Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

unang markahang pagsusulit filipino9

Total questions: 49

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng sining o panitikan na kilala dahil sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

a)

Sanaysay

b)

Nobela

c)

Tula

2.

Ito ang tawag sa mga kataga o mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Pandiwa

c)

Pantukoy

3.

Elemento ng tula ang pare-pareho o halos magkasintunog sa hulian ng bawat taludtod ng tula.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Kariktan

4.

Isang mahalagang elemento ng tula ay ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.

a)

PANTIGAN

b)

TUGMA

c)

SUKAT

5.

TUKUYIN KUNG ANONG KAYARIAN NG TALUDTURAN ITO:

Ang halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

Sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

Sa maraming mata ang magandang tampok

Nag-iwan ng sugat ang maraming daan

a)

Di- tugmaang taludturan

b)

Malayang taludturan

c)

May sukat- may tugmang taludturan

6.

Nagtataglay ito ng mga taludtod na nagalahad ng isang ideya o imahen na nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa

a)

Saknong

b)

tugma

c)

indayog

7.

Ito ang pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salita na nasa hulihan ng dalawa o higit pang magkasunod na taludtod.

a)

tugma

b)

indayog

c)

saknong

8.

Uri ng tugma na nag hulihang salita ay magkatunog at may parehong letra.

a)

tugmang tuldikan

b)

tugmang pantigan

c)

tugmaang karaniwan

9.

Pangatnig na bubuo sa pangungusap,"Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase."

a)

kaya

b)

dahil

c)

kasi

10.

"Matutulog ako ng maaga ___________ hindi ako mahuli sa klase bukas."

a)

para

b)

dahil

c)

amantalang (while)

11.

Naiiba ang tula sa iba pang uri ng panitikan maliban sa...

a)

Ito ay may sukat at tugma.

b)

Gumagamit ito ng matatalinhagang pahayag.

c)

Binubuo ito ng tauhan at tagpuan.

12.

Kahalagahan ng mga tayutay sa pagsulat ng tula.

a)

higit na pinagaganda nito ang mga salita at mensahe ng tula.

b)

mas madali itong maiintindihan

c)

nagdadala lamang ito ng kalituhan sa mambabasa.

13.

Pang-angkop na ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.

a)

ng

b)

g

c)

na

14.

Pang-angkop na ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa n.

a)

ng

b)

g

c)

na

15.

Aling parirala ang gumamit ng wastong pang-angkop na NG?

a)

matapang na sundalo

b)

bata na maganda

c)

batong makislap

16.

Aling parirala ang gumamit ng wastong pang-angkop na NA?

a)

upuan na bato

b)

makapal na kahoy

c)

kapiraso na tela

17.

Alin ang may maling gamit ng pang-angkop?

a)

matalino na guro

b)

matapang na kamag-aral

c)

mabait na bata

18.

Alin sa pangungusap ang pariralang pinag-ugnay ng pang=angkop?

" Pinangingitlugan ng mga langaw ang mababahong basurahan."

a)

Pinangingitlugan ng mga langaw

b)

langaw ang mabahong

c)

mababahong basurahan

19.

Anong pang-angkop ang ginamit sa pangungusap na ito?

" Ang mga nabubulok na bagay ay pinangingitlugan ng mga langaw."

a)

ng

b)

g

c)

na

20.

Aling pangungusap ang hindi gumamit ng pang-angkop?

a)

Mikrobyo mula sa langaw ang sanhi ng sakit.

b)

Pinanatili nila ang maayos na kapaligiran.

c)

Maraming bata ang nagkakasakit.

21.

May isang lupain sa dakong Silangan

Na nag-aalaga ay sikat ng araw

Kaya napatanyag ay sa kagandahan

At napabalita sa magandang asal.

Ilan ang sukat ng tula sa itaas?

a)

walang sukat

b)

lalabing-animin

c)

lalabindalawahin

22.

Siya ay isang tanyag na manunulat na nagpakilala sa salitang "Sanaysay" mula sa mga salitang "sanay" at "pagsasalaysay".

a)

Agapito Flores

b)

Alejandro G. Abadilla

c)

Dr. Jose Rizal

23.

Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa

a)

kathang pormal

b)

pormal

c)

di-pormal

24.

Ito ay isang pananaw o paniniwala ng isang tao o ng isang pangkat.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

c)

Paniniwala

25.

Ang mga sumusunod ay naglalahad ng katotohanan. Alin ang hindi?

a)

Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

b)

Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.

c)

Ang pambansang watawat ay mayroong apat na kulay, pula, bughaw, puti at dilaw.

26.

