wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Seatwork #3

Total questions: 14

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang sawikain?

a)

Ang sawikain ay tumutukoy sa tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.

b)

Ang sawikain ay tumutukoy sa mga kuwentong ang pangunahing tauhan ay hayop.

c)

Ang sawikain ay mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.

d)

Ang sawikain ay tumutukoy sa matatalinhagang salita na di-literal ang kahulugan.

2.

Ang sawikain ay tinatawag din na (a)   .

3.

Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. "Suntok sa buwan na maging mayaman ang isang taong lulong sa pagsusugal."

a)

Suntok sa buwan

b)

maging mayaman

c)

lulong sa pagsusugal

d)

Walang sawikain sa pangungusap.

4.

Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. "Ang buhay ng mga artista ay bukas na aklat sa publiko kung kaya palagi silang pinag-uusapan."

a)

buhay ng mga artista

b)

bukas na aklat

c)

publiko

d)

palagi silang pinag-uusapan

5.

Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. "Nang dumating ang Santo Papa sa Pilipinas ay di-mahulugang karayom ang mga daanan dahil sa mga nag-aabang sa kaniya."

a)

Santo Papa

b)

di-mahulugang karayom

c)

nag-aabang sa kaniya

d)

Walang sawikain sa pangungusap.

6.

Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. Matanda na si Mang Sioning subalit nagtatrabaho pa rin siya. Makapal talaga ang mga palad niya."

a)

Matanda

b)

Mang Sioning

c)

nagtatrabaho pa rin siya

d)

makapal ang palad

7.

Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. "Sabik na sabik sina Jenna at Michelle na magkitang muli dahil mula pagkabata ay sila na talaga ang magkahiramang suklay"

a)

sabik na sabik

b)

magkitang muli

c)

magkahiramang suklay

d)

Jenna at Michelle

8.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Oo nga, ibibigay ko sa iyo ang aking cellphone kapag nakakuha ka ng mataas na marka. Itaga mo iyan sa bato."

a)

tandaan

b)

isulat sa bato

c)

batuhin ng bato

d)

ipagkalat

9.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Nicole naman, ang tagal na no'n at humingi na nga ako sayo ng tawad sa ginawa kong pang-aasar sa iyo. Ibaon mo na 'yan sa hukay."

a)

ilibing

b)

sunugin

c)

hukayin

d)

kalimutan

10.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Si Tatay Bok ang kabiyak ng dibdib ng aking Nanay Beng. Tuwang-tuwa ako tuwing nakikita kong kinikilig pa rin sila sa isa't isa."

a)

asawa

b)

matalik na kaibigan

c)

dating kasintahan

d)

kaaway

11.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Jose, nagsusunog ka na naman ng kilay. Magpahinga ka rin naman paminsan-minsan."

a)

nag-aahit ng kilay

b)

labis na pag-aaral

c)

sinisindihan ang kilay

d)

nagtatrabaho

12.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Naiintindihan ko naman na di-makabasag pinggan si Faye ngunit marunong pa rin dapat siyang makisama sa ibang tao."

a)

hindi marunong maghugas ng pinggan

b)

bilugan ang hugis ng mukha

c)

maliit na tao

d)

mahinhin o sobrang tahimik

13.

Tukuyin ang kahulugan ng nakasalungguhit na sawikain. "Hindi ko gusto ang sinabi mo. Hindi mo dapat sinasabihang mapurol ang utak ng iyong kapatid. Dapat nga ay ikaw pa ang tumutulong sa kaniyang pag-aaral."

a)

matandain

b)

hirap makasunod sa klase o talakayan

c)

makakalimutin

d)

mabilis makasunod sa klase o talakayan

14.

TAMA O MALI. "Ang sawikain at salawikain ay pareho lamang.

a)

TAMA

b)

MALI