wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10 Reviewer Summative Test #2

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang problema sa solid waste at deforestation ay mga halimbawa ng anong uri ng kontemporaryong isyu?

a)

 Isyung Pang-ekonomiya

b)

Isyung Pangkapaligiran   

c)

Isyung Panlipunan

2.

Ito ay tumutukoy sa permanenteng pagkasira ng mga kagubatan.

a)

 reforestation

b)

deforestation

c)

afforestation

3.

 Ito ay tumutukoy sa pagbabago sa temperatura ng atmospera ng daigdig na maaaring mapabilis sa natural na dahilan o sa mga gawain ng tao.

a)

Climate Change

b)

Wildfire

c)

Pagmimina

4.

Ang sumusunod ay sanhi ng deforestation, maliban sa_____

a)

Ilegal na pagtotroso

b)

Pagtaas ng populasyon

c)

Paggguho ng lupa

5.

Ito ang batas na nagkokontrol sa paglilinang ng mga yamang mineral sa bansa. Ito rin ang pangunahing batas na ang layunin ay pangalagaan ang mga kagubatan, kabundukang miminahan, at maging ang mga katutubong naninirahan sa mga lugar na pagmiminahan.

a)

Republic Act 7942

b)

Republic Act 9729

c)

Republic Act. 8749

6.

Ito ay tumutukoy sa lahat ng basura na mula sa tahanan, komersyal, institusyonal, industriya, konstruksyon, paligid, basura mula sa sektor ng agrikultura, at iba pang hindi mapanganib / hindi nakalalason na basura.

a)

Solid Waste

b)

Global Warming

c)

Pollution

7.

Ito ang tawag sa pagguho ng lupa dahil sa labis at tuloy-tuloy na pag-ulan o maaaring dulot ng paglindol.

a)

flash flood

b)

 landslide

c)

wildfire

8.

Batay sa mga pag-aaral noong 2015, ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 toneladang basura kada araw. Ito ang dahilan kung bakit isa ang Solid Waste sa pangunahing suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng bansa. Ano ang ugat ng problemang ito?

a)

Nagkulang ang Pamahalaan sa pagpapa-alala

b)

Hindi sapat ang impormasyon ukol sa tamang pagtatapon ng basura

c)

Kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura

9.

Sa pagmimina nagmumula ang mga yamang mineral na ginagamit natin sa pang-araw araw. Subalit ang hindi tamang pamamaraan nito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan. Ang sumusunod ay mga epekto nito, maliban sa _____________

a)

Pagkalbo ng kagubatan

b)

Pagdumi ng karagatan

c)

Pagbaba ng produksyon ng methane

10.

Ang Mother Earth Foundation, Clean and Green Foundation at Greenpeace ay ilan lamang sa mga Non-Government Organization (NGO) na may adbokasiya sa kalikasan. Ano ang papel ng mga NGO sa pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran ng bansa?

a)

Maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkapaligiran

b)

Tuligsain ang mga proyektong pangkapaligiran na pinapatupad ng pamahalaan.

c)

Magsagawa ng mga proyektong pangkapaligiran sa mga piling lugar ng bansa.

11.

Ang ating carbon footprint ay nakakadagdag sa greenhouse gases sa atmospera. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang mabawasan ang iyong carbon footprint sa bahay?

a)

Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.

b)

Gumamit ng power bank sa pagcharge ng cellular phone.

c)

Gumamit ng mga plastic na lalagyan ng pagkain.

12.

Ano ang polusyon na pangunahing sanhi ng Global Warming?

a)

Greenhouse Gases

b)

Deforestation

c)

Atmospera

13.

Isa sa nilalaman ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ang pagpapatayo ng mga Materials Recovery Facilities (MRF). Ano ang ginagawa sa mga MRF?

a)

Dito permanenteng tinatapon ang mga nakolektang basura mula sa mga bahay

b)

Dito ginagawa ang waste segregation bago dahin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite o sanitary landfill.

c)

Dito ginagawa ang pagreresiklo ng mga basura upang ibenta.

14.

Alin sa mga sumusunod ang may wastong pahayag tungkol sa global warming?

a)

Ang Global Warming ay ang labis na pagtatapon ng mga solid waste.

b)

Greenhouse gases ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng Global Warming.

c)

Ang Global Warming ay hindi nagdudulot ng El Niño at La Niña sa ating bansa.

15.

Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng pagmimina?

a)

Bagyo

b)

Panganib sa kalusugan ng tao

c)

Pagkasira ng mga sasakyan