NEW
Font size
WorksheetsRehistro ng Wika ATBP
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang varayti ng wika na tinatawag ding 'panlipunang dayalek' dahil naaayon ito sa iba't ibang sukatang panlipunan.
Idyolek
Sosyolek
Imahinasyon
Pidgin at Creole
Ano kaya ang pinakalohikal na dahilan ng pagkakaroon ng jargon sa iba't ibang trabaho o okupasyon? Dahil...
May dala-dalang sariling kultura at wika ang iba-ibang tao sa trabaho.
Hindi magkakasundo ang mga tao na nagsasama-sama sa isang trabaho.
May partikular o espesipikong kahingian at skillset talaga ang bawat trabaho, depende sa larangan.
Alin sa sumusunod na factors (o salik) ng rehistro ng wika ang may kinalaman sa pagkakaiba-iba ng pinagmulang lahi o bansa?
Etnikong Kaligiran
Edad at Kasarian
Katayuan sa lipunan
Trabaho at edukasyon
Ayon sa artikulo, alin sa sumusunod ang isang negatibong epekto ng pagkakaroon ng varayti ng wika ayon sa pangkat na kinabibilangan sa lipunan?
paggalang sa pagkakaiba ng kapwa
kawalan ng diskriminasyon
pagpapahalaga sa indibidwal na katangian
pagkakaroon ng stigma at stereotypes
Tinatawag din itong estilo o 'stylistic variation' ng paggamit ng wika, na kabilang din sa varyasyon ng wika.
Imahinasyong sosyolohiko
Register/Rehistro
Wikang Pambansa
Idyolek
Alin sa sumusunod ang factors o mga salik ng rehistro ng wika?
okasyon o pagtitipon at mga kalahok nito
edad, propesyon, posisyon, at karanasan ng kausap
tsanel o paraan kung paano ipapadala ang mensahe sa kausap
Lahat ng nabanggit.
TAMA o MALI: Walang epekto ang tono o emosyon ng pagkakasabi ng isang mensahe o pangungusap sa kausap.
TAMA
MALI
TAMA o MALI: Larang o field ang tawag sa aspekto ng rehistro ng wika na may kinalaman sa propesyon, edukasyon, hilig, at iba pang bagay katulad nito.
TAMA
MALI
TAMA o MALI: Walang anumang epekto ang paraan ng komunikasyon (kung paano ipapadala o matatanggap ang mensahe) sa magiging rehistro ng wikang gagamitin para rito.
TAMA
MALI
TAMA o MALI: Tenor o tono naman ang tumutukoy sa antas ng pormalidad ng paggamit ng wika, na maaaring mag-iba-iba depende sa relasyon sa kausap.
TAMA
MALI
