wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 6 - Impormasyon/Wastong Gamit

Total questions: 23

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Napakinggan mo sa radyo na may bagyong parating at dadaan ito sa inyong lugar. Ano ang iyong gagawin?

a)

hindi agad maniniwala

b)

maniniwala at maghahanda

c)

wala akong pakialam

2.

Naikuwento sa'yo ng iyong kapit-bahay na magla-lockdown sa sunod na Linggo sa inyong lugar ngunit narinig mo sa radyo na MGCQ ang itinakda ng inyong alkalde. Ano ang gagawin mo?

a)

maniniwala sa kapit-bahay

b)

hindi maniniwala at hayaan lang ang kapit-bahay

c)

ipaliliwanag ang tunay na napakinggan sa kapit-bahay

3.

Pinadalhan ka ng isang mensahe o text sa iyong celphone na nanalo ka ng isang daang libong piso. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi agad maniniwala at susuriin kung totoo ito o hindi

b)

Maniniwala agad dahi kailangan ko ng pera

c)

Tatawagan ko agad ang nagpadala ng mensahe

d)

Magpapasalamat ako sa nagpadala ng mensahe

4.

Nabasa mo sa isang website ang patalastas tungkol sa pinakamabisang sabon na pampaputi ng balat. Dahil pangarap mo talagang pumuti, ano ang gagawin mo?

a)

Mag-oorder agad ako

b)

Magpapadala na ako ng bayad

c)

Magiging mapanuri ako sa mga bagay na aking bibilhin

d)

Magsasabi ako sa aking nanay na bayaran na niya ang sabon

5.

Ang mga sumusunod ay pagpapahalaga sa katotohanan, maliban sa __________________.

a)

Paggalang sa opinyon ng ibang tao tungkol sa isang isyu o balita

b)

Naniniwala agad sa balitang napakinggan

c)

Iniisip muna kung totoo o hindi ang balitang napakinggan

d)

Pinipili ang mga babasahing makabuluhan lamang

6.

Piliin kung aling batayan ang gagamitin sa sumusunod na mga sitwasyon.

Programa sa telebisyon

a)

Oras/Tagal ng palabas

b)

Artistang gaganap

c)

Aral/Mensaheng pambata

d)

Dami ng nanonood/Rating

7.

Piliin kung aling batayan ang gagamitin sa sumusunod na mga sitwasyon.

Babasahin/Magasin

a)

Presyo

b)

Makulay na larawan

c)

Impormasyon/Aral na mapupulot

d)

Napapanahon/Uso

8.

Piliin kung aling batayan ang gagamitin sa sumusunod na mga sitwasyon.

Kaibigan at kabarkada

a)

Mayaman

b)

Kilala sa lipunan

c)

Magandang asal/ Impluwensya

d)

Kagandahang pisikal

9.

Piliin kung aling batayan ang gagamitin sa sumusunod na mga sitwasyon.

Pagkain

a)

Lasa

b)

Sustansiya

c)

Presyo

d)

Dami

10.

Lahat ng patalastas na nabasa o narinig ay dapat paniwalaan.

a)

WASTO

b)

HINDI WASTO

11.

Suriing mabuti ang patalastas bago ito tangkilin o gamitin.

a)

WASTO

b)

HINDI WASTO

12.

Pinipili lamang ang palabas na pagkakatiwalaan.

a)

WASTO

b)

HINDI WASTO

13.

Tinuturuan tayong maging mapanuri sa pagpili ng mga produktong ating gagamitin o bibilhin.

a)

WASTO

b)

HINDI WASTO

14.

Pagtangkilik ng isang produkto dahil ang artistang nag-endorso nito ay idolo mo.

a)

WASTO

b)

HINDI WASTO

15.

Ano ang dapat mong gawin kung may biglang tumawag sayo sa telepono at sinabing nasa hospital ang iyong nanay at kailangang magdala ng pera?

a)

Maniniwala ako agad sa tumawag at pupunta agad sa hospital.

b)

Kukuha ako ng pera sa cabinet at pupunta ako agad sa hospital.

c)

Kukunin ko ang impormasyon para alam ko kung saan ako pupunta.

d)

Hindi ako maniniwala agad sa balita dahil maraming manloloko ngayon.

16.

Bakit kailangang suriin nang mabuti ang patalastas na nabasa o narinig?

a)

Lahat ng nababasang patalastas ay laging tama.

b)

Maniwala agad dahil maganda ang patalastas.

c)

Suriin nang mabuti kung ito ay totoo at nakakatulong sa atin.

d)

Nakakatulong ito sa lahat kahit hindi na alamin kung ito ay mabuti.

17.

Ano ang mabuting maidudulot ng tamang pagpili at pag-alam sa katotohanan ng isang impormasyon?

a)

Magkakaroon ka ng pera.

b)

Magiging sikat ka sa paaralan.

c)

Maililigtas mo ang iyong buhay.

d)

Gaganda ang buhay ng pamilya mo.

18.

Nakakaalarma ang mga programang pantelebisyon na nagpapakita ng kalupitan sa mga kabataan. Ano ang dapat mong gawin bilang manonood?

a)

Huwag na lang itong pansinin.

b)

Pakinggan at kalimutan agad

c)

Itanong sa nanay kung bakit nangyayari iyon.

d)

Maghanap ng kaibigan na mapagtatanungan.

19.

Nakita mo ang iyong kapatid na buong araw na nakaharap sa computer at nagbabasa ng iba’t ibang site. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Sasamahan ko siya sa panonood ng computer

b)

Hahayaan ko lang siya hanggang gusto niyang manood

c)

Tatanggalin ko ang saksakan ng computer para di sya makapanood

d)

Sasabihan na hindi maganda ang sobrang paggamit ng computer

20.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng negatibong epekto ng gadget sa kabataan?

a)

Lumalawak ang kaalaman tungkol sa teknolohiya.

b)

Natututuhan ang mga modernong awitin at sayaw.

c)

Ginagawa ang takdang aralin nang mabilis.

d)

Ginagamit pa rin ang gadget kahit nasa hapag kainan.

21.

Anong kabutihan ang naidudulot ng palagiang pagbabasa ng dyaryo?

a)

Dagdag gastos sa mga tao.

b)

Pinapalawak ang kaalaman sa iba’t-ibang bagay.

c)

Napapasakit nito ang ulo ng tao.

d)

Sinisira nito ang pag-iisip ng maraming tao.

22.

Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang masamang epekto ng iba’t-ibang babasahin?

a)

Pipiliin ko ang mga magasin na mamahalin.

b)

Magpapanggap akong matured akong mag-isip.

c)

Pipiliin ko ang aking babasahin na tama sa aking edad.

d)

Magdamag akong magbabasa ng magasin dahil maganda ito.

23.

Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?

a)

Komiks

b)

Aklat tungkol sa karahasan

c)

Pahayagan na may horror

d)

Pahayagan ng kagandahang asal