wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paunang Pagtataya 1.1 - Paunang Pagtataya

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Binubuo ito ng salita o parirala na nagbibigay ng malalim na kahulugan

a)

Sawikain

b)

Eupemismo

c)

Salawikain

d)

Kasabihan

2.

Tawag ito sa mga mahinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang pananakit ng damdamin.

a)

Sawikain

b)

Eupemismo

c)

Salawikain

d)

Kasabihan

3.

Ito ay tahasan, tuwiran, at payak ang pagpapakahulugan.

a)

Sawikain

b)

Eupemismo

c)

Salawikain

d)

Kasabihan

4.

Ito ang kahulugan ng sawikaing “magdilang-anghel.”

a)

napakabilis

b)

mabait na tao

c)

lumilipad

d)

magkatotoo

5.

Ito ang kahulugan ng sawikaing “balitang-kutsero”.

a)

biro

b)

opinyon

c)

balita

d)

tsismis

6.

SALAWIKAIN o KASABIHAN: Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

7.

SALAWIKAIN o KASABIHAN: Kung ano ang lakad ng alimangong matanda ay siya ring lakad ng alimangong bata.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

8.

SALAWIKAIN o KASABIHAN: Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

9.

SALAWIKAIN o KASABIHAN: Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

10.

SALAWIKAIN o KASABIHAN: Kung may hirap, may ginhawa.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

11.

Pagpapakahulugan sa Talinhaga

 

Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso. Nagbibilin ang pahayag na ito na:

a)

Importanteng maging maingat sa pagpili ng petsa at araw ng pagpapakasal.

b)

Dapat na pag-isipang mabuti ang pag-aasawa dahil malaking responsibilidad ito.

c)

Magkakaroon ng hindi magandang bunga ang pag-aasawa nang maaga.

d)

Mahalagang isipin muna kung may pagkaing pagsasaluhan ang mag-asawa.

12.

Pagpapakahulugan sa Talinhaga: Tandaang kung ano ang lakad ng alimangong matanda, siya ring lakad ng alimangong bata. Pinaalalahanan nito ang mga nakatatanda na:

a)

Maging maingat sa pagkilos dahil ginagaya sila ng mga nakababata.

b)

May sariling katangian ang mga nakababata kaya huwag silang pakialaman.

c)

Pareho lamang sila ng mga ikinikilos ng mga nakababata.

d)

Magpakabait sila sa mga makabagong kabataan sa kasalukyan.

13.

Pagpapakahulugan sa Talinhaga: Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na:

a)

Maraming tao ang gumagastos nang higit sa kanilang kinikita.

b)

Magpayaman muna bago isipin ang pag-aasawa.

c)

Maikli lamang ang buhay kaya dapat lamang na magpakasaya.

d)

Matutong magtiis at magtiyaga hanggang wala pang sapat na kakayahan.

14.

Pagpapakahulugan sa Talinhaga: Ang pagsasama nang tapat, pagsasama nang maluwat. Nagpapaalala ang pahayag na ito na:

a)

Kung makikisama, dapat tiyaking magtatagal ang pagkakaibigan.

b)

Mabubuting kalimutan na ang pakikisama nang tapat.

c)

Mahalaga ang pagiging matapat upang magtagal ang samahan.

d)

Tiyakin munang magtatagal ang samahan bago maging matapat.

15.

Eupemistikong Pagpapahayag: Tinanong ka ng iyong kaklase kung bagay sa kanya ang damit na suot niya. Natutuwa siya dahil bago at mamahalin ang kanyang damit. Alam mo namang hindi bagay, ano ang sasabihin mo?

a)

Ganda naman ng damit mo, pero parang mas bagay kung…

b)

Wow! Bagong damit. (Sarkastikong tono.)

c)

Ahmm, hindi bagay sa iyo.

d)

(Tatahimik na lang ako.)

16.

Dadaan ka sa hallway ngunit may magkakaibigang nakaharang sa daraanan mo. Paano mo sila paalisin?

a)

Bakit naman kasi dito pa kayo nakakalat?

b)

Excuse me, umalis kayo d’yan.

c)

Maaari po ba kayong tumabi, makikiraan lang po ako.

d)

Tumabi kayo, daraan ako.

17.

Eupemistikong Pagpapahayag: Sa pagbabalik ng klase ay nakita mo ang iyong kaibigan na tila nadagdagan ang timbang. Paano mo siya babatiin?

a)

Uy bes, parang tumaba ka. 

b)

Bes ang laki-laki mo na! 

c)

Bakit naman pinabayaan mo ang sarili mo bes?

d)

Hi Bes! Musta na? (Hindi papansinin ang kanyang timbang). 

18.

Eupemistikong Pagpapahayag: May nanghiram ng ballpen mo ngunit kailangan no na itong kunin dahil naubusan ng tinta ang gamit mo. Paano mo babawiin ang pinahiram mo?

a)

Akin na nga ‘yang ballpen ko.

b)

Mukhang tapos ka na sa paggamit sa ballpen ko, pwede ko na ba itong makuha? 

c)

Wala ka bang pambili ng sarili mong ballpen

d)

Ano? Kailan mo balak ibalik ang ballpen ko?

19.

Eupemistikong Pagpapahayag: Uhaw na uhaw na ang iyong kaklase at nakikiinom siya sayo. Ang problema’y may ubo ka’t baka mahawaan mo sya. Paano mo sasabihin sa kanya na hindi mo siya mapapainom?

a)

Bumili ka ng sayo. Puro ka na lang hingi. 

b)

Pasensya na ngunit baka mahawaan kita ng ubo ko.

c)

Pasensya na pero nakakadiri kung malalawayan mo ang tumbler ko.

d)

Sa iba ka nalang makiinom.

20.

Pagpapakahulugan sa Talinhaga: Kung may hirap, may ginhawa. Nagbibigay ng pag-asa ang pahayag na ito sa mga taong:

a)

May tapat na pagmamalasakit sa kapuwa at sa bayan 

b)

Nagpapahalaga sa masikap na pag-aaral at paggawa

c)

Nagsisikap sa buhay at hindi sumusuko sa mga pagsubok 

d)

Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panalangin at paggawa