Unang araw ng pasukan kaya maagang gumising at pumasok ang mga mag-aaral. Ano ang kahulugan ng araw sa pangungusap?

a)

pinakamaningning na bagay sa kalawakan na nagbibigay ng liwanag at init sa mindo

b)

ang bumubuo ng isang linggo tulad ng Lunes, Martes atbp.

c)

wala sa nabanggit

27.

Nag-iwan ng marka sa puting damit ng bata ang ketsup. Ano ang kahulugan ng marka sa pangungusap?

a)

mantsa; dungis

b)

grado; iskor

c)

palatandaan

28.

Mataas ang marka ni Rommel sa pagsusulit na sinagot niya noong isang araw. Ano ang kahulugan ng marka sa pangungusap?

a)

mantsa; dungis

b)

grado; iskor

c)

palatandaan

29.

Kahit na aba, basta mabait ay kaibigan ko. Ano ang kahulugan ng aba sa pangungusap?

a)

mahaba

b)

mahirap; maralita

c)

ukambibig na ginagamit para magpahiwatig ng damdamin

30.

Aba! Tatlong buwan ka nang hindi nanaupa sa apartment. Ano ang kahulugan ng aba sa pangungusap?

a)

bukambibig na ginagamit para magpahiwatig ng damdamin

b)

mahirap; maralita

c)

kapatid

31.

Ito ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.

a)

patanggi

b)

pagsang-ayon

c)

pagsang-ayon

32.

Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o

pakikibagay sa isang pahayag.

a)

pagsang-ayon

b)

opinyon

c)

patanggi

33.

Ito ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.

a)

paglalahad

b)

pagsang-ayon

c)

pagsalungat

34.

Sanaysay hinggil sa partikular na pangyayari sa buhay ng may akda.

a)

Autobiography

b)

Memoir

c)

literary Journalism

35.

Tumutukoy sa sulatin hinggil sa paglalakbay na naglalarawan sasariling lugar.

a)

Travelogue

b)

Memoir

c)

Autobiography

36.

Sulatin hinggil sa isang partikular na usapin na gumagamit ng mga literary divices.

a)

Travelogue

b)

Literary Journalism

c)

Memoir

37.

Sulating nagbabaybay ng buhay ng may akda mula pagasilang hanggang pagtanda.

a)

Travelogue

b)

Autobiography

c)

Memoir

38.

Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo. Alin sa mga salita mula sa pangungusap ang nagsasaad ng pagtanggi?

a)

paniniwala

b)

Hindi totoo

c)

napakahirap

39.

Talagang nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo. Alin sa mga salita mula sa pangungusap ang nagsasad ng pagsang-ayon?

a)

nananalig

b)

talagang nananalig

c)

nananalig sa sinabi mo

40.

Uri ng panitikan na ang layon ay itanghal ang mga tagpo sa isang entablado.

a)

Nobela

b)

Maikling Kuwento

c)

Dula

41.

Tawag sa pinakakaluluwa ng isang dula.

a)

Manuskrito

b)

Tanghalan

c)

Direktor

42.

Ang bumibigkas ng diyalogo at nagpapakita ng iba't ibang damdamin ng mga tauhan sa dula.

a)

Manonood

b)

Direktor

c)

Artista

43.

Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip at nagpapasya sa itsura ng tagpuan at paraan ng pagganap ng mga tauhan.

a)

Direktor

b)

Manonood

c)

Aktor

44.

Kukompleto sa kayariaan ng isang dula, mga nakakasaksi ng aktwal na kwento sa isang tiyak na lunan ng pagtatanghal.

a)

Direktor

b)

Manonood

c)

Aktor

45.

Biswal na presentasyon ang dula at bahagi ng isang pagtatanghal ang pagkakaroon ng lunan para maitanghal ito sa harap ng mga tao.

a)

Manuskrito

b)

Teatro

c)

Artista

46.

Lumilipad ang utak niya habang siya ay kausap ng kaniyang ina.

Tukuyin ang emosyong ipinahahayag ng pangungusap.

a)

Ekspresyong Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan

b)

Ekspresyong Nagpapahayag ng Tiyak na     Damdamin o Emosyon

c)

Ekspresyong Nagpapahayag ng Paghanga

47.

Ikaw pala ang tumulak sa akin!

a)

Ekspresyong Ginagamitan ng Padamdam sa derektang pagpapahayag

b)

Ekspresyong Nagpapahayag ng Paghanga

c)

Ekspresyong Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan

48.

Isang paraan ng pagpapakita ng tiyak na damdamin sa isang pahayag.

a)

Sambitla

b)

Di-direktang pagsasalaysay

c)

Direktang pagsasalaysay

49.

Isa sa kinikilalang muhon ng pagsulat ng dula sa Pilipinas.

a)

ichael Montaigne

b)

Rene Villanueva

c)

Christopher Rosales