WorksheetsModyul 1 Layunin ng Lipunang - Kabutihang Panlahat
Total questions: 19
Worksheet time: 7mins
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
A. Kapayapaan
C. Kasaganaang tunay
B. Katiwasayan
D. Kabutihang Panlahat
2. Ito ay binubuo ng mga indibidwal ng nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang particular na lugar.
A. Barangay
C. Lipunan
B. Komunidad
D. Pamahalaan
3. Ito ay tumutukoy sa iisang tunguhin o layunin ng mga taong may kinabibilangang pangkat.
A. Organisayon
C. Lipunan
B. Komunidad
D. Pamahalaan
4. Ang tawag ng __________ o kapakanang panlipunan ng pangkat na tumutugon naman sa panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa tao ay isa sa mga elemento ng kabutihang panlahat.
A. Katarungan
C. Paggalang
B. Kapayapaan
D. Pagkakaisa
5. Ayon sa isang pilosopo, kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan dahil ang buhay ng tao ay ______.
A. panlalawigan
C. makabuluhan
B. panlipunan
D. palakaibigan
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para s aiyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Jacques Maritain
C. John F. Kennedy
B. John Rawls
D. Santo Tomas Aquinas
7. Ang salitang lipunan ay hango sa salitang ugat na _________ na nangangahulugang "pangkat"
A. grupo
C. lipon
B. tipon
D. sangay
8. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na ____________ na nangangahulugang “common o magkakapareho”.
A. socialis
C. metropolis
B. communis
D. capitalis
9. Ang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng interes, ugali at ________.
A. pagkakaisa
C. pagtutulungan
B. pagpapahalaga
D. pagbabahagi
10. Siya ay isang propesor ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ayon sa kanya binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao.
A. John Rawls
C. Dr. Manuel Dy Jr.
B. Santo Tomas Aquinas
D. Joseph De Torre
11. Kabutihan para sa sarili ang pangunahing hangad ng tao sa tuwing siya ay nakikip agkapwa,ngunit ang layuning ito ay higit na magiging makabuluhan kung ito ay _________ din ng tao para sa kanyang kapwa alinsunod ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
A. Iniiwasan
C. Kinahihiligan
B. Hinahangad
D. Tinatamasa
12. Hahanapin talaga ng tao ang pamumuhay sa lipunan dahil likas sa kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal ay winika ni:
A. John Rawls
C. Santo Tomas Aquinas
B. John F. Kennedy
D. Jacques Maritain
13. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay :
A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
C. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa.
B. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
14. Ang sumusunod ay mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad.
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa
nagagawa ng iba.
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D. Pangkalahatang kondisyong pantay para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng
isang lipunan.
15. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangan pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay
na layunin ng lipunan.
C. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng
lipunan.
B. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang
indibidwal
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
16. Ano ang kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
C. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
B. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihang tumutukoy sa kabuuang kalagayan ng pamumuhay na nagbibigay-daan sa pag-unlad ng lahat ng kasapi ng lipunan—hindi lamang ng iilan.
17. Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang ___________.
A. pagkakapantay
C. pagkakabuo
B. pagkakalikha
D. pagkakahalintulad
18. “Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang”. Ang katagang ito ay:
A. Tama, dahil lahat ng tao ay magkakaparehas at may iisang layunin tungo sa pag-unlad ng lipunan.
C. Tama, dahil kinakailangan niyan makipamuhay at makibahagi sa lipunan sapagkat ang
buhay ng tao ay panlipunan.
B. Mali, dahil hindi kailangan ng tao ang iba para mabuhay ng tahimik at maayos.
D. Mali, dahil sa may kakayahan at talion ang tao na tumayo sa sariling paa kaya hindi nya kailangan ang iba.
Basahin at unawain:
19-20. Ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, inilagay ang barangay Liwayway, kung saan nakatira si Beth, sa lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus. Dahil dito marami sa kanyang kababayan ang pansamantalang natigil sa pagtatrabaho na nagdulot ng kahirapan sa kanilang buhay. Mapalad naman ang pamilya ni Beth na sumasahod pa rin ang kaniyang mga magulang dahil sa tinatawag na “work from home”. Masasabing nakaluluwag pa rin sila sa panahon ng pandemya. Isang araw, dumating ang ayuda na naglalaman ng mga delata at bigas galing sa barangay. Kinuha ito ni Beth sa paniniwalang mayaman man o mahirap ay karapatan nilang mabigyan ng ayuda galing sa barangay. Ang ginawang aksyon ni Beth ay:
A. Tama, dahil inisip niya na ang lahat ay pantay-pantay na binibigyan ng pamahalaan.
C. Tama, dahil ang pagtanggi sa tulong ay pagpapakita ng di pangsang-ayon.
B. Mali, dahil siya ay nakaluluwag na sa buhay kaya dapat ibinigay niya na lamang sa ibang nangangailangan.
D. Mali, dahil maari pa naman niya itong ibenta sa mababang halaga.
