig.

a)

tinatawag ng kalikasan

b)

malikot ang kamay

c)

halang ang bituka

33.

 

Ibigay ang eupemistikong pahayag na papalit sa salitang nakasalungguhit.

Kailangan mo na yatang mag-ehersisyo dahil tumataba ka na.

a)

nagiging balingkinitan

b)

nagiging malusog

c)

nagiging halang ang bituka

34.

 

Ibigay ang eupemistikong pahayag na papalit sa salitang nakasalungguhit.

Napakaarte at pihikan niya sa mga kaibigan

dahil sinisigurado niya munang tapat sila.

a)

mapili

b)

paladesisyon

c)

mapagpaubaya

35.

Ibigay ang kahulugan ng eupemistikong pahayag:

sumakabilang bahay

a)

nag-asawa ng iba

b)

nag-asawa

c)

namatay

36.

Ibigay ang kahulugan ng eupemistikong pahayag:

malikot ang kamay

a)

masasakitin

b)

pawisin ang kamay

c)

magnanakaw

37.

Ibigay ang kahulugan ng eupemistikong pahayag:

may amoy

a)

mabango

b)

masarap

c)

mabaho

38.

Ibigay ang kahulugan ng eupemistikong pahayag:

halang ang bituka

a)

sakitin

b)

masama

c)

payat

39.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na eupemistikong pahayag.

halang ang kaluluwa

4 lines
40.

Bumuo ng pangungusap gamit ang ibinigay na eupemistikong pahayag.

malikot ang kamay

4 lines
41.

Piliin ang angkop na ugaling tinatalakay ng kasabihan.

Malakas ang loob, mahina ang tuhod.

a)

kasipagan

b)

katamaran

c)

kabutihan

42.

Piliin ang angkop na ugaling tinatalakay ng kasabihan.

Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.

a)

pagiging masipag palagi

b)

pagiging mabuti sa kapwa

c)

pagiging matipid sa buhay

43.

Piliin ang angkop na ugaling tinatalakay ng kasabihan.

Huwag magtiwala

Sa di mo kakilala.

a)

pagiging masipag

b)

pagiging maingat

c)

pagiging mabuti

44.

Piliin ang angkop na ugaling tinatalakay ng kasabihan.

Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.

a)

pakikisama sa kapwa

b)

pagtitiwala sa iba

c)

pagiging tapat

45.

Ipaliwanag sa 2-3 pangungusap ang sumusunod na kasabihan.

Magbigay rin ng halimbawang pangyayari tungkol dito.

Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwat.

4 lines
46.

Ipaliwanag sa 2-3 pangungusap ang sumusunod na kasabihan.

Magbigay rin ng halimbawang pangyayari tungkol dito.

Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

4 lines
47.

Ipaliwanag sa 2-3 pangungusap ang sumusunod na kasabihan.

Magbigay rin ng halimbawang pangyayari tungkol dito.

Ang taong masikap, mga pangarap ay matutupad

4 lines
48.

Tama o Mali.

Ang karunungang bayan ay paraan upang maipahayag ang kultura ng kabilang iisang tribo.

a)
b)
49.

Tama o Mali.

Ang mga kasabihan ay mga salita o pahayag na badyang pampalubagloob o pampalumanay para hindi masakit o masama pakinggan o basahin.

a)
b)
50.

Tama o Mali.

Kapwa ang kasabihan at salawikain ay nakasulat nang patalinghaga.

a)
b)
51.

Tama o Mali.

Kapwa ang kasabihan at salawikain ay nakasulat nang patula.

a)
b)
52.

Tama o Mali.

Ginagamit ang mga eupemistikong pahayag upang hindi makasakit ng damdamin ng ibang tao.

a)
b)
53.

Tama o Mali.

Kapwa ang kasabihan at salawikain ay isinulat upang mangaral at magturo ng kagandahang asal sa mga kabataan.

a)
b)
54.

Bumuo ng sariling salawikain tungkol sa pag-aaral.

4 lines
55.

Bumuo ng sariling kasabihan tungkol sa pagkakaibigan.

4 lines